Tama na

157 0 0
                                    

Mahal, sa bawat araw na nagdaan, para lang din akong hangin na iyong dinadaan daanan.

Masakit para sa akin na nakikitang nahihirapan, pero hindi mo nalalaman mas masakit ang aking nararamdaman.

Mahirap unawain ang isang bagay na mas malabo pa sa mata ng lolo ko, isang bagay na alam ko sa ating dalawa'y wala namang pagmamahalan na mabubuo.

Mahirap mahal, napakahirap na sa bawat oras, minuto, segundo ay minamahal ko ang tulad mo.
Gaano ba kadali sa 'yo ang lahat? Kung maglalaro tayo ng manhid manhidan, ako level 10 plang ikaw master mo na.

Sa mundo, merong ikaw at ako. Ikaw na napakamanhid, ako na napakatnga, ay hanep bagay din naman pala.

Sa bawat ngiti at pagtawa mo, merong ako na tumatanaw sa 'yo. Sa bawat letrang iyong binibigkas, wala pa ring katumbas ang pagibig kong wagas.

Mahal ang hirap. Ang hirap na makita kang kiligin sa kanya. Kaya kitang pangitiin pero bakit ganun ? Hindi kita kayang pakigilin at tanging tanging siya lang ang makagagawa nito sayo, ang ika'y pakiligin.

Gustong gusto kong sabihin sa yo na tama na. Na ayoko na. sobrang sakit na.
Sa bawat luha na inaaksaya ko, sana namn minsan maisip mo din ako. Na merong ako sa mundong ito na tanging magmamahal sa yo ng totoo at hindi matutumbasan ng kahit na sino.
Mahal kita pero tama na.

I surrender.

Sobra na.

TULAWhere stories live. Discover now