POEM 3-Ang isang tula para sa taong walang pake

59 1 0
                                    


Ang isang tula para sa taong walang pake

Isang tula,
Ang muling ihahandog sayo.
Isang tula,
At sanay mapansin ng isang katulad mo.

Masayang tagpo,
Masayang pakikitungo.
Ngunit? Anong nangyari?
Bat nawala ang dating mga ngiti saiyong labi?

Sa bawat paglaho ng dating ikaw,
Sa kilala mo pa ko sa susunod na araw.
Sa bawat sayang ibinigay mo saakin noon,
Sana kaya mo pang tandaan hanggang sa susunod na panahon.

Araw ay lulubog,
At lilitaw ang umaga
Araw ay lulubog,
At magbabago ang pagsasama.

Nagumpisa diba tayo sa blangko?
At dahil iniwan mo na ko.
Ang mga kulang ay mapupuno.
At tatanggapin na wala akong naging espasyo.

Ayokong magpasalamat pa.
Dahil gusto kong madagdagan sana.
Kaso hindi na pwedeng mangyari.
Sapagkat iba na ...............
ang pangalang iyong sinasabi.

Truth Hurts (Poem, Advises, Quotes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon