“Ha?” Nabibingi na yata siya. “Come again.”

“I said, call me Aron Miguel, Aron ba o Miguel ba.”

“Why?” I’m confused! What’s happening!

 

 

“Nakita mo naman ang nangyari sa loob ng mall di ba?”

Naguilty si Candice, siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. “Sorry talaga Sir. Hindi ko naman akalain na aabot sa ganito.”

“Sana inisip mo yan bago ka gumawa ng isang bagay.”

Napayuko na lang siya, kahit naman saan tignan ay sa kanya pa rin ang bagsak ng sisi. “Sorry talaga, gusto mo bawiin ko kay Alexie ang mga sinabi ko dati.”

Napatingin ito sa kanya. Yay! Bakit ba ang seryoso nito, nakakatakot naman tong chinitong to.

“You don’t know how would my mom feel kapag ginawa mo yun. Malamang ngayon ay alam na ni Mama na nagkita tayo at nina Alexie at Marcus. Knowing my sister, baka mas makulit pa yun sayo.”

“Sorry talaga ha Sir, promise, di na ako uulit.”

“Anong hindi na uulit? Talagang hindi na, now, follow me, call me Aron Miguel, at panindigan mo ng boyfriend mo ako sa harap ng pamilya ko.”

Laglag ang panga niya!

Patay kang Candice ka!

“Seryoso?”

“Why, do I look like I’m joking here?”

“Nope, but I mean….

“Kapag kaharap mo sina Mama at Papa at ang kapatid ko kasama ng asawa niya, we will pretend that we are couple, kaya Aron Miguel and not Sir in front of them.”

Loading

Loading

Process

Ting!

“Ms. Manlotoc?”

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon