02

134K 3.3K 216
                                    

Michelle's POV

"What? Bakit naman?" I asked mom and dad.

"You need to, our princess. Hindi ka na ligtas dito sa mundo ng mga normal na tao." sabi ni mom. I heaved a heavy sigh and speak.

"That's not my point mom, Alam kong hindi ako normal na tao. But, kailangan ko ba talagang lumipat ng school?" Bakit biglaan naman ata? Hindi pa ako ready.

"Maghanda ka na kasi aalis ka na mamaya." Dad said. Wait what? Later?

"Ang bilis naman ata dad." pagrereklamo ko.

"Don't worry, hindi ka mag-isa pupunta dun." mom said smiling.

Tumingin ako sa ibang direksyon. "Sinong kasama ko?" I asked.

"Si Keisha Reid. 'Di ba bestfriend mo siya sa school?" Dad said.

"Why do you know her?" I asked, again.

"We know her and her family for a long time. Sabi ng mama niya, sabay na daw kayong pupunta dun sa bagong niyong school ngayong araw." paliwanag ni mom. Wait. Ito na ba yung sinasabi niyang araw kahapon?

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pag tunog ng aming doorbell.

"Oh, nand'yan na yata si Keisha." sabi ni mommy kaya pumunta na kami ng gate.

Pagkabukas namin ng gate ay tumambad sa amin ang antok na antok pa na si Keisha. Siyempre kahit ako inaantok pa nga lang eh. Hello? 4:36 palang ng umaga. Maaga kasi akong ginising nina mommy and daddy dahil 3 hours daw ang byahe papunta dun. Na curious tuloy ako kung anong klaseng paaralan yung papasukan namin ni Keisha.

"Let's go?" Tanong ni daddy. Tumango nalang kami ni Keisha. Wala akong ganang magsalita ngayon, sa lahat pa naman na ayaw ko ay 'yung ginigising ako ng maaga.

Pumasok na kami ni Keisha sa sasakyan ni daddy kasama si mommy. Kaming dalawa ni Keisha ang nasa backseat, si daddy sa driver's seat at si mommy naman sa passenger seat.

Nakatulog agad si Keisha pagka-andar palang ni daddy ng sasakyan. Tsk! buti pa siya nakatulog agad. Kaya eto ako ngayon, nakasalampak ng headphones ang tenga at nakikinig sa music. Bukod sa pagiging ako ay mahilig din akong making sa music, marunong din akong tumugtog ng mga ibat-ibang instrumento kasi tinuruan ako nila mom and dad nung bata palang ako. Tsaka nakahiligan ko na rin. Lalo na kapag bored ako sa bahay.

~~~

Mahigit dalawang oras narin ang nakalipas pero nag dadrive parin si daddy.

"Dad? Sigurado ka bang dito yung tamang daan?" Tanong ko kay daddy. Nakakunot ang noo ko nang makita na sobrang tahimik ng daan na tinatahak namin. Alam kong maaga pa pero kakaiba kasi ang pagiging tahimik ng kalsada.

"Don't worry, tama tayo ng dinaanan, at tsaka malapit na tayo." sabi ni dad at nginitian ako kaya wala na akong magagawa kundi maghintay nalang.

~~~

"Anak? Gisingin mo na si Keisha, nandito na tayo." Rinig kong sabi ni mom.

Lumingon ako sa aking kaliwa at niyuyugyog ang balikat ni Keisha. "Keish? gising na, nandito na tayo." sabi ko.

"Hmm..." sabi niya habang kinukusot ang kanyang nga mata.

"Halika na," aya ko at bumaba na ng kotse ni dad.

Pagkababa ko ay ang unang bumungad sa akin ay isang napakalaking gate na kulay ginto at kumikinang, tapos may nakalagay na Scarlet Academy. So, this is the school? Weird.

Scarlet Academy (Self Published)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu