Nanginginig na umiiyak ako ng tahimik habang sila naman ay tawa ng tawa. Mga walang hiya sila!

"What the fvck did you do to her?!" Narinig ko nalang ang boses na pamilyar at galit na galit.

"Oh? Wadensel! We meet again! Huh. Nothing, we just teach her a lesson. Pero I think kula..."

"Fuck you!" Mas lalo akong napapikit ng marinig ko ang bugbugan nila.

Hindi ako nagmulat ng mata at patuloy na umiyak ng tahimik habang nakatungo. Hindi ko siya kayang tignan. Bakit? Bakit ka pa pumunta?

"Sh*t." Narinig kong mura niya. Sumikip ang dibdib ko ng dahan-dahan niya akong itinayo at tsaka niya tinignan ang mukha ko pero nanatiling nasa sahig ang tingin ko.

"Look at me." Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko sa tono niya. Nang hindi ko siya sinunod ay siya na mismo ang nag-angat ng mukha ko at inalis ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

Gulat na napatingin siya sa akin ng nakita niyang puno ng luha ang mukha ko. Tahimik akong umiiyak at hindi niya yun napansin kanina. Tinignan ko siya sa mga mata niya. Bigla akong nagbaba ng tingin ng makita ko ang awa sa mga mata niya. Muli ay kumawala ang mga luha ko. Wag kang maawa.

Hinawakan niya muli ang baba ko at tsaka itinaas para makita ko ulit siya. Hindi ko alam pero nakita ko ang sakit at awa sa mata niya.

Bakit? What's the meaning of that, Wadensel. Sa daming taong pwedeng tumulong sa akin. Bakit ikaw pa? I don't want you to see me like this. Hindi ikaw. Sana iba nalang.

Tinitigan ko ang kanyang mukha at ganun din siya sa akin. Muli akong napaluha ng makita ko ang pasa sa gilid ng labi niya. May bahid din na dugo sa kamay niya. Hinawakan ko ito.

"Are you okay?" Nagaalalang tanong ko habang tinitignan yung sugat niya. Iniwas niya naman yung kamay niya kaya tulalang napaluha ulit ako. He's pushing me away again.

"I'm not okay, Sam. Seeing you like that might want me to beat all of them 'till death!" Galit na sabi niya sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nanghihinang hinawakan ko yung pisngi niya pababa sa gilid ng labi niya na may pasa. I want to heal that.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw niya na akong pakawalan. Napahikbi ako ng marinig ko ang bilis na tibok ng puso niya na kagaya ko at bilis ng paghinga niya.

"I'm sorry, I'm late." Mahina at malambing na sabi niya. Kung kanina ay tahimik na umiiyak ako. Ngayon naman ay napalakas na kaya itinakip ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ako napahagulhol napayakap ng mahigpit sa kanya. Panay ang haplos niya sa likod at buhok ko at pilit akong pinapataha.

For the first time. Nakaramdam ako ng malalabasan ko.

"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." Paulit-ulit na sabi niya pero umiling lang ako ng sunod-sunod. Wala siyang kasalanan. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat kung bakit nasasaktan at lalong masasaktan ang mga taong nasa paligid ko.

"Thank you." Mahinang pagpapasalamat ko ng tumahan na ako. Nagulat ako ng seryoso niyang inayos yung buhok ko at tsaka niya pinunasan yung mukha ko gamit ang damit niya.

"W-Wadensel." Pinigilan ko siya pero hindi siya natinag at patuloy na pinunasan ang luha ko. Naramdaman kong may humaplos sa dibdib ko habang ginagawa niya 'yon. Pwede bang wag ng matapos ang araw na 'to?

"I'll call your dad for this." Pipigilan ko na sana siya pero inilapit niya ang mukha niya at tsaka niya ako tinitigang mabuti kaya napatikom ang bibig ko at pakiramdam ko ay namula ako.

Hindi ko na siya napigilan ng tawagan niya si daddy at ipinaalam ang nagyari pero habang kinakausap niya si dad ay nakatingin lang siya sa mga mata ko. Nagulat pa ako ng sinabi niyang siya na daw ang maggagamot ng sugat ko at hindi ko inaasahan ang pagpayag ni daddy at ako naman ang kinausap ni daddy.

Nininerbyos siya sa kabilang linya at sinabi niyang sumama daw muna ako kay Wadensel para gamutin ako. Sinabi niyang magsasampa daw siya ng kaso sa mga nanakit sa akin. Galit na galit si daddy sa nangyari kaya hindi ko magawang makapagsalita. Sinabi niyang susunduin daw nila ako pagkarating nila dito sa amin.

Nasa Cebu kasi sila kanina at nagpa-book ng flight dahil sa nangyari. Kasama nila ang mga kuya ko. Wala na akong nagawa kung hindi ay ang sumama sa taong tinitibok ng puso ko. Ngayon lang kami nagkalapit ng ganito. Kailangan ko bang masaktan para mapalapit ko siya sa akin?

Hindi ko inaasahan ang pagbuhat niya sa akin ng dumating ang mga pulis. Hindi ko magawang makapagsalita ng bigla niya akong tignan kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Isinakay niya ako sa ferrari niya at tsaka niya kinausap ang mga pulis.

Bigla akong napangiti ng mag-isa sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Nagagawa niyang pawiin 'yun ng walang kahirap-hirap. Do I still like him?

But I think, I already fall for him. Napawi ang ngiti ko ng bumalik siya sa kotse niya. Napatingin siya sa akin at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin habang nakatingin sa labi ko.

Hinawakan niya ang gilid ng labi ko kung saan dun banda ang dumugo. Biglang nandilim ang awra niya pero agad napalitan ng pagaalala ng tumingin siya sa mga mata ko. Those hypnotizing eyes. Damn.

"Still hurt?" Marahan akong tumango at tsaka ako napatingin sa baba. Nahihiya ako sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Tila hindi ako nakagalaw sa upuan ko ng bigla niya yung dinampihan ng halik. Ilang beses akong napakurap at tsaka napasulyap sa kanya na parang gulat din.

"I-I'm sorry." Tila nabigla din siya kaya kinuha niya ang seatbelt ko at isinuot nalang sa akin pagkatapos ay nagmaneho na siya ng hindi na ako sinulyapan.

What's the meaning of that? Does he like me too? Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at tsaka ako biglang namula. Damnt it, Wadensel! Why are you doing this!

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Where stories live. Discover now