Kabanata 1

41.9K 973 42
                                    

Kabanata 1

"Cherry mae!" Malakas na tawag mula sa labas ang nagpabalikwas ng tayo ko mula sa pagkakaupo.

"Cherry!" Sunod-sunod nitong katok sa pinto.

"Oh, Jacky?!" Gulat kong bungad dito.

"Grabe girl tignan mo! Tignan mo!" Inilapit nito sa mukha ko ang hawak niyang cell phone.

Kunot noo ko itong tiningnan at ganoon nalang ako napatutop sa bibig nang makitang naka-post sa social media ang pangyayari sa Bar kagabi.

"Caption.. Vocalist of Logistic band defend her girl friend in front of their fans!" Malakas nitong binasa iyon sa'kin.

"Eto pa! Is she the new girl friend of our very own Rexon del'Torre?"

Tila binalot ako ng lamig sa mga nabasang post kasama nang mga pictures roon.

Binasa nito ang mga comments sa'kin nang malakas.

"Grabe iyan ba ang girl friend niya? OMG! hindi naman kagandahan! "

"Hindi sila bagay..."

"Is she the rumored girl friend of Rexon? Please say no!"

"Waitress? My god akala ko mataas ang standard ni Rexon di ba?!"

"It's a waste of time, it's definitely a hoax! Hahaha.."

"Akin lang si Rexon! Akin lang!"

"Grabe naman sila magsalita, akala mo naman alam ang totoong nangyari." Ismid nito bago ako balingan ng tingin.

"Hindi naman totoo 'yang balitang yan. Saka nakakahiya doon sa tao tumulong lang naman siya sa akin."

"Kahit na, iba pa rin ang dating sa mga netizens. Kahit ako iisipin ko na may something sa inyo." Naupo na ito sa sofa at nag-scroll down ng hawak nitong cell phone.

"Gusto lang talaga makatulong nung tao, hindi na nga ako nakapagpasalamat." Pagpupumilit ko.

"Eh paano naman girl, kulang nalang eh umeskapo ka sa eksena nung dinumog na si Rexon ng fans. Ang bilis mong nawala." Umikot ang mga mata nito sa'kin.

Nakagat ko ang labi ko sa tinuran niya na tila bumalik sa gunita ang pangyayari.

***

Hindi ko na yata marinig ang crowd dahil sa lakas nang pintig ng aking puso. Halos iyakap na niya ako sa likod niya habang nakaharap sa mga lalaking sinubukan akong bastosin.

"Pre, sa amin 'yan. Kami ang nauna d'yan!" Pagpupumilit na sagot nito kay Rexon.

"Bakit hindi nalang kayo humanap nang ibang babaeng babastosin n'yo?"

"Siya ang gusto namin. Eh mukhang papayag naman. Ibigay mo nalang para wala tayong problema." He lift up his chin while grinning.

He just shrugged and glances down at me. Tila gustong patotohanan ko ang kanilang sinabi. Mabilis naman akong umiwas ng tingin dahil sa mga titig niyang tila nakakapaso.

"See? She doesn't want to, " he said then he smirked.

"Abat ang yabang mo, hah!" Duro nito sa kaharap.

My Sexy Boss (Destroyer Casanova Series 4) CompletedWhere stories live. Discover now