Part 3

32K 555 30
                                        



Lori's POV

Malapit na ako sa village nila dad nang biglang nag crave ang tiyan ko. Haay, gutom na mga alaga ko. Kahit malapit na lang yung village namin ay inikot ko ulit yung sasakyan ko para makapag drive thru.

Para saan pa kung marami namang pagkain doon sa bahay nila kung business lang rin naman paguusapan? Nakakawalang gana din minsan kaya bumukod na ako sa kanila dati pa. But I still visiting them, especially my mom.

My mom knows me so well. Hindi ako makapagtago ng sikreto sa kanya dahil alam na alam niya kung may problema ako or wala. Minsan nga napagkakamalan ko siyang manghuhula eh. She's also by my side whenever I need a mom.... like her.

Napagpasyahan ko nalang na bumaba dahil mahaba ang pila sa pag nagdrive thru ako. Ni-lock ko ang car ko at naglakad na papasok sa mcdo. My favorite fast food place. Dito daw ang ginagamit pang commercial kapag sawi ka sa pag ibig.

As I'd already opened the door. All of the eyes of these people are on me. Yeah, pati crew napapatigil sa paglalakad at pinapanood akong maglakad patungo sa counter. I'm a popular badminton player though kaya no doubt na makikilala nila ako. Besides, sa isang sikat na university din ako nagaaral.

"Miss, one peach mango pie, one large fries, one sundae and one mcfloat." sabi ko sa babaeng kahera dito. Ngunit nakatulala lamang ito sakin. I snap my fingers in front of her that makes her back to reality "Hey, do your work well, miss, or else kakausapin ko manager niyo."

Tila natakot naman ito sa pagbabanta ko at mabilis na kinuha ang order ko mula sa likod niya. Hinuli niya ang mcfloat ko hanggang sa buo na ang lahat "Here's your order ma'am have a great day."

Tumango na lamang ako sa kanya at iniabot ang bayad ko "Keep the change" sabi ko ng nakangisi at kinindatan siya. Lumabas na ako doon na hawak ang orders ko at pumasok na sa kotse ko.

Nang mailagay ko na lahat ng orders ko sa kabiang seat ay tumawa ako ng malakas. Hindi sa natatawa ako dahil kinindatan ko yung babae kung hindi. Natatawa ako dahil nang sinabi kong keep the change yung binayad ko ay 5 pesos lang ang sobra nun hahahaha!

Stop na. At least nakatulong ako ah. Okay na. Hindi na ako tatawa. Sumipsip muna ako ng konti sa drinks ko bago ko itinuloy ang byahe ko papunta sa bahay ni dad.

>>>>

Nang makarating na ako ay may ibang sasakyan na nakaparada sa mansion namin. It must be their visitors. Not mine.

"Lori! Anak ko." yan ang bungad sakin ni dad at yinakap ako.

I mentally rolled my eyes on him. Yan ang tawag niya sakin kapag may bisita siyang dumarating or kaya kung may ibang taong nakakakilala or kakilala niya.

Yumakap nalang ako pabalik sa kanya "Hi dad, hi mom." bati ko rin kay mom at hinalikan siya sa pisngi.

"Oh, by the way Mr. Cuanco. This is my daughter. Lori." nakipagkamay ako kay Mr. Kolangot at ngumiti ng tipid sa kanya.

"Nice to meet you sir" magalang na bati ko kay Mr. Kolangot. I didn't heard his surname so I just called him a booger.

"Nice to meet you too ija, ang laki mo na ah." so siya lang pala yung ipapakilala sakin ni dad? Tsk, sanang dumiretso nalang ako sa condo ko at laruin si Kitty.

Ms. HalversonWhere stories live. Discover now