Huling Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"You can't take my life. You can't replace my soul that easy. It's mine! Hindi mo ako maaaring ikulong sa madilim na lugar na ito!" she screamed at her praying that she'll get frigthten but she was wrong.

"It is so easy to be you Clarisse. Akin naman si Aaron una palang! Inagaw mo lang siya sa akin! Pwes, tignan nalang natin kung sino ang mauuna sa kanya. Paniniwalain ko na ako ay ikaw. I'm so excited to be with hi---"

"At akala mo naman ay hahayaan ko iyon Victoria? Akin ka lang hanggang uli! Ito ang kabayaran ng kataksilan mo!" nanlalaki ang mga mata ni Clarisse ng lumitaw sa kawalan ang duguang si Allen. Hindi siya makapaniwala na napapalibutan siyang ng dalawang taong matagal ng patay.

"You can't do this to me Allen! Hindi ba't galit ka sa kapatid mo? Hahayaan mo bang maging masaya siya sa mundo habang ikaw ay narito sa kadiliman?! This is so unfair!" nagtatagis ang mga bagang ni Victoria. Kung hindi lamang sa kagandahan nito ay pakiramdam niya ay lalabasan ito ng sungay anumang sandali.

"Hahayaan ko siyang maging masaya sa kanya kaysa sa iyo. Hindi ka maaaring sumaya Victoria ang dapat sa isang katulad mo ay sinusunog sa impyerno!" parang nalunok ni Clarisse ang kanyang dila kaya naman hindi na niya magawang sumingit pa sa pagtatalo ng dalawa, nakita niya ang pagngisi ni Victoria. Hindi niya gusto ang ngisi na iyon.

"Tignan nalang natin." taas noong pumasok si Victoria sa labyrinth patungo sa kanang daan, sumunod rito si Allen habang siya naman ay naiwan na nakatulos pa rin sa kinatatayuan niya. Huminga muna siya ng malalim at pinuno ng pag-asa ang sarili bago tahakin ang kaliwang daan.

Hindi niya alam kung tama ba ang daan na tinatahak sinusunod lamang niya ang sariling mga paa, akala mo may sarilli itong pag-iisip dahil dire-diretso ang paglalakad niya na para bang kabisado nito ang labyrinth. Parang walang katapusan ang labyrinth na iyon, ilang minuto din siyang palakad-lakad ng bumungad sa kanya ang isang puting pinto.

"Must be the heaven?" tanong ng dalaga sa sarili niya habang palapit ng palapit sa puting pinto.

Ilang hakbang na lamang ang lapit niya sa pinto ng bigla na lamang may humila sa kanyang buhok. Halos masubsob ang kanyang mukha sa lakas niyon hanggang sa makabawi din siya at hinagilap ang buhok ni Victoria! Iisa lang ang dulo ng maze na iyon at ito ang pinto pabalik sa mundo! Hindi siya maaaring magpadaig sa lakas ng kalaban. Buong lakas niyang itinulak ito at binawian ng sampal at sabunot. Kailanman ay hindi pa siya nakipangbuno ng ganoon ngunit ibang usapan na ito sa ngayon. Makikipaglaban siya hanggang sa natitirang lakas niya.

"Uunahan mo pa ako ah! Mabubulok ka sa kadilimang ito! Hindi mo alam kung gaano kalungkot sa lugar na ito habang pinapanood ang mahal mo sa mundo na unti-unting umiibig sa isang estranghera! That should be me! Ako dapat ang nasa pwesto mo ngayon! Kailangan mong mabuhay ulit!" buong lakas siyang pinagsasampal ni Victoria. Napakalakas nito! Hindi na niya kaya pang lumaban pa.

"Stop this craziness Victoria! We're both dead!" sigaw ni Allen habang inaalis ito mula sa pagkakadagan sa kanya. Hirap man ay pinilit niyang gumapang papunta sa pinto ngunit napatili siya ng hawakan ni Victoria ang kanyang mga paa.

"Let me go! Let me go!" she screamed in horror. Habambuhay niyang hindi malilimutan ang bangungot na ito.

"Ayoko! Hindi pwedeng maiwan ako dito! Hindi!" mabilis na tumayo si Clarisse kahit na nananakit pa din ang kanyang katawan. Mabilis siyang dinaluhan ng sampal ni Victoria, naging mas mabilis ang pangyayari, ang huli niyang natatandaan ay ubod lakas siyang itinulak ni Allen sa pinto kung saan ay nahulog siya. Nagtitili siya sa bilis ng pagbulusok niya. Hinahalukay ang kanyang bituka sa labis na takot hanggang sa unti-unting nilamon ng liwanag ang kanina'y nababalutang dilim.

"CLARISSE!!" singhal ni Aaron ng hingal na hingal na minulat ng dalaga ang mga mata nito. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang kinauupuan habang pinapanood ang pag-ungol ni Clarisse na sa kalaliman ng pagtulog nito. Nais niyang malaman kung ano ang nasa panaginip nito, kung maaari lamang niyang samahan ito ay ginawa na niya. Pigil hininga lamang siyang nakikiramdam at naghihintay sa pagbabalik ng babaeng pinakamamahal niya.

"Thank God! You are back!" sinalubong niya ng yakap at halik ang dalaga. Hindi na niya mapigilan pa ang mapaluha. Hindi niya maipaliwanag ang saya at galak ngayong tapos na ang lahat.

"Sa tingin ko'y tapos na ang lahat ng ito. Nagpapasalamat ako at nagbalik ka Clarisse." inabutan ng matanda ng tubig ang uhaw na uhaw na si Clarisse. Hindi na napansin ng mga ito ang hindi maipintang mukha ng matanda.

"Nasaan si Victoria?" makahulugang tanong ng matanda sa dalaga.

"Tinulungan ako ni Allen na makabalik dito. Inihulog siya ni Allen sa pinto kung nasaan ang langit. Hinding hindi na niya tayo magugulo Aaron! Habambuhay na siyang makukulong sa kadiliman!" mas lalo pang kumunot ang noo ng matanda sa tinuran ni Clarisse. Alam niyang may mali ngunit ayaw niyang pangalanan ito kaya naman nakisalo na lamang siya sa kasiyahan ng magsing-irog

"Yes sweetheart. Wala ng makakapaghiwalay sa ating dalawa." yakap ni Aaron kay Clarisse, bakas ang tagumpay sa mga ngiti ng dalaga.

Nakatayo sina Clarisse at Aaron sa harap ng dalawang puntod. Lumuhod ang dalaga at inilapag roon ang dala nilang tulips na siyang paborito ni Victoria.

"Sana mahanap niyo na ang katahimikan ninyong dalawa ni Allen, hindi namin makakalimutan ang bangungot na iyon." hindi na napigilan pa ni Clarisse ang pag-alpas ng kanyang mga luha kaya naman agad siyang inihilig ng nobyo sa mga bisig nito.

"Salamat Allen sa pagtulong mo kay Clarisse, sana patawarin mo ako sa kasalanan ko, patawarin mo ako dahil humantong pa ang lahat sa kamatayan. Sa susunod na buhay natin mas magiging mabait na akong kapatid." taimtim lamang silang nanalangin at masuyong tinitigan ang isa't-isa.

"I love you my Midnight Lover."

"I love you more Aaron." magkahawak-kamay na tumalikod na at naglakad. Bago tuluyang makalayo ay nakangising lumingon si Clarisse at pinagmasdan ang puntod ni Victoria.

"May you rest in peace Clarisse Lonzaga. I fooled you and Allen. Hahahahahaha!"

Buong pagmamahal niyang ikinawit ang kamay sa braso ng kanyang pinakamamahal, sa wakas ay maitutuloy na nila ang pagmamahalan nila. Hindi nga lang bilang si Victoria kung hindi bilang si Clarisse.

Wakas

BOOK 2: TAGPUAN (PREQUEL STORY) Ang simula ng lahat. Love story of Aaron-Victoria-Allen

BOOK 3: HULING SAYAW (SEQUEL STORY) Ang pagbabalik ni Victoria bilang Clarisse. Thank you.

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon