Chapter 8

276 8 0
                                    


This is the day.....

Tinanghali nako ng gising dahil kaninang madaling araw lang kami na kadating dito. Pag kagising ko naligo agad ako at nagbihis ,nilingon ko ang mga kamA pero wala na sila Maris, baka NASA baba na sila.

Pagkatapos Kong mag bihis bumaba nako at nadatnan ko sila William na may dalang bag.

"San kayo pupunta? " takang tanong ko. Nilingon ako ni William.

"Pupunta tayo sa beach " naalala ko yong sinabi ni Justin kagabi.

"Wait lang Hindi pa ako naka empake" pagpipigil ko sakanya.

"May damit kana si kiara ang nag handa, halika na" hinila na nya ako at sumakay na ako sa Van nakita ko sila Maris na nakangisi sakin.

Naging mahaba ang byahe namin at nilingon ko ang mga kaibigan ko na tulog.Kinuha ko ang cellphone at headset saka ko sinalpak sa tainga ko.

Nang sabihin ni Justin na nakarating nakami bumaba agad ako at napamangha ako sa ganda ng tanawin at sa ganda ng white sand nila dito. Nauna na sa paglalakad ang mga kaibigan ko at kami lang ni Oliver ang NASA likod nila.

"Maliligo ka? " nilingon ko sya sa tanong nya, umiling ako dahil tapos narin naman akong maligo. Nang makarating kami sa kwarto na nirentahan nila.,kada isa na room may dalawang Tao dahil tatlo lang ang room, si Mark doon nalang daw sya sa mga pinsan nya dahil pinapapunta sya.

Ang kasama ko sa kwarto si Maris nag bibihis sya dahil excited daw syang maligo,nang matapos na syang magbihis sa cr,at paglabas nya bigla nalang ako napailing dahil naka swimsuit sya at hindi ko yun gusto.

"Wala ka na bang ibang dala?" Tanong ko ngumiti naman sya at umiling saka lumabas.Pumasok ako sa loob ng cr at nagbihis .Hindi ako masyadong sanay sa damit na to pero ito lang ang nagustuhan kong isuot kaysa naman mag bra at panty.

Naka crop top at short lang ako ska lumabas.Nakita ko sa di kalayuan sila Kiara na naliligo kasama ang mga forever nila.

Minsan naiisip ko kung bakit nauso pa yang love na yan kung masasaktan din naman..

"Hi miss" tinignan ko ang lalake sa harap ko at saka sya inirapan at iniwan na nakatayo don,narinig kong nag tawanan ang mga kaibigan nya.

Lumapit ako sa mga kaibigan ko at umupo malapit sa dagat."masamang lumabas mag isa ang magandang dalaga" tinignan ko si Oliver ng sabihin nya yun.Tinawanan ko lang sya.

Hindi ko alam pero pag nandyan si Oliver bumibilis ang tibok ng puso ko at parang nag wawala ito.

"Alam mo tinatanong ko sa sarili ko na bakit ikaw pa?" Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ,alam kong nasasaktan ako sa sinabi nya."pero nahanap ko na ang sagot,dahil baka tayo pala talaga ang para sa isat isa."nilingon nya ako at saka sya ngumiti bago ibinalik ang paningin nya sa dagat.

"Hindi natin alam kung para tayo sa isat isa o hindi dahil alam mo naman na mapaglaro ang tadhana" yun lang ang nasabi ko at saka tumayo"sige may pupuntahan muna ako"paalam ko tumango naman sya at ngumiti,ngiting may halong lungkot.

Nang makaalis na ako sa lugar nayon,naglakad lakad muna ako ng mahagip ng mata ko ang isang lalake na naka dungo habang nakatayo.

Baliw yata to..

Nilapitan ko ang lalake at laking gulat ko ng pag angat nya ng ulo nya umiiyak sya at bigla syang natumba.

"Hey wake up!" Pag gigising ko sa lalake.

"Kiss me first" nagulat ako sa sinabi nya kaya napatayo agad ako.

"Ginag*g* mo ba ako lalake?" Mataray na sabi ko tumawa naman sya at umalis na ko don.pagkabalik ko nakita ko sila Liam na nasa restaurant kaya pumunta rin ako don.Mag gagabi na kaya kailangan nanaming kumain.

"San kaba galing?" Takang tanong ni Sunny.Tinignan ko si Ramzel na napa sarap ng kain,kaya nung tumingin sya saki. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Nag lakad lakad lang " sabi ko sabay buntong hininga at nag simula na sa pagkain.Nahagip ng mata ko si Oliver na tahimik na kumakain.Nakaramdam ako ng guilty dahil sa sinabi ko kanina.

Nang matapos kumain si Oliver nag paalam sya na may pupuntahan lang daw sya saglit kaya nagtaka ako kung saan sya pupunta dahil wala namn syang kilala dito.

Natapos nakaming lahat sa pagkain at pumunta na sa mga kwarto namin.Nagpaalam si Maris sakin na  lalabas saw sila Dominic kaya ako lang mag is a sa kwarto. Napag pasyahan kong lumabas dahil hindi naman ako inaanok at na bo bored na ko.

Kinuha ko ang jacket saka lumabas,madami paring tao sa labas dahil may event na gagawin malapit sa kabilang Resort.Naglakad lakad ako at napahinto ako sa nakita ko para akong sinasaksak ng paulit ulit dahil sa sakit.

Nakita ko kung paano hinalikan si Oliver nung babae at hindi naman umiwas si Oliver dahil hinalikan nya ito pabalik,nilagay nung babae ang mga kamay nya sa likod ni Oliver at si Oliver naman ang mga kamay nya nasa likod nung babae na parang nasasarapan pa.

Dun ko lang nalaman na umiiyak na pala ako.Nang matapos ng maghalikan sila Oliver ,hinila nung babae  si Oliver papalapit sa  kanya at may ibinulong ito kay Oliver,matapos bumulong yung babae umiling si Oliver.Hinila nung babae si Oliver papalayo nakangiti naman nagpahila si Oliver.Nang huminto sila sa pagtakbo napalingon si Oliver sa direksyon ko halatang nagulat sya dahil para akong tanga ditong umiiyak.

Nang papalapit na sana sya sa direksyon ko may biglang humila sakin.At doon na bumuhos ang mga luha.Huminto kami sa tapat ng dagat pero malayo don at malayo kay oliver.

"Alam mo ang tanga tanga mo,alam mo na ngang nasasaktan kana tumitingin kapa rin."nilingon ko sya,sya yung lalakeng nabangga ko kanina.Yung Baliw na lalake.

"Haha hindi ko nga alam eh." Para akong tanga tumatawa habang umiiyak.napaupo ako sa buhangin umupo naman yung baliw na lalake.

"Hindi ako baliw,ako si Rile" narinig nya pala."alam mo nakikita ko sarili ko sayo" napalingon ako sa kanya."bakit kaba nasasaktan?"

"Sabi nya kasi mag hihintay sya hanggang dumating yung araw na mamahalin ko na sya" hindi nako nagulat o ano man dahil niyakap nya ako at kailangan ko yun ngayon.

"Baka ito na ang araw na yun" yun nalang ang narinig ko dahil tuluyan na akong bumigay....

*********************************

Authors note:

2 or 3 chapters left guys......

Walang Forever Sa taong BITTER  (Short Story) ||COMPLETE||Where stories live. Discover now