"Halika na nga! Hahatid na kita sa inyo"

Saad ni Verm at hinila na ako palabas sa court, sumunod naman si Shin.

At dahil walking distance lang naman ang court mabilis kaming naka uwi ni Shin. Remember? We're neighbors

"See yah Guys! Bye"
Shin said at nagdali daling pumasok sa loob

"Bye Sha! Always take care and always remember pag nakita kita ulit lumuha ng dahil sa kanya sasapakin kuna talaga siya"

Napangiti nalang ako dahil sa concern niya

"Baliw ka talaga"
I said at hinampas siya sa braso, pero sumeryoso ang mukha niya

"No! That's not a joke.. I swear i will do that, anyway bye pasok ka na "

Lumapit naman siya at bigla nya akong hinalikan sa noo dahilan para mamula ako, gosh! Baliw talaga siya

"Bye pasok ka na"
He said at biglang kumaripas ng takbo

Habang ako hindi pa din makapaniwala..

Baka nagulat lang talaga ako kaya ganun! Hayst... Sira ulo talaga yung lalaking yun humanda siya sakin bukas

_________

Kinabukasan, maaga akong pumasok para maka usap si Verm pero bigo ako dahil late na siya nakapasok..

Hanggang sa mag recess hinintay ko talaga siya pero ilag eh! Ayaw talaga akong kausapin..

Nag try ako sa ibang chance pero nag busy busyhan naman siya.. Edi no choice ako, at isang way nalang talaga ang naiisip kong gawin para maka usap siya

I texted him. Sabi ko pag maghihintay ako sa may fountain place sa may subdivision at hindi ako aalis dun hanggang sa hindi siya dumating.. Oo seryoso ako!

Hindi talaga ako aalis dun hangga't hindi siya dumadating

Nakarating na ako sa fountain place.. Sana naman natanggap nga yung text ko,

5
10
15
20
25
30
Minutes


Wala pa ding Verm ang nagpapakita sakin, saan na siya?

Naramdaman ko namang may puma patak na, urgh! Hindi pa nakisama ang panahon at papaulanin pa niya ah..

Bakit ba nangyayari sakin to ngayon?  Bakit ba patuloy pa din akong nasasaktan kahit alam na niya yung lahat?  Bakit kailangan pa din akong magpatuloy na maghabol?  Bakit ako nanaman? 

Nawawalan na ako ng pag asang darating siya..  Pero nararamdaman ko
"Verm! Asan—"

"Ano pa bang dapat nating pag usapan?"

Dali dali akong napalingon dahil sa gulat dahil sa may biglang nagsalita sa likod ko, and Finally! dumating si Verm.  I knew it!  Kasi mahal pa niya ako

Dahan dahan akong humarap sa kanya.. May dala dala siyang payong, pero nanatili pa din ako sa kinatatayuan ko kahit lumalakas ng lumalakas ang ulan

Hindi man lang ba nya e o-offer yung payong niya?

"Verm! Dumating ka"
Panimula ko pero tinitignan niya lang ako

"Verm.. "
Muli kong tawag sa kanya.  Nagsimula ng bumuhos ang malakas na ulan.  Kaharap ko siya pero hindi ko na nakikita yung mga mata na dati sobra akong pinapahanga

Wala na akong nakikitang saya, o kahit na anong emosyon sa mata niya.  Wala na akong masilip na kahit na ano,  na dati parang hinahalukay pa yung buong kaluluwa ko dahil sa mga titig niya..  Ngayon tuluyan ng nawala. Maski awa wala

Hindi siya ngumiti.  Ano bang nagawa kong mali?  Hindi ko kasi ma pinpoint yung nagawa ko

"Kung kukulitin mo ako tungkol dun, wala na talaga diba? Wala ng tayo kaya tigilan muna to, umuwi ka na."

Akma na sana siyang tatalikod pero pinigilan ko ulit siya.  Kailangan ko syang pigilan!

"Verm..  Marami na akong sinugal para sa pagmamahal ko sayo, kaya kong iiwan mo na talaga ako sabihin mo sakin ngayong hindi mo na ako gusto"

Hindi ko na ininda yung lamig sa katawan ko,  nanghihina na ako pero pilit kong tinatatagan ang loob ko, pilit kong pinapakalma ang sarili ko.  Kasi kahit hindi na nya ako gusto, siya at siya pa din ang tanging nagpapalakas sa tuwing napapagod na ako

Siya pa din ang dahilan kaya lumalaban ako.

"Shanta! —"

"Just plsss.. Say it"

Hindi na naiwasang ngumarag ang boses.ko, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa sakit na iniinda ko. Sakit na na rereject ng taong mahal mo.

"Hindi na kita mahal—"

"TIGNAN MO AKO SA MATA!"

Instead, umiwas siya ng tingin, pero umaasa ako ngayon na may pag asa pa na kahit katiting meron pa.  Kahit kakarampot lang na pag mamahal sana meron pa.

"VERM!! —"

"Wag mo ng pahirapan pa yung sarili mo at magtira ka ng awa para sayo. Hindi na mag wowork ang relasyong to, hindi na tayo pwede. Siguro madami ka na ngang ginawang sakripisyo pero hayaan mong ako naman"

Sunod- sunod na patak ng luha kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan,  para akong sinaksak ng paulit ulit sa puso dahil sa sobrang sakit. Umiwas siyang muli ng tingin

"Verm..  Mahal mo pa ba ako?"
Muli kong tanong

"Shanta please! Desperada ka na ba?"

Nagulat pa ako ng bahagya sa tanong niya.  So mukha na akong desperada sa paningin niya?  Sh*t! 

"Sorry..  Ginawa ko lang yung alam kong magpapasaya sakin ngayon—"

"Just go.  Leave me alone,  wag ka ng muling babalik sa buhay ko.  Just do whatever you want.  Magmula ngayon..  Wala na akong pake alam,  kahit sayo o kahit tungkol sayo"

Napataas yung kamay ko at balak ko sana siyang sampalin,  pero pinigilan ko yung sarili ko.  Pinigilan kong wag siyang saktan kahit sinasaktan niya din ako.

"I wish I could hurt you the way you hurt me,  but I know if I had a chance,  I wouldn't do it. Thats how much I love you.  So,  thank you. For everything you've done to me,  I appreciate all your efforts. 

Pinapalaya na kita"

Marahan na akong napatalikod sa kanya, dahil simula ng iwan niya na ako, nagkaroon na ako ng dahilan para kalimutan siya..  ngayon lilimutin na kita. Kakalimutan ko na ang lahat.

Tungkol sayo, sa lahat. I'm done.

Ayoko na.

Tanging pag iyak sa ilalim ng malakas na ulan ang tangi kong magagawa ngayon.


Pero asahan nyang wala na siyang babalikan

➖➖➖➖➖➖
Don't forget to vote and comment♥

COLD HEARTEDWhere stories live. Discover now