CHAPTER 9: Pre-Departure

2.2K 85 10
                                    


CHAPTER 9

Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng graduation at sa wakas ay may mga successful job applications na rin ako pero ang pinakaexcited ako ay ang tawag na nakuha ko mula sa Singapore. Final interview ko sa Huwebes at by Friday ay makukuha ko na ang balita. Masaya na rin dahil may dahilan ako para makita si Ethan na bagaman nag-uusap kami ay madalas na saglit lang dahil busy siya sa trabaho at kailangan niyang mag-adjust sa bagong buhay niya roon.

"Good morning!", bati ko kay Ethan sa messenger.

"Morning!", reply niya sa akin tapos ay nagsend ng invite para sa videocall na agad kong sinagot.

"Wow naman sa woke up like this.", nangingiti kong bati sa kanya.

"Sira! Ikaw nga o, may muta pa."

"Pogi pa rin ako kahit may muta."

"Lakas. Iba rin talaga nagagawa ng hangin sa probinya.", tapos ay tumawa siya. "O siya, mag-aayos na ako. Magbreakfast ka na. I Love You.", sambit sa akin ni Ethan at natapos na ang aming usapan.

Bumalik ako sa gawain ko sa bahay. Mula kasi ng umuwi ako ng probinsya ay ako na ang tumutuwang kay lola sa mini-grocery niya na malapit lang sa bahay maliban na nga lang kung may job interview ako o may importanteng lakad.

"Lola, flight ko na po sa Huwebes. Wish me luck.", nakangiti kong sabi sa lola ko na bagaman nasa 70 na ay maganda pa rin ang ayos at fashionista pa rin.

"Naku. Ikaw pa ba? Bukod sa gwapo e napakatalino mo kaya sure akong makakapasa ka. Ang tanong lang e sigurado ka na bang pupunta ka ng ibang bansa?", tanong sa akin ni Lola na parang may ibang nais ipakahulugan.

"Bakit mo natanong naman iyan 'La?"

"Alam mo apo, okay lang naman na gumawa tayo ng desisyon na isinasaalang-alang natin ang mga taong mahal natin pero do not make a decision just because of one person."

"Masama po ba iyon?", tanong ko sa lola ko na ngayon ay nakaupo na sa bandang kaha ng mini-grocery namin.

"Hindi naman. Pero kapag may ginawa tayo para sa isang tao e dapat bukal sa loob natin kasi hindi mo pwedeng sabihin sa kanila na ginawa mo iyon para sa kanila.", nakangiting tugon sa akin ni Lola at tumango ako bilang pagsang-ayon.

Matapos ang pag-uusap namin ni lola ay bumalik na ako sa pag-aayos ng mga stocks namin na paninda pero hindi mawaglit sa isip ko ang mga sinabi ng lola ko: tama nga ba ang desisyon kong sumunod kay Ethan sa Singapore?

Habang abala sa pagsasalansan at pag-aayos ng display ay hindi ko namalayan na may isang pares na pala ng mata ang kanina pa nakatingin sa akin na hindi ko alam kung gustong mang-asar o ano pa man.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?", tanong ko kay Primo na nakawhite t-shirt, jogger pants na khaki at sneakers na white na lalong nagpatingkad sa maayos ng itsura nito.

"Sungit. Meron ka ba ngayon kuya?", tanong nito sa akin at ngumiti.

"Nag-kuya ka pa e parang gusto mo lang naman akong gaguhin. O bakit ka nga ba nandito saka bumiyahe ka pa talaga, a.", pang-aasar ko sa kanya.

"Malapit lang naman po kasi ang Bulacan saka ayaw mo ba na nandito ako?", pagpapacute ni loko. Sinabihan ko naman siya na wag siyang ganoon kasi committed na ako at baka kung ano pa ang isipin ni Ethan pero harmless naman daw siya. Kuya lang naman daw ang pagtingin niya sa akin.

"Kuya Jiggs, nagkwentuhan kami ni Lola Barbs kanina at sabi niya e pupunta ka raw ng SG sa Huwebes."

"Oo. Bakit? May ipapabili ka ba? Wala akong bagahe pagpunta roon a.", pasigaw kong sabi sa kanya dahil dumiretso ako ng bodega para ilagay ang mga kahon na walang laman.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon