Chapter 2: The Vandal

6K 140 14
                                    

CHAPTER 2

"Hindi ko gets."

Ito ang tugon ko kay Aries, isa sa mga kabarkada namin ni Ethan, habang nag-uusap kami at binabanggit niya sa akin ang nararamdaman niya para kay Ram at Ken, mga kabarkada rin namin. Ewan ko ba kung bakit ko nasabing di ko gets pero parang gusto ko na lang din kasing matapos itong usapan tungkol sa homosexual love na ito. This conversation just gets me nowhere. Ang gagwapo nitong mga kaibigan kong ito tapos gwapo rin ang problema. Buhay nga naman.

"Kung sabagay, paano mo magegets e hindi ka pa nga pala naiinlove.", patutsada sa akin ni Aries.

"E ano kung hindi pa naiinlove? May vigilante ba rito na pupugot ng ulo ko kung sakaling hindi pa ako naiinlove? Saka kung katulad lang din naman ng lovestory mo e di bale na lang."

"Hindi ka pa naiinlove so ibig sabihin e virgin ka pa? Tangna! Nahalikan ka na ba?", pang-aasar sa akin ni Aries na medyo kinapipikon ko na talaga dahil naisip ko na naman yung halik ni Ethan, ng bestfriend ko.

"Wag mo na ngang asarin ito. Ayan tuloy o, namumula na.", si Ethan na hindi ko alam kung saan nanggaling at ngayon e nakaakbay sa akin habang nakangiti ng ubod ng tamis.

"Bitawan mo nga ako. Magsama kayo d'yan.", umalis na ako dahil parang bigla akong tinubuan nung hiya lalo na nung dumating si Ethan. Napansin ko na lang na nginitian niya si Aries at bumuntot na sa akin.

Nagsasalita siya ng kung anu-ano, maraming kinukwento pero wala ako sa sarili ko kanina pa. Tumigil siyang magsalita at hinarangan ang daan ko.

"Jiggs, may problema ba tayo?", seryoso ang mukha niya habang nakapuppy eye.

"Wala. At tumigil ka nga dyan sa ginagawa mo."

"Bakit?", naguguluhan niyang tanong.

"Masyadong pacute e. Hindi ako chicks para magpacute ka ng ganyan tas andami pang estudyante o.", sabi ko sa kanya.

"Jiggs...", pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi pa man ako nakakasagot ay bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako nakagalaw sa halik na iyon lalo pa at parang tumigil ang oras.

Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ko pero parang balewala na ang lahat pati na rin ang iisipin ng mga tao at kahit pa nga...

"Huy Jiggs!", pagtawag sa akin muli ni Ethan. "Anong problema mo?"

"Ha? Anong... ahmm... bakit?", nararamdaman ko na ang pamumula ng pisngi ko dulot ng pagkapahiya. Did we kiss or everything was just in my head? I guess it's more of the latter.

Napalunok ako ng tuyo ng mapansing nakatitig pa rin si Ethan sa akin. Weird kasi parang sobrang concern yung tingin niya sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?", naiinis kong banggit kay Ethan dahil hindi ko talaga magawang maging komportable sa pagtingin niyang ganoon kahit dati naman ay ayos lang.

"Jiggs, may lakad ka mamaya?"

"Wala. Bakit?"

"Baka kasi pwede mo akong samahan mamaya kasi may pupuntahan ako e."

"Sige ba."

"Tara na?"

"Akala ko ba mamaya?", naiinis kong sabi.

"Sayang yung oras saka wala ka ng klase di ba? Hindi ko nga alam kung bakit ka pa nandito sa school e.", nangingisi si mokong habang nagsasalita.

"Baon, tol. Baon. Yun ang dahilan kung bakit ako pumapasok saka andito yung crush ko e.", hindi ko alam kung bakit nasabi kong andito yung crush ko kasi una sa lahat e wala naman akong crush talaga.

Bahala Na (pinoy bxb) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon