Part 8

15.1K 328 5
                                        



Lori's POV

Kakatapos ko lang mag gym dito sa condo ko. Pagod na pagod talaga ako dahil sa pinagsusuntuk ko yung punching bag na yun. Grabe, ang sakit sakit ng braso ko. Nagpahinga muna ako saglit bago ko tinungo ang banyo para maligo.

Yung nangyari kahapon? Oh well, gumanda ang mood ko dahil doon. Mabilis ang pagliligo ko. Di-nial ko agad ang number ni Gina para sana ayain siyang pumunta sa bahay nila Kyla. Hindi ko alam na nakarating na pala siya dito. Hindi nga lang kasama si Sarah kasi hindi na nagparamdam ang mokong na yun.

"What?" Bungad na tanong niya sakin. May naririnig akong....... ungol?

"Hoy Gina! Ang aga aga nakikipag sex ka na!" Narinig kong parang binitin niya yung ka sex niya kaya natawa ako. Magaling itong si Gina eh, magaling magpigil. Buti nagagawa niya yun pero ako...... malaking sakripisyo yun sakin!

"Kung sermon lang sasabihin mo sakin. Pwede ba, mamaya nalang!" Asar na sambit niya sakin kaya natawa ako.

"Sige na, mamaya nalang. Si Steph nalang tatawagin ko" saka ko binaba ang tawag. Inayos ko na gamit ko at lumabas ng unit.

Pagkapasok ko ay pinindot ko ang basement. Lumabas na ako kaagad sa elevator at sinkyan si baby ko. Bibisitahin ko lang si Kyla. Alam mo na, naninigurado lang na nagdadrama na talaga yun. Baliw din kasi yun eh, baliw kay Sarah. Pero mas baliw nga lang si Sarah kay Kyla kaya malapit na silang madala sa mental.

Nand makarating ako sa mansion nila ay napanganga akong konti. Napakayaman naman nga talaga nila. Pumasok ako dahil kilala na rin ako ni manong na matagal ng nagtatrabaho dito. Tinanong ko kung nasan si Kyla at sinabing nasa garden siya kaya dumiretso na ko agad dun.

"Kyla!"

*****

Ang laki talaga ng pinayat ni Kyla nung pumunta ako sa kanila. Parang hindi na nga siya yung dating Kyla na may laman tapos maliit. Puyat talaga siya kahit ilang araw ang lumipas.

Anyways, nandito nanaman ako sa school para mag practice. Malapit na yung game namin so kailangan eh mas galingan pa namin.

May ka practice kami from different school. I don't care kung anong school nila. Basta ako ay maglalaro para naman pagpawisan ako. Singles A ako, singles B si Steph, si Gina naman ay ka-double si Yna. Walang mixed doubles kasi all girls school nga ito.

"Wag mong masyadong pakita ang kahinaan mo Lori, observe her also dahil may tendency na makakalaban mo yan." turo sakin ni coach.

"Yes coach." tugon ko at tumango sa kanya. Kahit hindi niya na sabihin yun ay gagawin ko naman talaga, hindi naman ako magyayabang agad dahil nga friendly match lang ito.

Maya maya ay pumito na ang umpire. Magsisimula na ang laro ko. Ako ang mauuna at susunod si Steph hanggang sa doubles na. Lumapit ako sa umpire at nakipagkamay sa kanya pati narin sa babaeng kalaro ko. She's pretty but astigin. Naramdaman kong pinisil nito ang kamay ko kaya ganun din ang ginawa ko hanggang sa siya na ang bumitaw doon.

"Okay girls, I'll toss this coin and pipili kayo kung head or tail" bumaling ang tingin niya sakin "Head or tail?"

Well, since mabenta ang TAIL kapag ganitong laban haha edi yung "Head." nakangising saad ko. Napasimangot naman yung kalaban ko. Tinoss na nga ng umpire ang coin tapos may cheche bureche pang nalalaman hanggang sa binuksa na nito. Napangisi ako ng malaki dahil sakin ang desisyon

Ms. HalversonWhere stories live. Discover now