Chapter 2: Impatience

420 27 24
                                    

Bumuga ako ng hangin habang nakatitig sa may karumihan at maliit na bolang hawak ko. Pinaglalaruan ko ito sa aking palad. Hanggang sa maisipan kong ihagis ito paitaas at sambutin ulit. Nang gawin ko 'yon ay may kung anong ala-ala ang gumuhit sa isip ko na nagpangiti sa akin.

"I'm home! Are you hunger? I both some food."

Mula sa kinauupuan ko ay agad akong napalingon sa kaliwang gawi ko. Gulantang man sa biglaan niyang pagsulpot ay napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang hinahamon niya na naman ako. Tignan lang natin kung sino mas magaling sa amin. "Ma, you're wrong turn. Your grammering is very pour."

"Pour? It's double 'o' so it's poour. My goodness! Are you really my son? Your grammering is wrong too. So you're wrong turn 2."

"Ma, may mali na naman sa sinabi mo. You're wrong turn 3. Hindi ko na sasabihin kung ano mali mo bilang anak na rumerespeto sa kanyang nanay." Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko mapigilan lang ang tawa ko. Grabe talaga 'tong si mama. Parehong-pareho kami ng trip.

"Oh ano? Magbibilangan na lang tayo ng wrong turn dito?" Nangingiti niyang banggit kaya naman pinakawalan ko na ang tawa ko. Humahagikgik siyang tumabi sa akin at sinamahan akong tumambay dito sa maliit naming hardin. "Kakagaling ko lang sa plaza kanina para mamili at nakita ko ang ilan sa mga tauhan mo sa interrogation nit. Nabanggit nila na medyo nagiging mainitin daw ang ulo mo nitong mga nakaraang araw. Totoo ba 'yon?"

"Po?" Medyo gulat kong sagot. Hanep 'no? Mukhang sinumbong ako sa nanay ko ng mga magagaling kong tauhan. Yari sa akin 'yang mga 'yan bukas. "H-hindi naman, ma. Isipin niyo kasi, tatlo ang in-interrogate ng unit ngayong araw pero 'yung tatlong 'yon, ako ang nagtrabaho at gumawa lahat. Wala na akong maasahan sa kanila."

"Baka naman sadyang naging mahirap lang talaga paaminin ang mga nahuli ngayon," pagdadahilan ni mama na inismiran ko.

"Ewan ko sa kanila. Palibhasa ako ang Captain, sa akin na inasa lahat ng trabaho," inis na reklamo ko sabay iwas ng tingin. Itinukod ko ang mga siko ko sa magkabila kong hita at binalik na lang ang atensyon sa bolang hawak ko. Ewan ko ba, naiinis na naman ako.

"Hay nako, anak. Totoo nga. Napakamainitin na ng ulo mo ngayon," sabi ni mama na lalong nagpalalim ng kunot sa noo ko.

"Ma naman!" Inis kong sabi.

Hindi ko alam kung pinapalamig ba ni mama ang init ng ulo ko o lalo akong iniinis. Pero ngayong nabanggit sa akin ni mama ang tungkol dito, naisip ko na medyo nagiging madali nga akong mainis ngayon. Basta nagiging iritable na ako nitong mga nakaraang araw. Naaalala ko pa pagmumukha ng lalakeng huli kong in-interrogate. Pakapanget, bwiset.

"Siguro naii-stress ka lang, anak. Siguro sa trabaho. 'Wag mo muna isipin ang trabaho mo. Mag-relax ka paminsan-minsan. O baka naman may gumugulo sa isip mo?" Muling sabi ni mama at sandali akong natigilan sa naging tanong niya.

Gumugulo sa isip ko?

Sinandal ko ang likod ko at nagbuntong hininga. Pumikit ako saka ko inisip kung ano nga ba ang gumugulo sa isip ko. Kung iisipin ay wala naman dapat akong ikainis o ikagalit. Sa katunayan nga ay nagiging tipikal na araw lang ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Bahay. Trabaho. Training kasama si Rake. Minsan ay nakikipag-usap sa ibang Seniors. Walang dahilan para maging iritable ako nang ganito. Siguro nga ay nilalamon lang ako ng pagkabagot ko. Sa loob ng halos tatlong taon ay pare-pareho lang kasi ang nangyayari araw-araw.

Kung nakakalabas lang siguro ako ng Orthil ay hindi ako magkakaganito. Ang tagal na simula noong makalabas ako't makagawa ng misyon, ngunit sa tuwing sinusubukan kong kulitin si Rake tungkol dito ay pareho lang ang sinasagot niya sa akin. Tss. Hindi pwede, Ean. Ganyang-ganyan ang sinasabi niya sa akin. Hindi talaga nawala ang pag-tss niya. Bwiset! Oh, ayan naiinis na naman ako.

Lakserf's Obscure: Heresy [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon