(Note: Mature content at later part)

"Hello, love. Yes, I'm fixing my things na and pauwi na din ako any minute." Sagot ni Beatrice sa kausap sa telepono. She's getting ready to go home from a day's training sa kanilang firm nang tumawag ang kanyang fiancé.

"What time will you arrive sa house? I'll prepare something for you. Susunduin naman ako dito ni Manong Joel. Okay, you finish that meeting and I'll wait for you sa bahay. I love you too po. Miss ko na din ang magiging hubby ko. Muah!" Kinikilig na sabi niya sa kausap.

"Mabuti pa si Ma'am Beatrice, panalo na sa buhay. Hai, kailan kaya ako makakatagpo ng kasing gwapo ni Sir Adrian?" Parang nagde-daydream na sabi ng isa nilang staff sa opisina.

"Hoy! Magising ka nga sa katotohanan! Nag-iisa lang si Sir Adrian sa mundo. Wala ng katulad niya. Kung meron man, hindi ka mapapansin nun, tingnan mo nga, hindi ka marunong mag-ayos ng sarili mo." Malditang saway ng isa ding staff na katabi nung isa.

"Kayo talaga. O, sige. I have to go na ha. Ingat kayo sa pag uwi mamaya." Naiiling na sabi niya sa mga ito.

Hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang Kuya Jonathan dahil may meeting ito sa conference room with some of the investors. Agad na siyang sumakay sa elevator at bumaba ng basement parking kung saan naghihintay si Manong Joel, ang family driver nila. Sumakay na siya sa sasakyan.

"Diretso na po tayo sa bahay, Manong," magalang na utos ko sa matanda.

"Sige hija. Nagmamadali ka yata. Pupunta si Adrian, no?" Tukso nito sa kanya.

"Yes, po. Alam na alam nyo po ah," natatawang sabi niya.

"Syempre, dikit kami ng batang yon eh," pinakita pa ni manong ang dalawang daliri niyang nakadikit.

Natawa na lang siya sa tinuran nito. Twenty-five years na itong naninilbihan sa kanila, kasama ang asawang si Manang Lucy na siyang tagaluto nila. Pamilya na ang turing nila sa mga ito dahil na din sa tagal ng serbisyo ng dalawa.

Nakarating na siya sa kanilang bahay at nadatnan niya ang ina sa kanilang foyer na inaayos ang mga bulaklak sa gitna ng center table.

"Good evening, Mom!" Bati niya sabay halik sa pisngi nito at nagmano.

"Nakarating ka na pala, anak. Hinahanda na ni Manang sa kitchen ang lulutuin mo. Nagpa-practice ka na talaga para maging wife material ha." Tukso sa kanya ng ina.

"Si Mommy talaga. I just want to prepare Adrian's favorite meal. I love cooking for him."

"I know, hija. And you'll be a good wife to him." Haplos nito sa pisngi ng anak.

"I hope I'll be, Mom. Just like you to Dad," naluluhang sabi niya.

Niyakap niya ang ina. Then, she went to her bedroom and changed her clothes. Nag shorts na lang siya at isang oversized shirt. Mamaya pa naman ang dating ni Adrian kaya she has ample time to cook his favorite dish which is beef sinigang. Dumiretso na siya sa kitchen area nila at nakita na nga niya si Manang Lucy na hinihintay siya.

"Halika na, hija. Simulan na natin ang pagluluto!" Masayang bati sa kanya ng matanda. Si Manang Lucy ang guide niya sa pagluluto lalo na ngayon na darating si Adrian. Natataranta kasi siya kapag  mag isa lang sa kusina. She wanted everything to be perfect.

After two hours of preparing the dishes, "Ayan! Ang bango! Manang pakitikman nga kung masarap o sakto lang yung lasa." Parang batang sabi ni Beatrice sa matanda.

Agad naman na tinikman nito ang finished product ng dalaga. "Pwede na. Pwede ka ng mag asawa." Sabay aprub pa si manang. Niyakap niya na lang ito. Palabas na siya ng kitchen ng maaninag ang isang lalaking nakaupo sa kanilang couch sa sala at kalong-kalong ang isang aso.

My Runaway BrideWhere stories live. Discover now