Prologue

22 4 2
                                        


**************** Hope you like it.

Jessy POV

"Naniniwala ba kayo sa mythology?" Tanong ni sir Braum.May mga sumang-ayon, at meron din namang mga hindi.

Sa panahon kasi ngayon, iba na ang paniniwala ng mga tao.


Humaba lang nang humaba ang talakayan pero ako, eto, lutang na lutang at walang ibang ginawa kundi paglaruan ang ballpen ko. 


"Ang mitolohiya ay sumasalamin sa isang kultura ng isang lugar, katulad na lamang ng kulturang griyego, may mga bali-balita na ang mga diyos na ito ay totoo. As in imagine yourself na katabi mo ang isang diyos sa isang bench. He is omnipotent in some sense. May iba't ibang diyos. May mga di pa nakikilala pero isa lang ang pinakasuperior. Si Supreme. Ruler of all things. Above all gods. God of sun—"

"Ruler of all things and the one who will decide our future....." Sinasabayan niya ang bawat sinasabi ni Sir Braum.

"Looks like you knew the poem, Lelouch." Anya ni Sir.

"'Supreme Ruler Of All Things'." Suminghap siya sa hangin at nagpatuloy. "Am I right sir?"

"'Di ka nagkakamali. Magaling, at dahil diyan let's give him air round of applause." Sabay palakpakan ang mga kaklase namin.

Siya si Lelouch Lamperouge.

Galing sa di kilalang pamilya. Actually, walang nakakakilala sa pamilya niya. Loner siya sa klase. Siya lang yung outcast lagi at take note, kaklase ko siya since elementary. Sino ba naman kasing lalapit sa isang... okay. Hindi ko naman sinasabeng weird siya pero weird talaga siya.  Ang gulo ko diba. Dahil kasi minsan tumitingin siya sa akin at tumatagal ng ilang segundo lamang saka siya babalik sa kung anong pinagkaka-abalahan niya. Rim glasses and dark eyebags na bumabagay naman sa kanyang mata. Loose shirt at sobrang luwag ng pantalon. Okay, masunuring mag-aaral to. 


Pero,


Kung siya hindi lang kilala ang kanyang magulang sa kung ano mang larangan, maybe they prefer being private. Ako, alam ng buong school na wala na akong magulang (ampon ka lang).



Pagkatapos mamatay ng Mama ko. Isang trahedya ang pangyayaring ito. Naiiyak nanaman ako sa tuwing naalala ko Ang pagkamatay ni mama. Bata palang ako pero malinaw parin sa akin nangyari nung gabing iyon.

Duguan siya nung umuwi sa bahay. May sugat siya sa kanyang likod. Ngunit nagtataka AKO. Ang Liit lang naman ng sugat. Konting dugo lang din ang lumalabas. Pero unti-unting umiitim ang ugat sa paligid ng maliit na sugat nito. Dalawa lang kami sa bahay na yun noong panahon na iyon. Umuwi na ang yaya ko. Sinubukan kong humingi ng tulong pero nagsalita si mama.

"Nakita na nila tayo. Ingatan mo ang sarili mo palagi ah. Sa takdang panahon makikila-"

"Ma? Mama gumising ka ma!!!!!! MAMA!!!!!!!!" Pagkatapos nun e bigla nalang daw nasunog ang bahay namin. Tingnan mo nga naman. Sunod-sunod ang kamalasan.

Naramdaman ko nalang din ang luha na umaagas na pala aa mukha ko. Ngunit, walang nakapansin. Mabuti na rin yun. Matagal-tagal narin akong di umiiyak e.

"Okay class dismiss!" Umalis na ako sa kuwarto namin para lumipat sa susunod na subject ko nang may biglang tumawag aa akin.

"Jesssssyyy! Yuhoooo! Are you there?" For god's sake nasa kabilang side lang siya. "Jessy!!!!"
Sigaw ni Kallen. Binasag niya ang naka-bibinging katahimikan sa corridor na kinatatayuan ko ngayon. Kahit kailan talaga ay napaka-ingay nitong babaeng to.

Si Kallen Stadtfield, bestfriend ko siya at takenote how rich this fucking brat is, sila lang naman ang nagmamay ari ng aming paaralan. Maximus Stadtfield Elite School. Dahil magkaibigan ang aming mga magulang. Pagkatapos mamatay ng aking ina, pinagpasyahan ni Tito Maximus ang pagaalaga niya sa akin. At kinukulit niya pa ako na dapat ay palitan ko na rin ang aking apelyido. But I denied to turn over my surname, it means everything to me. Naintindihan naman ito nila Tito at Tita. Si Kallen ay isa sa mga nakawalang amazona sa brazil. Yung tipong nakalunok ng sampung mikropono na nagresulta sa 1000 decibel.


Pero kahit minsan nakaka gigil na siya, mahal na mahal ko siya bilang bestfriend at kapatid para sa akin. Hulog siya ng panginoon. 


"Oy Tara kain na tayo tapos punta na tayong library." Alok niya sa akin. Choosy pa ba ako. Eh ako na ngalang tong walang pera e. Hayst hulog ng langit tong babaitang ito.

"Okay, I'll pack my things, wait for me there." Pagsang-ayon ko sa kanya, tumango siya sa akin at nginitan ako.


Pagdating ko doon ay naabutan ko siyang maydalang pagkain at nilapag ito sa aming madalas puwestohan sa loob ng library. Mailap kami sa tao dahil ayaw rin ni Kallen na mai-spoil bilang anak ng may ari ng school na ito. 


Ilang sandali lang ay tumayo na siya at umupo na rin ako sa aming puwesto. Umalis siya saglit at bumalik kasama ang isang maliit na scroll. 

"Since, matagal ko nang crush si Lelouch. Babasahin ko rin ang poem na ito." Maalikabok ito. Hayst, kahit sino naman crush niyong babaitang to e.


 San niya ba nakuha to?


 Bakit meron kami nito sa library namin?


"Kallen!  Ano yan? San mo nakuha yan?" Tanong ko sa kanya ng makita ko ito ng malapitan, maalikabok ito at itim ang theme.


"shhhhh!" Sigaw ng librarian.


NOTE


Ang 'coincidence' po 'The Heart of God' ay hindi magka konekta, pero pinagiisipan kong ikonekta. Ginawa ko kasi to nung bandang May, kaya nakalimutan ko yung mga pangalan. So as a result, nagkahalo-halo ang mga char. 

Yours truly,

The Heart Of God Stories to obsess over. Discover now