iii

21 1 0
                                    


"Congratulations!!!"
Ito ang bumati kay Beatrice nang makapasok siya ng kanilang architectural firm. May mga helium balloons na nakadikit sa kisame, at nagpaputok pa ng party poppers ang mga staff nila. Natatawa siyang nagpasalamat isa isa sa mga bumati sa kanya. She notices that her mom and Kuya are also there, and she goes to them immediately.

"Hello there, Architect! And soon to be, Mrs. Fontanilla?" Tumataas pa kilay ng kuya niya sa pagbati.

"Engaged na ang baby namin," nakangiti ngunit may luha sa matang sabi ng kanyang ina. "And congratulations din. Your dreams are coming to life, one by one."

"Thank you, Mom!"

"Ilang buwan na lang, wala na akong makakasama sa bahay at mag shopping. Wala na rin ang escort ko palagi sa mga balls at parties." Alam niya na binibiro lang siya ng kanyang mommy pero tinry niya pa din na pagaanin ang loob nito.

"Mom, makakasama nyo pa din po naman ako sa mga gatherings na pupuntahan ninyo. Hindi ko po kayo iiwan totally."

"Ai, sinasabi ko sa 'yo Francine, magiiba na ang priorities mo once kasal na kayo ni Adrian. You know, before he proposed to you, he asked me first and your Kuya for our blessing. Sincere siya sa paghingi ng kamay mo, anak. Alam mo naman na napamahal na din sa akin si Adrian."

"I know, Mom. I love him, too." 😊

"Kahit saan ka pa dalhin ni Adrian after ng kasal ninyo, okay sa akin Triz. Basta huwag na huwag ka lang niyang paiiyakin dahil magkakaalaman talaga," dagdag na biro ng kanyang Kuya Jonathan.

"Kuya!!!"

"Jon, stop that!" Sabay na sabi nila ng ina niya.

"De biro lang, hehehe."
---------------------------------------------------------------------------------------------
"What the heck?!" Gulat na sigaw ni Adrian nang mabasa siya pagbukas niya ng kanyang office.

"You nailed it, dude!" Sigaw ni Aaron, may dala dalang champagne na kaka-open pa lang.

"That was one romantic proposal... ever!"

"Dude, nababakla ka na ba? Bakit may pa ever-ever ka pang nalalaman diyan?"

"Hindi 'no! Nadala lang kasi ako. Yung younger sister ko kasi nanood sila ng rerun ng Got to Believe ng yaya niya sa bahay. Eh, narinig ko may sinabi ang bida na best ending ever daw, kaya ginaya ko para kay Adrian! Hahaha!"

Napapailing na lamang sii Adrian while at the same time natatawa sa banat ng mga kaibigan niya. Aaron Chistopher and Dylan are his two closest friends since college. Tropa na talaga silang tatlo, alam na alam nila ang galaw ng bituka ng isa't isa.

"What are you two doing here? Wala ba kayong mga trabaho?" Tanong ni Adrian.

"I have, but madali namang i-delegate yun," sabi ni Aaron.

"It's my leave, so I'm free as a bird." Banat uli ni Dylan.

Aaron is the owner of a security agency. Actually, ang trabaho niya is mag supervise lang kasi andami niyang tauhan. His company caters to politicians, big showbiz personalities at iba pang high-profile na mga tao. Siya ang nagpo-provide ng security body sa mga taong ito. Private investigation is also one of the company's services. Mga top caliber lang ang hina-hire ni Aaron na magtatrabaho sa kompanya niya, kaya naging successful ito.

Dylan's actually a surgeon, sa sarili nilang hospital. Hindi nga niya inakala na sa sobrang kengkoy ng taong ito, ay siya namang seryoso sa paghihiwa ng kung ano-ano sa katawan ng mga tao. Naging close sila nung college dahil may common subject silang tatlo. From then on, nabuo na ang tropahan nila.

"So what's the feeling?"

"Yeah, tell us about what being engaged feels like. Makahanap nga din ako,"

"Loko niyo talaga'" natatawa na lang siya sa mga ito. "I'm happy. No, let me correct that. I'm euphoric! Pumayag ba naman ang mahal mo na magpakasal sa 'yo, hindi ka tatalon sa tuwa?"

"We're happy for you, man," ani Aaron.

"So you're not the hottest bachelor in the country anymore, then. Mapapalitan ko na pwesto mo, tol! Hahaha!" Parang baliw talaga ang Dylan na 'to.

"Pero seriously tol, three years is not that long para masabi mo na si Beatrice na talaga. I'm not saying this dahil against ako sa kasal nyo ha. You know that I adore Beatrice, I want her for you. Pero paano mo nalaman na siya na talaga? Na hindi ka na maghahanap pa ng iba?" Curious na tanong ni Aaron.

"She's the one, Pare. Simula pa lang nung ligawan ko siya hanggang sa naging kami, alam ko na na siya talaga ang para sa akin. She's my ray of sunshine. She completes me. And you very well know na loyal ako sa kanya. Wala akong tiningnan kahit sinong babae umpisa nang naging kami, at wala akong balak pang tumingin sa iba." Litanya niya, na napapangiti.

"Iba talaga pag nahuli ni Kupido ang puso," sabi ni Aaron.

"Hulog na hulog tol, eh." Tukso ni Dylan.

"You'll recognize that feeling when you meet your match. Trust me."
---------------------------------------------------------------------------------------------
It's a short update. I'll try my very best to update a long one tomorrow. ☺️
Have you seen the sweet birthday messages for Kath? I'm still waiting for DJ's greeting, though.
Good night guys!
Please follow me for updates: @bookishKN on Twitter.

My Runaway BrideWhere stories live. Discover now