"Yes, I'm selfish! Dahil ayokong nakikita ko siyang nasasaktan ng dahil sa akin! She's like a sister to me! Ayoko ng makita kung paano siya magalala sa akin everytime na may nangyayari! Ayokong masaktan siya! Kasi ako yung lalong nasasaktan kapag nakikita ko siyang umiiyak! Mas gugustuhin ko nalang na itago kesa sa nakikita kong nalulungkot at nasasaktan siya! She deserves to be happy! Hindi yung lagi ko nalang siyang pinagaalala. Kaya please. Just this once, I want her to feel happy. Yung hindi ako ang iniisip at iniintindi niya. Gusto kong makitang masaya siya. Yung walang, Sam na inaalalang may sakit. Gusto kong maging masaya siya na na-survive ko 'tong sakit ko." Naiiyak na sabi ko sa kanila. Sawa na akong nakikitang may nasasaktan. Kung sana ay agad-agad na nagagamot ang sakit ko ay hindi sila magiging malungkot ng ganito.

"You really love your bestfriend." Buntong hininga ni daddy. She's like a sister to me kaya ko gustong sumaya siya. I want to saw her real smile. Na walang pagaalala at lungkot.

"If that's what you want. But be ready 'cause, you'll hurt her a lot." Mas lalo akong masasaktan habang nakikita ko siyang malungkot. Kaya instead na isipin ko ang sakit ko ay mas pinili kong pasayahin ang iba gamit ang pagpapanggap ko.

I'll accept if they will soon notice that I lied.

"You chose her happiness, while you're going to face you're illness alone, without her." Ngumiti nalang ako sa kanila. Mas mabuti na yun.

Kinausap naman ni Dad yung doktor ko na iuuwi ako with in this week pero hindi pumayag yung doktor. Uuwi lang daw ako kapag maayos na ang lagay ko kaya pumayag na rin kami.

"I can't wait to see you running down in the stairs again, kapag magsusumbong ka kay dad!" Natatawang sabi sa akin ni Jaden. That memory hits me! Bigla akong napanguso at natawa naman silang lahat sa akin.

"Oo nga! Magsusumbong tapos kapag kinampihan ni daddy eh nasa likod na siya ni dad na humahagikhik!" Tatawa-tawa namang sabat ni kuya Zeijan in very nostalgic tone.

"Psh. Dad oh!" Nakangusong sumbong ko dahil pinagtutulungan na naman ako ng tatlo kong kuya!

"Kita mo. Sumbungera." Asar sa akin ni kuya Clyde. Binelatan niya pa ako. Psh. Lumapit sa akin si mommy.

"Di pa din gumagaling." Napatingin naman ako sa wrist ko na may pantal pa rin.

"Maalis din 'yan mom." Pagpapagaan ng loob ko sa kanya. Napabuntong hininga siya at tsaka hinalikan yung pasa ko. Gulat na napatingin ako sa kanya.

"I always do that when you get that mark. Para gumaling agad." Nagtawanan naman kaming dalawa.

Ang inaakala kong weeks ay napunta sa isang buwan na pagpapagaling. Dumaan ang mga araw na ramdam ko pa din yung simptomas ng sakit ko pero, I thanked God dahil these past few days ay hindi ko na nararamdaman ag simptomas ng sakit ko.

Then about Cath. Hindi siya makapaniwalang naka-survive ako pero she's happy. All along she knew that I was in US na nagpapagamot but the truth is nasa hospital ako and still in the Philippines.

Natatakot ako. Na kapag umalis ako dito ay hindi na ako makabalik pa.

Dumating ang araw na pinayagan na akong umuwi kaya naman tuwang-tuwa akong tumakbo-takbo sa bahay at nagtatalon-talon sa sofa. I feel so hyper! Feeling ko tuluyan ng nawala ang sakit ko, and I hope so.

"Baba ka diyan! Kalilinis lang diyan!" Sita bigla sa akin ni kuya Clyde at binuhat ako paalis sa sofa.

Napanguso tuloy akong pumunta sa may kitchen at kumuha ng pagkain na nakahanda sa mesa. Binati naman ako ng mga maids and I did the same way.

"Mamaya ka kumain!" Tinapik ni kuya Zeijan yung kamay ko pero hindi naman malakas. Nakangusong binitawan ko ulit yung pagkain at tsaka ko nilibot ang mansyon habang malawak na nakangiti.

Nakita ko naman yung gitara ni kuya Jaden na lagi kong nilalaro noon na muntik ko pang masira. Natatawang nilapitan ko ito at nagtangkang hawakan ng narinig ko yung oa na sigaw ni kuya Jaden.

"Don't touch my G! Sam!" Nanlaki ang mga mata ko ag dali-dali akong tumakbo habang tawa ng tawa. Sunod naman na nagpunta ako sa may garden kung saan nandun yung pool!

"Heaven!" Tili ko at tsaka ako nagsubok na lumapog sa pool ng may humawak sa akin. Si kuya Clyde na nakahawak sa tshirt ko sa likod para pigilan habang sina kuya Zeijan at kuya Jaden naman ay nasa magkabilang braso ko na pigil din ako.

"Why?" Inosenteng tanong ko sa kanila. Magsasalita pa sana sila ng biglang may tumulak sa amin kaya nahulog kami sa pool.

"Welcome home, baby!" Rinig ko yung confetti pagkatapos ng sigaw ni daddy at mommy kasama narin ang mga kuya ko na tumatawa.

"What a great welcome! It's so nice to be back!" Tuwang-tuwang sabi ko habang hinuhubad ang damit ko at nagsimulang mag-floating.

Agad kong naalala yung swimming competition kaya muli akong nagpractice kasama ang mga kuya ko at nagpabilisan kaming lumangoy. Sina mommy at daddy naman ay tuwang-tuwang pinanuod nila kami at nagpupustahan pa silang dalawa.

I'm happy. Happy to come back. Literally back to our own house, happy to call it our home.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon