FortyThree-His and Her Side of the story

Comincia dall'inizio
                                    

"Napakadaldal mo talaga." matabang na sabi ni Laz.

"Adam naman. pagdating nya dito may dala syang grocery. anung ineexpect mong maramdaman ko?"

"Kahit pa! isang isa ka nalang Steven. kapag naulit pa yan ilalayo ko si Alexis sayo." mariing sabi ni Adam.

napatiim bagang nalang ako saka binato si Jace.

natawa naman si Jace saka tinignan ako. "what did i do?" he asked.

"Tumigil na nga kayo." awat ni Ken saka tumingin sakin.

"we need the tech team men focus on Valdez. half would be for security of the families. i'll alert everyone and leave orders now. and you Steven. ayusin mo yang gulo mo kay Alexis. pag naglayas yan ng tuluyan baka mag sisi ka." matabang na sabi nya saka pumasok sa kwarto nya dito.

"Ayusin mo Steven." matabang na sabi ni Adam saka lumabas. sa kabilang unit kasi sya titira ngayon. sa unit ni Alexis. kaya tinanggal ko yun cabinet na nakaharang sa connecting door papunta sa unit ni Alexis.

ako naman pumasok sa kusina saka dinalhan si Alexis ng pagkain. nag nunuod lang sya ng movie sa laptop nya.

"Kain ka na." mahinang sabi ko saka nilapag yung tray sa side table.

"Hindi ako gutom." matabang na sabi nya ng hindi tumitingin sakin.

i closed her mac and put it on the bed.

"sorry." i whispered.

"pakielamero ka talaga." matabang na sabi nya.

"sorry." i whispered again.

"Alam mo hindi na talaga kita maintindihan eh. di ba sabi mo tigilan na kita. na wala kang pakiaalam sakin at wag na kitang guguluhin? na di mo ako kailangang sa buhay mo at di ako kawalan? di ba sinabi mo yun? i did what you told me so what the hell is this?!" mariing sabi nya saka tinignan ako ng puno ng galit sa mata.

"What?" naguguluhang sabi ko.

"this is exactly what you said. Tang ina naman Alexis! ang kulit mo! tigilan mo nga ako sa kadramahan mo. hindi kita mahal at di kita mamahalin. kaya utang na loob tigilan mo na ko. wag ka nang tatawag dito kahit kelan. wala na kong pakialam sayo kaya wag mo na rin akong pakikialaman, wag mo na kong guguluhin dahil hindi ka kawalan sa buhay ko. di na kita kailangan. thats your exact words right? naaalala mo na? ako kasi di ko nakalimutan yan! halos araw araw na ginawa ng Diyos paulit ulit kong naririnig yan sa ulo ko. hindi ko nakalimutan, Steven. bakit ngayon ikaw tong di sumusunod sa sinabi mo noon?"

***

"this is exactly what you said. Tang ina naman Alexis! ang kulit mo! tigilan mo nga ako sa kadramahan mo. hindi kita mahal at di kita mamahalin. kaya utang na loob tigilan mo na ko. wag ka nang tatawag dito kahit kelan. wala na kong pakialam sayo kaya wag mo na rin akong pakikialaman, wag mo na kong guguluhin dahil hindi ka kawalan sa buhay ko. di na kita kailangan. thats your exact words right? naaalala mo na? ako kasi di ko nakalimutan yan! halos araw araw na ginawa ng Diyos paulit ulit kong naririnig yan sa ulo ko. hindi ko nakalimutan, Steven. bakit ngayon ikaw tong di sumusunod sa sinabi mo noon?" malamig na sabi ko saka tumayo sa harap nya.

"Alexis-"

"di ba yan yung sinabi mo noon?!" mariing sabi ko. nanghihinang tumango sya.

"akala ko ba hindi mo ko kailangan sa buhay mo? anung nangyari at nandito ako ngayon?"

"Alexis please."

"ang dali lang kasi sayong magbitaw ng salita diba? masakit man o hindi. hindi mo kasi naramdaman yung pinagtabuyan ng ilang beses ng taong akala mo bubuo ng buhay mo!" mariing sabi ko.

The Devil's One and Only Love ★Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora