Chapter 1: The Beginning

17 2 1
                                        


Alexander's POV

Linggo ngayon ng gabi at wala akong magawa, kaya naisipan kong magbike sa labas. grabe kasi ang boring talaga, ako nga pala si Alexander James Ramirez, isa akong grade 11 ABM student sa King of Knights University. habang nagbabike ako, nakita ko si Aleazon Lopez (Alea), na seatmate ko sa klase na kababata ko at halos parang kapatid ko na din na kapit bahay ko pa, lupet no?

Alea: Hoy Mister Alexander! Bakit ka nandito?

Ako: Ikaw pala, Alea, bakit masama ba? hahaha.

Alea: Hmm hindi, pero bakit nga? gabi na ah?

Ako: Wala kasi akong magawa eh, ikaw bat nasa labas ka pa? gabi na, mamaya mapagtripan ka pa o kaya makidnap ka pa dito.

Alea: grabe ka sa akin, (sabay pout) di mangyayari yun no?

Ako: Oo na, oo naaa.

Alea: San ka ba pupunta ? Sama naman ako, angkas mo ko. ( sabay ngiti )

Ako: Di ko din alam eh, sa Venus' park nalang siguro, gusto ko magstargazing don eh.

Alea: Ayy sige sige maganda doon ta's magfoodtrip tayo.

Pumunta kami ng Venus' park. Isa yong park na napakaganda sa lugar namin, open area siya na pabilog na napakalaki at maganda ang view, pwede ring mag-Camping don kung gugustuhin mo.

Ako: Ayan, Alea, nakakapagod ah? ang bigat kasi hahaha.

Alea: Anong mabigat ang sinasabi mo dyan? (Nakasimangot)

Ako: Joke lang hahaha ito naman. dito ka na sa pwesto na 'to, magre-rent lang ako sa staff ng banig at bibili na rin ako ng pagkain, ano bang gusto mo?

Alea: dalawang barbeque saka yung potato chips na malaki tapos pineapple juice, yun lang, sige na don ka na, chupii.

Ako: haaay..

Pumunta muna ako sa tindahan para bumili ng gusto ni Alea at ubas na para sakin, pagkatapos pumunta na ako sa staff ng Venus' park para magrent ng banig saka bumalik na kung nasaan si Alea.

Alea: Nasaan na pagkain ko?

Ako: Wait lang, takaw ah? dami kong dala eh.

Alea: Dali, tagal naman.

Ako: ( Inabot yung banig) Oh ayan, ayusin mo muna, para mabilis.

Alea: Tss. tagal.

Ako: Okay na?

Alea: Opo boss.

Ako: Tss, oh lamon na haha. (sabay abot ng pagkain)

Habang kumakain kami, napatingin ako bigla sa langit kasi parang may kung anong bumagsak na kumikinang galing doon.

Ako: Nakita mo ba yon, Alea? (gulat na tanong ko)

Alea: Yung alin? Yung babae na maganda na nakashorts na malaki yung hinaharap?

Ako: Ugh, hindi yon! sa taas yung kumikinang na bumagsak galing sa langit?

Alea: Ahh? baka bulalakaw? hindi eh, sayang, di tuloy ako nakapag-wish hahahaha..

Ako: Ewan ko sayo, kumain ka na nga lang dyan. nasaan na yung babaeng sinasabi mo?

Alea: Wala na eh, umalis na, sayang, penge nga ubas.

Ako: Tss... sayo na nga, takaw nito.

halos dalawang oras din kaming nagkwentuhan ni Alea tungkol sa mga walang kwentang bagay saka namin naisipang umuwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Is There Anybody Else Around Us?Where stories live. Discover now