Chapter One

0 0 0
                                    

Zara's Point of View

"What a long day!" sabi ng pinsan kong si Keira habang nag-uunat.

Kakauwi lang namin galing Tagaytay. Halos kaming lahat ay napagod sa gala naming magpipinsan ni konti pa nga lang ang bumaba samin dito sa sasakyan. Isang linggo nalang kasi at pasukan na naman. Kaya sinusulit na ang bakasyon.

"Dito na muna kaya kami matulog?" dagdag niya pa at humarap sa akin.

"Dali na Zara! Sa bahay niyo kami matutulog! For sure, Tito Thonie won't mind diba? Pilitin mo yung Daddy mo!" excited na sabi niya.

Ako pipilitin sina Dad? No way.

"Ayoko. Kayo na lang ang magpaalam na dito kayo matutulog." sagot ko naman.

"What is wrong with you? It's your Dad! Mas close kayo kesa sakin! I heard mahal na mahal ka nga daw ni Tito eh! Daddy's girl?" sabay tawa niya ng malakas kaya napasilip si Joude galing likuran. Nakasakay kasi kami sa bus na nirent ni Kuya Nate at nasa likuran namin siya.

"Daddy's girl? Why so cheap?" kunot-noong tanong ni Joude samin at umupo ulit.

Cheap. Cheap. Cheap! Buti nalang at tumahimik sandali si Keira.

Hindi ko nalang siya pinansin at ipinikit ulit ang mga mata ko. Bahala sila dyan. Pagod pa ako.

Maya-maya pa ay may yumogyog sa balikat ko. Ng tignan ko ay si Keira ulit kaya pumikit ako.

"Zara, wake up! Hell, pagod na ako Kuya Zion. Will you wake her up?" iritang sabi ni Keira at sumandal sa tabi ng upuan ko pero tinawanan lang siya ni Kuya.

Naramdaman ko naman na may humawak sa balikat ko at niyugyog ulit ako pero hindi ako nagpatinag at nanatili akong nakapikit. May humawak sa ulo ko kaya inis kong pinalo ang humawak nun at iminulat ang mga mata ko.

Sabi na eh siya ang gumigising sakin. Alam na alam paano ako inisin. Tsk.

Tinaasan niya ako ng kilay nung pinalo ko ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko.

"Bababa na tayo. Buti at nagising ka." sabi ni Kuya Zion habang nakangisi.

Tumayo nalang ako at kinuha ang backpack na ginamit ko at astang lalabas na sa bus.

"Tabi." sabi ko sa tahimik kong pinsan na si Rien. Tahimik talaga siya kahit kailan.

Kinusot-kusot niya muna ang medyo singkit niyang mata at tinignan ako bago umisod para makalabas ako.

Nung nakalabas na ako ay malamig pa pala sa labas. Teka anong oras na ba?

5:23 am?! Ang aga pa pala?!

Niyakap ko nalang ang mga braso ko at nilapitan ang mga pinsan kong nasa labas na rin pala.

Nandito pala si Ate Sheine. Ang pinakamatanda naming pinsan. 20 years old na siya pero mukhang bata pa. Sina Ate Sheine, Kuya Nate, and Kuya Zion talaga ang mga nasa legal age na, and the rest ay 14-16 years old palang.

Kasama niya sina Erika na kapatid ni Keira, si Ken, at si Ellaine na nag-uusap.

Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay nakita ko na energetic masyado si Ken at Ellaine maliban kay Ate Sheine at Erika. Anong meron?

"Anong meron?" tanong ko habang yakap yakap parin ang mga braso ko. Si Ken ang unang nakapansin sa akin kaya siya din ang sumagot.

"Sama ka? After lunch pupunta kaming mall para sa mga bagong requirements natin hehe." excited niya pang sabi habang nilalaro ang mga bato sa paanan niya na tumama sa paanan ni Ellaine kaya napalingon siya samin at mukhang excited din.

"Sama ako!" sabi niya pa habang ngiting-ngiti.

Kasing edad ko lang to. Kami nina Ken, Keira, Thalia, Joude, Rien, Iannah, Magse-seventeen na kami this year at yung iba pa naman naming pinsan ay 14-15 years old palang.

Senior na nga pala kami means graduating. Si Kuya Nate, Zion, Sheine ay college na. Graduating rin silang tatlo. Si Zene, Erika, at Zeiko naman ay third year palang. Ellaine, Ethan, Alline second year.

Pero sa magpipinsan halos lahat ng lalaki matatangkad talaga. Matatangkad din naman kaming mga babae. Except kay Alline na wala na yatang pag-asa ang height.

"Sige. Teka magkaklase pa rin ba tayong anim?" tanong ko kaagad. Nasanay kasi akong magkakaklase kami. Since first year magkakaklase na talaga kaming anim.

"Uh.... I don't know. Malalaman din naman natin yan next week." sagot niya. Tumango nalang ako.

Bumuntong-hininga muna ako at pumasok na muna ng bahay para matulog ulit. Matagal pa naman bago sila umalis kaya makakapagpahinga pa ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay wala pang gising maliban kay Manang na nagluluto ng agahan. Hindi niya ako napansin kaya umakyat nalang ako sa hagdan at dumeretso sa kwarto ko.

Nang nasa kwarto na ako, ay binuksan ko kaagad ang air conditioner at humiga na sa kama. Tulala lang akong nakahiga at maya-maya pa ay dinalaw na ako ng antok ko.






















Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Mar 26, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

 UnexpectedlyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ