Ikaw

392 7 3
                                    

Ikaw na taong gusto ko
Ikaw na taong gugustuhin ko
Ikaw na taong minamahal ko.

Hanggang kailan?

Hanggang kailan mo ako pahihirapan?
Hanggang kailan mo sasabihin na hindi ako
Na hindi ako ang taong gusto mo?

Paano ba?
Paano ba ang kalimutan ka?
Pwede bang pakisabi kasi ang sakit sakit na.
Paano ko ba sasabihin sa 'yo na ayoko na.

Tama na. Hindi ko na kaya.

Sa bawat araw na nagdaraan
Hindi pa rin magsisimula ang istoryang 'Ang ating pagmamahalan'
Kelan mo ba kayang suklian
Pagmamahal kong hindi matutumbusan.

Masakit.

Ang sakit.

Ang sakit sakit.

Hanggang kailan ba ako aasa?
Sa bagay na alam kong wala namang pag-asa?
Kailan mo ba makikita?
Halaga ko sa buhay mong pinilit kong ipinta.

Halaga?
Hindi naman yata yan kasama
Sa diksyunaryo ng buhay mong halos wala na rin kwenta
Dahil kahit sa isang simpleng bagay lang sa mundo ay hindi mo na makita.

Nakakainis ka.

TULAWhere stories live. Discover now