Chapter 5

597 21 0
                                    

"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven.... Ah. Ayoko na. This is frustrating!" Maarteng suko ni Pat habang binibitawan yung timer na hawak niya.

We're here at the swimming area. I'm a member of it at nagpapractice ako sa nalalapit na competition. Umahon ako sa tubig at tsaka ako umupo sa side ng pool.

"Taga-timer nalang ba talaga ako, Sam? Bat ang bilis mo! Hindi kita matalo!" Asar na pinakita niya sa akin yung time na naabot ko.

Napatawa nalang ako habang pinupunasan yung buhok ko. Hindi naman masyadong revealing yung uniform namin sa swimming.

"I don't know either. I just wanna swim and swim!" Maaliwalas na sagot ko sa kanya at inilapag yung towel sa railings. Nagsimula naman ulit akong mag-warm up kaya napatingin sa akin si Pat.

Nakarinig naman ako ng ingay sa may bleacher pero hindi na ako lumingon. Siguro ay gustong manuod ng mga yan.

"Lalangoy ka na naman? Di ka ba napapagod?" Umiling lang ako sa kanya at tsaka ako nagsimulang lumangoy.

Sumisid pa ako sa ilalim para doon lumangoy na parang sirena. This pool is 10 feet. Malalim na ang narating ko ng gusto ko ng huminga kaya dali-dali akong umahon.

Nakita kong nasa kabilang side na ulit ako. 10 meters away from Patrick. Nagpahinga muna ako saglit habang pinagmamasdan yung mga students na nakatingin sa gawi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa iilan nung kumakaway sila.

They are all friendly.

Napatingin naman ako sa entrance ng bigla itong umingay. Bahagyang tumaas ang kilay ko ng makitang pumasok yung mga badboys na kasama si Seb at Cath pero binaba ko rin ito ng makita ko kung sino yung huling pumasok.

It was Lance, magkakilala silang lahat? Inilibot nilang lahat ang tingin nila sa pool na parang may hinahanap. Bago pa nila ako makita ay lumangoy na ako pabalik dahil sa gusto ko ng umahon.

Anong ginagawa nilang lahat dito? As far as I know, hindi naman sila pumupunta dito. Bars ang laging pinupuntahan ng badboys na yan.

Sumisid ako sa pinakailalim, lumiit konti ang mata ko at natigil ako sa paglangoy habang nakatingin sa kumikinang na kwintas patungo sa baba. My necklace! Umahon muna ako saglit at pansin kong nasa gitna parin ako dahil sa pagtigil.

Napatingin ako sa gawin nila Cath na kunot noong nakatingin sila sa akin. Siguro ay inaasahan niyang nasa dulo na ako pero ngayon lang ako tumigil sa gitna.

"Anong eksena 'yan, Sam? Ahon na! Kanina ka pa lumalangoy!" Sigaw ni Pat. Kumaway naman ako sa kanya.

"I'm gonna get something first!" Sigaw ko. Napakamot nalang siya sa ulo niya ng makita niyang sumisid ako ulit.

Hindi ako nahirapang mahanap yung kwintas ko pero pagkakuha ko ay yung pendant naman yung nahulog. Wala akong nagawa kaya bumalik ulit ako sa baba at ng makuha ko yun ay sumisid na ako papunta sa dulong parte kung saan ako aahon.

Hingal na hingal at pikit mata akong napawak sa railings dahil sa pagod. Pagkaahon ko ay umakyat ako agad at bigla akong napaatras na muntik ko ng ikinahulog dahil sa gulat nung makita ko sa harap ko si Wadensel.

Mabuti nalang at napigilan niya ang pagbagsak ko sa tubig dahil sa hinapit niya ako sa bewang. Halos magkadikit na yung katawan namin kaya napalunok ako. Naramdaman kong may ipinulupot siya sa akin kaya napatingin ako doon. Siya na yung nagsuot sa akin ng robe na hawak niya. Napatingin naman ako sa suot niya.

"Sorry. Nabasa ka tuloy." Hinging paumanhin ko pero blangkong titig lang yung binigay niya sa akin.

"Get dress. I have something to say." Malamig na sabi niya at tsaka tumalikod. Iniwan niya akong naguguluhan pero agad naman akong nagpunta sa cr para maligo at magbihis.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon