Chapter 3

11 2 0
                                    

#DFFTKBDaughter

Saturday ngayon, pero wala akong gustong gawin, hindi din ako nakatulog kagabi. Para bang automatic nang bumubuhos yung luha ko kapag naalala ko yung sinabi ni Isaiah.

Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko..

"Anak, may gising kana ba?" si mame

Naramdaman kong naglalakad na sya papalapit sa kama ko, kaya bilis-bilis kong pinusan yung luha ko.

"Ay, me. Opo gising na po ako" sabi ko at pinilit akong ngumiti.

"Nak? ba't namamaga yang mata mo? Umiiyak kaba? What happened?" pag-aalala ni mame

"Ay me, wala pong nangyari, ok lang po lahat. Naiyak lang po ako sa ending nung napanuod kong kdrama." I lied. Hays, ayoko talagang nagsisinungaling, lalo na kay mame.

"Hahahaha. Haynako ka anak, kinain kana ng kdramang yan. O sya, let's go kakain na tayo." aya ni mame at sinabi kong susunod nalang ako.

Pagkalabas ni Mame ng kwarto ko ay dumiretso nako sa cr para mag-toothbrush at maghilamos, nagsuklay nadin ako at nagtali ng buhok. Bumaba nako.

"Ma, naniningil na si Aling Opay para sa bayad natin ng renta. Tapos yung sa kuryente, baka maputulan nanaman tayo." narinig kong sabi ni kuya, mukang naguusap sila ni mame. Haysss, problema nanaman. Huminto muna ako para pakinggan yung usapan nila.

"Anak, gagawan natin yan ng paraan, maghahanap ako ng magpa-part time pa para matustusan natin yan." bakas sa boses ni Mame ang determinasyon, pero kung titignan mo sya, alam kong sobra na syang pagod.

"Ma, sorry ah. Kung sana di ako naaksidente, edi sana graduate nako, edi sana nakakatulong nako sayo, edi sana nakaalis na tayo sa ganitong istilo ng buhay natin." narinig ko na naiiyak si Kuya lucas.

"Anak, it's not your fault. Wag mong sisisihin ang sarili mo. Basta pagnaka-luwag na tayo, mag-aaral ka ulit. Konting tiis nalang gra-graduate na yang kapatid mo. Sya ang tutulong satin." sabi ni mame.

Di ko na pumunta sa kusina, umakyat nalang ako pabalik sa kwarto ko, naglagay nalang ako ng sulat sa labas ng pinto ko na busog ako at inaantok pako dahil sa kakanuod ko ng kdrama.

Nahiga ako sa kama ko. Hays, kelan kaya kami mawawalan ng problema? Napapikit ako.

Paano kaya ako makakatulong kila mame?

Ay! Alam kona! Magpapart time job nalang ako! Kinuha ko yung cellphone ko na bulok (panahon pa ata ni kopong-kopong tong cellphone ko e) Tinawagan ko yung kaybigan kong nagalok sakin dati ng part time job.

"Hello, pat?" bati ko.

"[Oh, hcirene? Napatawag ka?]"

"Ay. Tatanong ko lang kung available pa yung part time mo na in-ofer mo sakin last time?"

"[Oh actually, di na e. Pero meron pa kong alam. May kaybigan kasi ako tapos magisa lang sya dito sa pilipinas nasa ibang bansa yung pamilya nya, kaylangan nya ng kasama sa bahay nila ngayon kasi nagbakasyon yung kasambahay nya. Ano? Game ka?]"

Game nga ba ko? Aish. Sige na nga.

"Ah, osge. Game ako jan."

"[Nice, tawagan ko muna sya sasabihin kong may nakuha nako, ok? I'll call you later.]

"Sige, thankyou thankyou."

At pinatay nya. Buti nalang meron!
Walapang limang minuto at tumawag ulit sya.

"Hello?" bati ko.

"[Hcirene, ok na. Pero pwede kana daw bang mag-start ngayon?]"

"Ah, oo sige."

"[Ok, text ko nalang sayo yung address.]"

"Sige, thank you pat."

"[Oh, sure. I'll hang up, byee!]"

Pinatay nya, tinext nya yung address kaya dali-dali akong naligo at nagpaalam kay mame na may pupuntahan lang ako.

Di naman kalayuan yung address kaya nag-tricycle na lang ako. Pagbaba ko ay tumambad sakin ang isang malaking gate. Nag-doorbell ako.

Maya-maya ay may isang magandang babae na nagbukas ng pinto.

"You must be Ate Hcirene?" tanong nito.

"Ah, yes ma'am." sabi ko.

"Tara, pasok ka po." aya nya, mukha syang mabait.

Woow, ang laki ng bahay nya tapos magisa lang sya? Di kaya sya natatakot dito?

"I'm Keira, and this is my house." pagpapakilala nya

"Ang ganda nga po, ma'am." nakangiti kong sabi.

"Haynako, ate. Don't call me "ma'am", just call me Kei or Keira. At wag mokong mapo-po dahil mas matanda ka po sakin." ang bait-bait nya.

"Ah ok, keira." sabi ko

Kwinento ni Keira na nasa Korea lahat ng kapamilya nya, half korean sya. Korean ang papa nya pero ang mama nya pinay. Pinaliwanag nya din sakin kung ano-ano yung mga gawain ko dito sa bahay nila. At naguusap na kami ngayon sa bayaran.

"20 thousand per month." alok nya

"20 thousand!?" napa-sigaw ako! 20k just for one month? shaaakyy.

"Bakit po? Mababa po ba? Magkano po ba gusto nyo?" tanong nito.

"Ayy, no. no. It's fine, ok na ok." sabi ko habang nakangiti.

"So, Ate Hcirene it's a deal?"

"Deal" then nag shake hands kami.

Well, eto lang ang magagawa ko para makatulong kila mame, kung sana di kasi kami iniwan ni Daddy edi sana mayaman kami hanggang ngayon at sana hindi naghihirap si mame.

Don't fall for that Korean BastardWhere stories live. Discover now