Four

1.6K 75 1
                                    

Four

 Umuusal ng dasal si Pinky sa kanyang isipan simula nang umalis at iwan siya ni Wesley, malaki pa rin niya ang tiwala sa kaibigan, bahagyang dumidilim sa lugar kong saan siya nakatago pagtuwing matatakpan ng ulap sa kalangitan ang bilog na buwan na tanging nagiging liwanag niya sa lugar na 'yon, ilang beses din niyang pilit na tumayo pero sa tuwing ginagalaw niya ito lalo lang itong sumasakit at kumikirot.

 Pawis na pawis ang mukha niya na humahalo na pati ang luha niya, takot at kaba ang nararamdaman niya ngayon, mas malakas pa ang kabog ng dibdib niya kesa sa kanyang malalalim na hininga.

 Sandali siyang nakiramdam at nahinto sa pagdarasal nang makaramdam siya at nakarinig ng kaluskus mula sa di kalayuan sa kanya, hindi muna siya gumawa ng ingay, papalapit ng papalapit, isa lang ang na isip niya, ligtas na siya at bumalik na si Wesley para iligtas siya.

 "Wesley na andyan ka ba? Wesley!" Umalingangaw ang boses niya sa buong paligid.

 Sa bilis nang pangyayare bigla na lamang may lumabas na kutsilyo patungo sa kanya, hindi niya nakita kong sino ang may hawak nito pero diretso itong tumama sa kanan niyang mata, nangingisay sa sobrang sakit at balahaw ang sunod naman na lumabas sa kanyang bibig, sumirit din ang dugo mula roon sabay pinihit pa ito ng dahan-dahan mula sa kanyang eye socket para lalo siyang masaktan, walang tigil na sigaw ang kanya lamang nagawa.

***

 Halos hindi na makatakbo ng maayos si Wesley nang makalabas siya sa gubat at taniman ng mais, hingal na hingal siya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtakbo kahit na sumasakit na rin ang buong katawan niya, kalsada mismo ang nilabasan niya, isang lugar sa Pacific Bay kong saan maraming nagdaraan na tao, palinga-linga sa kanya ang ilan dahil bigla siyang lumabas doon, may ibang nagtataka dahil para siyang nakipaghabulan kay kamatayan.

 Pero isa lang ang nasa isip niya, si Pinky, ang mailigtas si Pinky at mabalikan ito kong saan niya ito iniwanan, hindi siya mapapanatag kong sakaling may mangyaring masama sa kaibigan. Lumapit siya sa isang matandang babae na halos layuan na siya sa kanyang itsura, "lola na saan po rito ang police station?" Hingal na hingal niyang tanong.

 Nagtataka man ang kaharap ay agad naman sa kanyang tinuro, nagpasalamat siya at muling tumakbo patungo presinto, sa di kalayuan sa nilabasan niya sa kabilang kanto naroon ang presinto, may dalawang palapag at kulay asul ang buong gusali, kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag.

 Dumiretso siya sa loob, kong sino ang una niyang nakita roon ang kanyang nilapitan, "excuse mo sir tulungan ninyo ako, 'yong kaibigan ko nasa panganib, kailangan ko siyang balikan, tulungan ninyo ako," hindi na maintindihan ang sinasabi ni Wesley dahil sa sobrang kaba at panginginig ng boses pati na rin ng buo nitong katawan.

 Pinakalma naman siya ng pulis na nakaharap niya, "kalma lang po, hindi tayo magkakaintindihan kong ganyan kayo magsalita."

 Bahagya na inis ang binata sa sinabi ng binatang pulis, para sa kanya para pa itong bata para maging pulis, "ako ba pinagloloko mo, ako kakalma, kong ang kaibigan ko nasa panganib! Tulungan ninyo naman ako!" Halos mangiyak-ngiyak na si Wesley sa pagmamakaawa niya sa harapan ng pulis, may ilan ding napasulyap sa kanyang ingay na ginawa sa loob.

***

 Dahil sa sinabi ng binata sa mga pulis agad silang nagtungo sa lugar na pinuntahan nito, iniwan naman nila ang binata sa presinto, nagkalat ang pulis sa paligid, nakarating sila sa camping site, nakita nila ang binata na sunog ang itaas na bahaging katawan nito, may mga nagkalat na gamit.

 May ilang kumukuha ng litrato, may kumukuha ng fingerprint sa mga gamit at may ilan naman na kumukuha ng gamit na maaring maging ebidensya, sa una ay hindi sila naniniwala sa binatang pumunta sa kanila kong hindi lang nila pinuntahan ang lugar, marami kasing kabataan sa lugar nila na nagbibiro lang na may gulo o ano mang nangyari sa lugar na kailangan respundihan.

 "Dito! Dito may bangkay pa rito!" Sigaw ng isa sa mga pulis, agad na nagtungo ang ilan sa direksyon kong saan nang gagaling ang boses ng kasama nila.

 Hindi nga sila nagkamali sa kanilang nakita, lumapit ang isa sa mga pulis naroon, isang binatang pulis, isang dalaga ang duguan na nakasandal sa puno, may tangal ang isang mata nito na nagdurugo pa at isang mata naman ay dilat at halata ang pagkakadilat nito sa gulat, may tahi ang bibig nito, tinignan din niya ang buong katawan ng dalaga, may mga sinulit sa bawat daliri nito na hinayaan lang ang haba na halatang tinahi rin sa bawat daliri nito, may pagkakapareho ito sa isang bagay.

 Dahan-dahan siyang lumayo, umiling-iling, halata sa dalaga na pinahirapan ito, brutal ang pagkakapatay at hindi ito nalalayo sa isang bangkay na nakita nila kanina sa mismong camping site, "marionette doll," bulong niya sa bagay na pagkakapareho ng ginawa sa dalaga.

***

 Tulalang sa isang tabi si Wesley, hindi niya alam kong nakuha na ba ang kaibigan niya, gusto man niya sumama para bumalik pero hindi na siya pinayagan ng mga ito, kinuhaan na lamang siya ng fingerprint at salaysay tungkol sa sinasabi niya, halos mag-iisang oras na siyang naroon habang binabantayan ng isang pulis na babae na may katandaan.

 Pagod man, masakit ang katawan at gusto nang magpahinga, hindi niya magawa dahil sa pag-aalala sa kaibigan, biglang sa isang iglap nangyari ang lahat ng 'yon sa unang gabi nila sa camping. Napasulyap siya sa mga nagdaratingan na pulis, may lumapit naman sa kanya na isang pulis na medyo may katandaan na.

 "Sumama ka sa amin bata," aniya nito kaya wala siyang nagawa kong di ang sumama sa pulis.

 Sinakay siya nito sa police mobile, kasama ang pulis kong saan nagmamaneho, tahimik lang sila  sa buong biyahe, gusto niyang magtanong pero dahil sa matapang na aura ng pulis hindi niya magawa ang gusto niya dahil na rin sa takot.

 Labing limang minuto bago sila huminto sa isang ospital, lalo siyang kinabahan, sinundan lang niya ang pulis hanggang sa makapasok sila sa loob, dire-diretso, halo-halong tanong ang nasa isip niya, kong kaya nasa ospital sila ay dadalawin nila si Pinky? Hindi siya sigurado, wala pa siyang ideya sa nangyayari.

 Pero laking gulat niya nang huminto sila sa isang pintuan kong saan sa itaas nito may nakasulat na MORGUE, agad siyang kinabahan at hindi gusto ang nangyayari, napasulyap siya sa mukha ng pulis na ngayon pa rin ay, "sir?"

 "Pumasok ka na," binuksan nito ang pintuan para sa kanya, wala siyang nagawa kong di ang pumasok, sumunod naman ito sa kanya hanggang sa makapasok rin siya.

 May dalawang metal na higaan, merong nakahiga roon na natatakpan ng telang puti, may tatlong pulis din doon, isa na roon ang hiningaan niya ng tulong na binata at isang doktor. "Bakit ako narito?" Tanong niya sa mga tao roon, pero ni isa ay walang sumagot.

 Sumenyas ang isang pulis sa doktor, lumapit naman ang doktor at isa-isa tinaggal ang takip hanggang ulo lamang ng dalawang bangkay na naroon, sa pagkakataon na 'yon para bang huminto ang mundo ni Wesley, hindi na siya nakagalaw sa tatayuan niya, nakatitig lang siya sa bangkay ng dalaga, si Pinky, wala nang buhay, wala pa ang isa nitong mata, may tahi pa ang bibig.

 Para siyang pinagsukluban ng langit at lupa, unti-unti siyang napaluhod kasabay ng pagtulo ng luha niya, "patawarin mo ako Pinky, sorry," hagulgol niya habang sinasabi 'yon, "Pinky!"

MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon