Chapter 9

264 8 1
                                    

I love you..

MARIS POV.

Habang naglalakad kami ni Dominic may nakita akong familliar na babae,sinabi ko kay Dominic na lumapit pero ayaw nya kaya ako nalang ang lumapit.Laking gulat ko ng makita kong nakatulog si Alleyah habang umiiyak.Tinignan ko ang lalake ng masama dahil nakayakap sya kay Alleyah .

"Wala akong ginagawang masama" nakangiting sabi nya.

"Maris ang tagal mo naman" sigaw ni Dominic.sinenyasan ko syang lumapit at laking gulat nya ng makita nya si Alleyah.

"Dalhin mo na sya sa kwarto Dominic"utos ko,binuhat ni Dominic si Alleyah,humarap ako sa lalake at ngumiti."salamat sa pagsama sa kaibigan ko" pasasalamt ko sa kanya sabay alis para sundan sila Eyah.

Ng makapasok na kami sa kwarto dali daling nilagay ni Dominic si Eyah sa kama.

"Umalis ka muna" utos ko sa kanya ,ngumuso naman sya at padabog na umalis.Tinignan ko si Alleyah,mukang kanina pa sya umiiyak dahil sa pamamaga ng mga mata nya.Pumunta ako sa kama ko at doon natulog.

ALLEYAH'S POV....

"B-bakit mo nagawa sa akin to" umiiyak na tanong ko.

"Eyah hindi na kita mahal," umiwas sya ng sabihin nya yon.

"Ano bang ginawa kong mali?" Ang sakit eh,ang sakit sakit.

"Wala,na realize ko lang kasi na mahal ko pa pala sya" alam kong nag sisinungaling lang sya.Hindi totoo ito."At tiba sabi mo lumayo na ako sayo? Eh bakit nanghahabol kasaakin ngayon" nakangiti sya habang sinasabi nya yon.Napahilamos ko ang mga palad ko sa muka ko.

"Sabihin mo na Hindi mona ako mahal" please sabihin mo na mahal mo pa ako.

"Hindi.........Hindi na kita mahal" bigla nalang akong napaupo ng marinig ko yun.Napahagulgol ako dahil sa sakit."pero........" Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng tumayo ako at hinarap sya.

"T-tandaan m-mo ang huling sasabihin ko sayo." Huminga muna ako ng malalim "m-malaya kana" ang sakit bitawan ng mga salitang yon.Tumalikod agad ako pagkatapos kong sabihin sa kanya yon.

Walang Forever Sa taong BITTER  (Short Story) ||COMPLETE||Where stories live. Discover now