"Serenading you."

"A-Alam ko. Pero bakit?" Nagsimula na namang mamula ang pisngi niya. So darn cute.

"Kasi manliligaw mo ako." I smiled.

Hahamakin ko hangga't sa makakaya ko para lang magkaayos na kami. I miss having us. Kahit na nasa harapan ko siya ngayon, parang ang layo niya pa rin sakin.

"Do you love my daughter?" tanong ng papa niya sakin.

I have never been this nervous before. Sa tatay lang talaga ni Carmeen. Pagkatapos ko siyang haranahin ay ang pagdating ng papa niya kasama ni Vince na ikinasimangot ko. Paanong magkakilala si Vince at ang papa ni Carmeen? Nanliligaw din ba ito? Pagkatapos ni Honey si Carmeen naman!

"Yes po..."

"I've heard from Vince that you're giving my daughter a hard time. Is that true?"

Kinabahan ako. Nak ng! Tiningnan ko ang may salarin. Nakadekwatro lang siya sa isang seater na couch habang nakangisi. Kahit kailan, ang epal! Sheesh!

Napatikhim ako. "Totoo po yun. Kaya po ako nandito para gawing tama ang lahat. I didn't like my decisions from the past that's why I'm trying my very best to make it up to her. And if you would let me po, I'd like to court your daughter."

Mataman niya akong tinitigan. Kumabog bigla ang dibdib ko. "How sure are you that you really love my daughter? Could it be that your just guilty of your actions that's why you're doing this?"

Umiling ako. "Hindi po. I really love your daughter. I wouldn't go this far kung ganon nga po." Bilib ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang mautal o mailang.

Nagkatinginan silang dalawa. Bakit ba close silang dalawa? Boto ba ang papa ni Carmeen kay Vince? Maya-maya may ibinulong si Vince kay tito. Kung pwede lang pumatay nang hindi nagkakasala. Tsk!

"Very well. Sige pwede mong ligawan ang anak ko..." Yes! I'm accepted. "In the old-fashion way."

Wait, what?"

*

Para sa kanya talaga, hahamakin ko ang lahat. Wala ng bawian mamatay man, period, no erase.

"Dale," nag-aalalang tawag sa akin Carmeen.

Nakanguso siya habang pinagmamasdan akong magsibak ng kahoy. That's right. Ang epal na si Vince ang nag-suggest nito.

"What?" I smiled at her. Pilit kong isinasantabi ang pagod para hindi siya mag-alala sakin. Kaya ko 'to.

"Stop this, please."

"I don't want to."

"You really dont want to quit?"

"I love you too much to give up on you."

Natigilan siya dahil doon. Kahit kailan ayaw pa ring maniwala. Pero hindi pa rin ako susuko. I never will... not until I prove to her that I'm serious.

"Heto..." Inabot niya sakin ang basong may tubig saka isang face towel. "M-Magpunas ka. Kanina ka pa pawis na pawis."

Kinuha ko nga yung isang basong tubig saka ininom.

"Pati itong towel," aniya.

"Pwede bang ikaw ang magpunas sakin?" Gusto ko lang siyang asarin ngayon.

Nag-iwas siya ng tingin kasabay ng pagmula ng kanyang pisngi. Damn it! Why is she so cute? Parang lahat ng pagod ko ay bigla na lang nawala. Totoo bang makita lang ang mukha niya'y sapat na?

"May sarili kang kamay kaya ikaw ang gumawa."

"Masakit dahil sa pagsibak ko..." kunwaring reklamo ko. Kahit na hindi ko naman alam kung para saan 'tong mga kahoy. Hindi naman pwedeng panggatong. May gas stove sila. Mamaya mag-iigib pa ako ng tubig kahit may gripo naman sila.

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now