iv

18 0 0
                                    



Naghahanap kami ni Veronica ng restaurant for our lunch dito sa Rockwell. Nag-aya kasing mag shopping ang kaibigan niya. At the same time, bonding na din nilang dalawa dahil medyo naging busy siya these past few days. Si Veronica naman ay busy sa kanyang blog. It's a fashion/lifestyle/travel blog. Parang three-in-one na, and base sa mga comments na nakikita niya sa website nito, unti-unti ng nakikilala ang kanyang blog sa online world.

They decided to eat at Mamou Too! Nagke-crave kasi silang dalawa sa pasta at steak, so it's the best place to pig out. Dala-dala ang kanilang mga shopping bags, tinungo na nila ang isang vacant table. Mabuti na lang at hindi gaano karami ang tao ngayong time na ito. You have to reserve a table ahead of time to make sure na may place ka. But in their case, hindi sila nakapag pa reserve agad because their visit there is unplanned.

"So, how's it going, soon to be asawa ni Papa Cole?" Nakakalokong sabi ni Veronica.

Tiningnan niya si Veronica while browsing the restaurant's menu at agad na natawa.
"Ayan ka na naman sa Papa Cole mo na yan. 'Wag mong iparinig kay Adrian na yan ang tawag mo sa kanya. Maghuhuramentado yun," aniya.

"Eh papang-papa naman kasi ang looks ng magiging asawa mo, B. Macho papa. Drop-dead gorgeous kumbaga. Naremember mo na nag post ako sa blog ko ng graduation photos natin? Kasama mo doon si Papa Cole, ang lapad ng ngiti at nakaakbay sa 'yo. Ilang hours lang after ko napost, marami na siyang fangirls. Tinatanong pa nga nila sa akin kung girlfriend ka daw niya talaga. Ai, interested sila sa fiancé mo, teh!" Mahabang paliwanag nito.

"Actually, I'm used to it. I've seen the looks of other women for Adrian whenever we're on a date. Hanggang tingin lang naman sila. Adrian promised me forever." Sabay taas ng kamay niya kung saan naroroon ang kanyang kumikinang na engagement ring.

"Ang taray ng best friend ko! Bet ko yan. Isave mo ang linyang yan kung may makita kang babae na nagpapa-flirt kay Papa Cole." Humahagikhik pa na sabi ni Veronica. Hindi ko na lang siya pinansin.

We ordered 28 Day Dry Aged USDA Prime Grade Porterhouse Steak, Lorenzo's Truffle Cream, and Mamou's Greens. Halatang hindi kami gutom na dalawa. Hehe! While eating, nagsimula na ulit ang kwentuhan namin ni Veronica.

" I still can't believe na you're getting married in three months! Bakit ba masyadong nagmamadali si Papa Cole? Excited na siguro siyang ma solo ka , 'no?" Sabi ni Veronica.

I rolled my eyes before answering. "He doesn't want a long engagement, Roni, which I seconded naman. Bakit pa ba namin patatagalin kung nagmamahalan kaming dalawa, diba?"

"Yes. I get your point. Kaya ka naman buhayin ni Papa Cole eh. He's already financially secured. Kaya niyo na bumuo ng sarili ninyong pamilya. But huwag ninyo muna akong bigyan ng inaanak right after the wedding ha," ani Veronica.

"Huh? Why?" Natatawang tanong ko.

"B, I know you love Adrian so much. I've been a witness to that. What you two have is epic. Pero enjoyin nyo munang dalawa ang married life ninyo na kayo lang muna before raising kids. Mag iiba ang priorities ninyo once may babies na kayo." Paliwanag nito.

"Okay, point taken. Saan mo naman napulot yan? Wala ka ngang boyfriend as of the moment eh," kantyaw niya sa kaibigan.

"No boyfriend, no problems! Hahaha! I've read forums, from other blogs din."

"Adrian and I haven't talked about that yet. Maybe in the future, yes. So what are your plans?" Tanong ko sa kanya.

"Dad and Mom offered me to work in our firm in New York. I'm considering their offer. Doon naman silang dalawa nakatira at doon ang business namin. I hope kasama kita doon, B," balita ni Roni.

My Runaway BrideWhere stories live. Discover now