03

131K 3.1K 415
                                    

Michelle's POV

Minulat ko ang aking mga mata, 6:00 na pala, bukas na kami papasok.

Bumangon na ako sa kama at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo agad akong magbihis. Suot ko ngayon ay isang denim shorts na 3 inches above the knee na kulay black at isang black T-shirt na may nakasulat na 'back off' at pinaresan ko rin ng white rubber shoes.

Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng aking kwarto at naisipang magluto ng breakfast gaya ng egg, bacon, hotdog at nagtimpla na rin ako ng kape. Maya maya pa ay lumabas na si Keisha sa kanyang kwarto at binati ako ng magandang umaga kaya binati ko din siya pabalik at nagsimula na kaming kumain. Simple lang ang suot niya ngayon, isang pants na kulay itim at loose shirt na kulay blue.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na namin pumunta sa city. Akala ko nga school lang 'to eh, pero may hospital, plaza, mall at etc. pa dito. Ang laki ng lugar na 'to, at tsaka napakamagical.

Sumakay kami ni Keisha sa isang cloud ba 'to o ano? Basta! Lumilipad siya. Alangan namang gumagapang diba? Tangkek! Cloud na gumagapang? Meron ba nun? Naka Indian sit kang kami ni Keisha dito para daw mas komportable. Pero hindi pa kami umaandar kasi by four daw ang sakay every Arshiana dito. Oo, alam ko ang pangalan kasi tinanong ko yung driver dito, taray 'di ba? May driver talaga. Maghihintay pa daw kami ng dalawa para umalis sabi ni manong driver. So, no choice kundi maghintay.

Kumuha ako ng lolipop sa aking bag, mahilig kasi ako sa lolipop, kumakain ako nito pag may iniisip. Iniisip ko kasi kung ano ang magiging buhay ko dito sa eskwelahan na 'to, kung bakit biglaan ang pagpapatransfer sa akin ni mommy and daddy eh hindi naman ako pasaway sa dati kong school. Madalas lang naman akong malate dahil sa pagbabasa ng book of spells sa bahay, pinag-aaralan ko kasi ang ibat-ibang uri ng spell sa book dahil makakatulong daw yun sabi ni mom sa akin. 

"Good morning, manong Jun!" Bati ng dalawang babae na sumakay rin sa sinasakyan namin at naka-Indian sit din. Teka! Pamilyar sila...

"Hello sa inyo, ako nga pala si Rhea, ito namang katabi ko ay si Sofia. Kayo yung mga transfer student, 'di ba?" Saad nung isa.

"I'm Keisha, and this is Michelle. Salamat pala kahapon." Nakangiting pagpapakilala ni Keisha.

"Wow! Ang ganda niyo naman, anong powers niyo?" Tanong ni Sofia.

"Kili-kili powers? Naku! Wala kami niyan! Yung classmate namin dati meron! Poisonous pa nga eh!" Tanga talaga 'tong si Keisha. Idamay ba naman yung classmate naming niligo ang kalamansi at imbornal sa kili-kili?! Ang bad niya! Hindi niya dapat inaapi ang katulad niyang walang ligo at laging mabaho!

"What I mean is special ability." Sabi ni sofia.

"Ah? Air ang sa kanya at water naman ang sa akin." Sagot ni Keisha.

"Wow! Pareho kayong mga elemental user? Ang galing!" namamanghang sabi ni Rhea.

"Kayo?" Tanong ni Keisha.

"Isa akong Witch, marami akong alam na spells." sabi ni Rhea. Malamang Witch nga diba? Kailan ka kaya makakakita ng witch na tumatumbling?

"Isa naman akong Sorcerer." sabi naman ni Sofia.

"Handa na ba kayo girls?" Tanong ni manong driver at nagsimula nang umandar. Wow, parang pang rated k lang ah, handa na ba kayo? Chos.

~~~

"Wow! Ang saya talaga sumakay do'n!" Natutuwang saad ni Rhea. Kakababa lang namin dun sa Arshiana.

"Guys? Punta tayo do'n oh." sabi ni Keisha sabay turo dun sa maliit na boutique.

Scarlet Academy (Self Published)Where stories live. Discover now