(Habang pauwi)
Alea: Alex, makitulog kaya ako sa inyo ngayon.
Ako: Wag na, manggugulo ka lang naman don, saka ayaw kitang katabi.
Alea: Bakit gusto ko bang katabi ka? (sabay pout) baka nga ako pa paglinisin mo ng cabinet mong magulo na naman don eh.
Ako: Hahahaha ikaw bahala, tanong mo nalang kila mama saka magpaalam ka sa inyo.
Alea: Sige, miss ko na din sila tita eh.
Daldal lang ng daldal si Alea hanggang sa makauwi na kami, nung nakauwi na kami nagmamadali siyang nagpaalam sa kanila at kila mama na matutulog siya sa amin, syempre pinayagan naman siya kasi matagal na din magkaibigan ang mga magulang namin, saka di naman akong masamang lalaki para pagsamantalahan yon si Alea no? goodboy kaya 'to hahaha hahanda ko na sarili ko, sigurado 'to di ako makakatulog sa kakadaldal niya mamaya.
(Sa loob ng bahay namin)
Mama: Kumain na ba kayong dalawa, Alea?
Alea: Opo, tita, galing po kaming Venus' Park kanina.
Mama: Ganon ba? Sige, basta kapag nagutom kayo, may pagkain dyan, matutulog na kami ng tito mo, maaga pa kami bukas eh, mag-ayos na kayo ng sarili niyo ni Alex sa kwarto niya para makapagpahinga na din, Goodnight.
Alea: Sige po, tita, thank you po. (Sabay kiss niya sa mama ko) Goodnight tita.
Ako: Goodnight ma.
Pumasok na kami ni Alea sa kwarto ko at nag-ayos ng gamit at damit niya na dala niya. syempre siya nag-ayos nung damit niya, mamaya may makita pa akong kung ano don eh. hahaha.
Ako: Bakit ang dami mo naman yatang dalang gamit at damit? (nagtatakang tanong ko)
Alea: Bakit ba? 2weeks yung paalam ko na dito muna ako magstay eh. (seryosong sabi niya)
Ako: Ha?! 2weeks, papatayin mo ba ako? seryoso ka dyan? (di makapaniwala)
Alea: Mukha ba akong nagbibiro, Alexander?
Ako: Sabi ko nga eh, haay..
Barado ako don ah? grabe naman, 2weeks siyang mag-i-stay dito, paano na ako nito ngayon? 2weeks na may magulo akong kasama dito. ayoko na! haay.. tiwala lang, Alex, kaya mo yan.
Alea: Maliligo na ako, Alex ah?
Ako: Edi maligo ka, CR ba ako? (Iritang sagot ko habang inaayos at nilalagay yung mga gamit niya sa cabinet na binili talaga nila mama para sa kanya, meron din akong cabinet sa kanila, bili naman nila tita para sa akin)
Alea: Hindi, Pero mukha kang inodoro ! Bwahahaha baka kasi silipan mo ko eh, alam ko na mga style mo.
Ako: Ang kapal ah? Sa bait kong 'to sisilipan kita tss.
Alea: Kaya palaa... hahahahaha.
Ako: Manahimik ka nga dyan! maligo ka na (Asar na sabi ko)
Maliligo na nga lang mang-aasar pa, bwiset talaga sa buhay eh, ilang minuto ay natapos ko nang ayusin ang gamit niya, nakapag-ayos na din ako na mga bagay-bagay sa kwarto ko hanggang abutin ng halos mag-iisang oras, nasa loob pa din si Alea ng CR, lintik lang diba?
Ako: (Kinatok ko yung pinto ng CR, mga tatlo) Hoy, Alea! buhay ka pa ba dyan? Medyo matagal ka lang naman dyan, siguro halos isang oras na.
Alea: Oo, Wait lang, patapos na nga eh.
Ako: Ano ba ginagawa mo dyan?
Alea: Naligo syempre, ito na nga magbibihis na oh! (sigaw niya)
Ako: Ahh.. akala ko dyan ka na matutulog eh, sige dali, maliligo din ako.
Pero matagal talaga siya maligo hahaha inaasar ko lang, ang boring kasi. Ilang minuto na nung sinabi niyang magbibihis siya pero nandoon pa din siya.
Ako: Alea, tulog ka na ba dyan? akala ko ba magbibihis ka na. ( Pangaasar ko)
Alea: May nakalimutan kasi ako dyan kaya di pa ako tapos.
Ako: Bakit ngayon mo lang sinabi? Ano ba yon? I-aabot ko sayo ng matapos ka na dyan. (Mayabang na sabi ko)
Alea: Ayoko!
Ako: Anong ayaw mo? Dali na nang matapos ka na dyan.
Alea: Yung bra ko..
Medyo nahiya ako sa sarili ko sa sinabi niya, pero para makaligo na ako, kakayanin kong kunin at iabot sa kanya. jusko.
Binuksan ko yung cabinet kung nasaan yung ..... basta yung iaabot ko sa kanya. pagkabukas ko.... wait lang ah? feeling ko namumula ako eh, ang init naman.
(Sumigaw bigla si Alea mula sa CR)
Alea: Hoy Alex! Ang tagal mo! (Sigaw niya)
Ako: Ahh, hmm oo wait lang, ito na.
Pagkabukas ko, di ko malaman kung ano kukunin ko, ang dami eh, malay ko ba kung may color coding yung paggamit niya nito.
Ako: Alea! Ano ba dito? ito bang pink?
Alea: Hoy Alexander! wag mo nang halungkatin! kahit ano, letse ka ! bilisan mo! (Halatang galit na pagkakasigaw niya)
Ako: Oo ito na nga. :3
Malay ko ba naman kasi kung ano dito yung balak niyang isuot :3 ang dami eh, itong gray na nga lang, feeling ko mas okay pag suot niya. Huwag kayong magisip ng kung ano ano dyan tsk bad hahaha, syempre dapat yung komportable ipangtulog.
(Kumatok ulit)
Ako: Alea oh, ito na.
binuksan niya ng kaunti yung pinto, inabot ko na yung kailangan niya, kinuha niya at saka sinara yung pinto.
ayan ah? malinaw, walang nangyari, walang kung ano, kasi nga goodboy ako. hahaha.
(Lumabas na si Alea sa CR)
Syempre nakadamit na wag kayong ano dyan.
Alea: oh, Alexander, ikaw na! (galit na sabi niya na nakayuko)
Ako: Oh bat Alexander? Alex lang, galit ka ba? (lumapit ako sa kanya pero nakayuko pa din)
Ako: Alea, bakit? (seryosong tanong ko)
Alea: ikaw eh. (Nakayuko pa din)
Ako: Bat ako? para 'tong praning.
Alea: Nakakahiya kasi eh. :(
Ako: Nahihiya ka pa pala? hahaha! (napansin kong napangiti siya)
Alea: Alex naman eh, Maligo ka na nga doon, baka may makalimutan ka din ah? Di ko kukunin yon nako.
Ako: Sus, kunwari ka pa hahahaha.
Alea: Kapal ah?! maligo ka na nga, baho.
Ayun pumasok na nga ako sa CR at naligo pero di matagal, tama lang. pero sa totoo lang na-awkwardan din ako sa pag-abot nun kanina hays.
Pagtapos ko maligo at lumabas sa CR, nakita ko si Alea na tulog na sa kama ko na nakabaluktot, nilalamig siguro, binuhay niya kasi aircon, eh nakatodo yun hahaha nako talaga. kinumutan ko siya kasi kawawa naman eh, mukha siyang bata kung matulog, lumabas muna ako ng kwarto at uminom ng fresh milk, wala lang trip ko lang, lagi kasing nabili sila mama nakasanayan na din namin. Bumalik na ako sa kwarto at matutulog katabi 'tong babaeng 'to.
( End of Chapter 1 )
YOU ARE READING
Is There Anybody Else Around Us?
RandomAng sarap at ang ganda talaga pagmasdan ng mga bituin sa langit parang katulad ng pagtitig mo sa mga ngiti ng taong mahal mo sa tuwing napapasaya mo sila. May mga tao kang kinaiinisan sa buhay mo pero sa loob at isip mo, ang hirap mabuhay pag nawala...
Chapter 1: The Beginning
Start from the beginning
