The First Meeting

6 0 1
                                        

Bago ang lahat ipapakilala ko muna ang sarili ko. ako nga pala si Mailene, mai na lang for short. Panganay ako sa aming apat na magkakapatid at nag-iisang babae. Ako ngayon ay 29 years old na at turning 30 this coming july. 10 years na kami ng destiny ko at may 2 kids na. Parehong boy.

Isang umaga nakatext ko ang pinsan ko.

"hi mai, punta kami mamaya jan sa inyo, gusto dw umakyat ng ligaw ng tropa ko. Alvin name nya. Anu payag ka?

"uhm ikaw teh arlyn ang bahala,andito lang naman ako sa

bahay".

Maya-maya dumating na sila. Nakita ko yung Alvin na tropa ng pinsan ko. Ang laki nyang tao at ang laki pa ng katawan nya. Hindi ko sya natypan. Kc ang ideal man ko medyo malaki lang sa akin tapos chinito tska pogi. Chosy pa ang lola mo. Edi yun kwentuhan konti tapos ayun umalis na sila. Tapos itong mama ko naman tinakot agad ako, na wag ko dw sasagutin yun at baka dw kapag naging kami tapos kapag nagaway, talo dw ako at kayang-kaya daw ako nun pisain, na akala naman ng mama ko eh sasagutin ko yun. Mudra ko talaga ang advance mag-isip.

Edi yun nga minessage ko agad ang pinsan ko na bagsak yung tropa nya sakin.

"Ganun ba, ok cge sabihin ko ke alvin, para di na sya umasa. Bukas ng gabi may roadtrip kmi ng tropa ko, gusto mu sumama? Papaalam kita kay tita".

"ay sige bet ko yan. Galingan mu teh pagpapaalam mo sakin ke mudra ah, alam mo naman na sobrang higpit nun".

"oo akong bahala sau. Trust me! Cge see you tomorrow insan".

Dumating na ang araw ng lakad namin ni ate Arlyn. Tumambay muna kami sa capitolyo kasi mga nagsisipaghanda pa lang ang mga tropa nya. Habang tumitingin kami sa galery nya may nagmesseage sknya. Tinatanung kung nasan sya. Itong pinsan ko naman inignore lang yung nagtxt. Edi tingin ulit kami picture sa galery. Maya-maya may nagtxt na naman. Edi nagtanong na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 My destinyWhere stories live. Discover now