Pagkadating na pagkadating namin sa Cafeteria ay muli na naman kaming pipila, pero itong si Demi dumiretso sa pagkakaupo sabay sumubsob sa mesa. 

Napansin ko pa na papalapit si Therrie (Terre) together with Cenver (Senver) and Whint (Wint).  Ang Trio Apprentice.

"Hey Ellie, si Princess Demi ba yan?" Sabay turo kay Demi na nakasubsob sa mesa.

Magsasalita na sana ako ng...

"What's your problem?"

"What do you want from me?" Magkakasunod niyang tanong, napalingon ako kay Demi na nakasubsob pa rin, maya maya pa ay itinunghay niya ang kanyang ulo.

"What do you need?" In a cold voice of her.

"Ipinapatawag ka ni Headmistress, and she said na samahan kita."

Wala pang ilang sandali ay agad na ring tumayo si Demi at sumama kay Therrie, naiwan kami ni Ystaice (Esteyse) dito sa cafeteria. Sina Cenver at Whint nagpaiwan na lang din.






Demi's POV 

Hays ano na naman ba ang pag-uusapan namin? Nakakatamad na talaga dito sa school na 'to.

Pagkadating namin sa harap ng office ay agad akong pinagbuksan ni Therrie ng pinto at agad na pumasok. 

"Miss Morgan, ginawa mo na naman ang pinakabibilin ko!" Galit na sumalubong sa akin ni Headmistress Viana.

Hays, hanggang dito ba naman? Naku ito na naman tayo sa bilin at paalala niya. Sabay roll eyes sa harap niya.

"I'm sorry, okay?" 

"Lagi ka na lang ba ganyan, your highness magagalit sayo ang magulang mo kapag nakarating sa kanila ang lagi mong ginagawang pag-skip sa klase. Remember  they sent you here to practice and discover your power, and tomorrow niyo na 'yun gagawin."

Tomorrow? Akala ko ba ngayon ang training? Bakit bukas pa? Hays kung kailan balak kong magpahinga tsaka naman dadali ng training ang mga ito. Pabulong kong sambit habang tahimik lang akong nakikinig kay Viana, maya maya pa ay napansin ko ang bulaklak sa may bandang bintana ng office, pinagmamasdan ko iyon at hinayaan na magsalita lang siya.

Nakakatamad makinig sa kanya sa mga sandaling iyon. Hindi din naman napasok sa kukuti ko ang mga sinasabi niya, kaya ano pa ang sense kung makikinig ako, diba?

"Maybe you need a new friend."

"No I don't!" Malakas kong sigaw sa kanya, sa dinami dami ng sinabi niya iyon lang ang naging malinaw sa pandinig ko.

"Walang kinalaman ang dalawang 'yun kung bakit ko ginagawa ang mga ito."

"So anong gusto mo? Gusto mo bang malaman ito ng King and Queen?"

"Of course no, who the hell wanted to be in trouble?"

"Fine, kung ayaw mo na malaman nila ito bukas na bukas pumasok ka ng maaga and submit those assignment you missed, akala ko pa naman favorite mo iyon." Lumabaks na din ako matapos masemunan, kasama ko pa rin si Therrie hanggang makalabas ng building.

Teka, anong assignment ang tinutukoy niya? Napakamot na lang ako sa batok ko ng maalala ang assignment na kailangang ipasa kanina. Assignment lang naman sa academic subject ko, yeah favorite ko ang academics, kahit anong subject dahil doon lang ako magaling, doon lang ako kilala at doon lang din ako nag-eexcel.
I hate performance task and cultural activities so much, at huwag niyo ng tanungin kung bakit.






PRINCESS POWER जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें