"Court or service?"

"Service." tapos yun. Binigay na sakin ang shuttlecock at pumwesto ako sa kanang bahagi ng court. Dito magsisimula ang zero dahil even number siya. I mouthed my component na goodluck but she just smirked at me.

"Love all, play!" Sabi ng umpire so simula na ang laro kaya sinerve ko na ito papunta sa kanya.

20-16 na at ako ang lamang. Dumami ang nanonood dito kahit friendly game lang. Napansin ko sa kanya na mahina siya. Sa likod. She can smash also, but not kinda deep, sakto lang na masalo mo ang shuttle. Pero kapag ako na ang pumalo nung binigyan ko siya ng alanganin at hindi sakto ang pagkalobo niya sa likod so sakto lang sakin para ipalo yon.

Nagulat ako nang bigla itong nagdrop habang ako ay nasa likod parin, kaya dali dali akong humakbang doon para maabot ko at ilobo ko papalikod din sa kanya para makabalik ako kaagad sa pwesto ko.

What a nice. Sabi ko sa sarili ko dahil alanganin niyang nakuha yun at nilobo rin. But, nakapwesto na ako dito sa gitna at sakto yon sa pwesto ko. Kahit nasa taas pa ang shuttlecock ay tumalon na agad ako. Pasimple akong lumingon sa baba at nakita ko siyang nasa likod parin habang hinihintay ang palo ko.

Nice one. Sabi ko ulit at nag smirk. I didn't smashed it......... instead, I just drop it exact the net kasabay ng pagbaba ko at nag sigh, Woo!

Natapso narin ang laro at naririnig ko narin ang hiyawan ng mga tao. Lumapit ako sa umpire. Pinasalamatan ko siya at kinamayan pati narin ang kalaban ko. "Congrats" sabi niya sakin, ngumiti lang ako sa kanya. Kinamayan ko rin ang coach niya hanggang sa nakarating na ako sa nga kaibigan ko.

"Ang galing mo talaga Lori!"

I just smiled at them. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Si coach "You di a great job Lori, keep it up" tapos umalis muna kaya ako naupo ako sa tabi ni Yna. She handed me a towel kaya nag thank you sa kanya.

"Ang galing mo ah, san mo nakukuha yung mga tricks na yun?" Curious na tanong nito sakin at lumapit pa ng konti, sus, if I know na chumachansing lang ito sakin.

I shrugged, "Just use your mind, and your body wil surely do it. We're not only supposed to use our strength. I mean, hindi mo kailangan mag smash ng mag smash. Use also this" turo ko sa ulo ko "Maging matalino ka lalo na pagdating sa mga alanganin na laro."

"Eh paano kung malaki kalaban mo?"

I smirked "Well, kung malaki kalaban ko? I still don't back out. You know what why?" She shook her head. I chuckled "Use your simple tactics, like observation. Mahalaga yan pagdating sa laro, hanapin mo kahinaan niya at kapag nakuha mo na ito, yung ang gamitin mo. And what's the purpose of its height kung may nahanap mo na kahinaan niya diba?"

Nakipag apir siya sakin. "Ang galing!" Sagot nilang tatlo pero tinawanan ko lang sila at pinanood na maglaban sina Steph. Ganun din ang pinakita ni Steph, hindi siya nagyabang na hindi naman yata marunong magyabang kapag ganitong laro. Mas gusto niya kasi kapag tapos na yung laban dahil minsan hindi siya sigurado kung mananalo siya or hindi. Mahina loob nung isang yun eh

Umalis muna ako at maliligo pa ako. Ayokong maging mabahong creature pagdating sa mga fans ko haha. Mabilis natapos yon kaya bumalik ako sa bench namin para ituloy ang panonood kay Steph.

Pansin kong ngang palo lang ng palo yung kalaban niya pero mahina nag defense niya kapag si Steph naman ang pumapalo. Mahina din siya sa drop kaya laging nag d-drop si Steph. Since may tendency nga na makalaban namin ang school na yan dahil daw may kalakasan sila, I'll make sure, na kami parin ang uuwing CHAMPION!!!

Ms. HalversonWhere stories live. Discover now