Napangiti ito ng makita siya. “Hindi ka naman galit sa yellow niyan?”

She pouted. Nahihiya pa rin siya sa nagyari kanina, actually nagto two piece naman siya kaso lang  sa beach yun, iba pa rin pag ganito ang sitwasyon.

Damn this woman. She should not pout like that. Aren’t she aware that she looks hot  today, sa simpleng get up na yun natuturn on na si Aron Miguel plus the pouting, God help him na hindi ito sunggaban at halikan.

“C’mon, baka tanghaliin tayo.”

Naibulsa ng binata ang mga kamay, baka kasi mahalata nito ang body reaction niya. “ang bilis mo ha, I thought I will be waiting for hours.” Tukso na lang niya.

She pouted again. “I can do it in five minutes or an hour if I like. Tara na nga.”

“After you Madame.”

Di pa nga pala siya nag-aalmusal, ksalanan din naman niya, tinaghali na siya ng gising. Malayo-layo pa naman ang Kidapawan, actually taga roon din siya, bihira lang din siyang umuwi, marami naman kasi silang properties, nagkalat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Nagulat siya ng bigla silang huminto sa tapat ng Jollibee.

“C’mon, magbreakfast muna tayo, alam kong wala ka pang almusal.”

Ang sweet naman nitong mokong na to. Alam pa rin niya na Jollibee ang paborito niyang fastfood.

Pinaupo lang siya nito, siya na raw and bahala sa oorderin.  “Wag mo kalimutan ang milo mix ko.” Paalala niya.

“Ang aga eh ang lamig ng ilalagay mo diyan sa tiyan mo.” Sermon nito.

Ang dami nitong dalang pagkain pagbalik. Di pa rin ba ito nag aalmusal. Wala yung milo mix niya. He gave her the breakfast meal, an extra rice, coffee, burger, spaghetti. Baliw ba to, paano niya mauubos lahat to.

Mukhang nahulaan nito ang nasa isip niya. “Ipa take out natin pag di mo naubos, pero I doubt na di mo kayang ubusin yan.”

“Di talaga. Yung milo mix ko pati coke float.”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon