Chapter 39- Hospital.

80 3 0
                                    

Joaquin Reyes' Point Of View

"Sana, sana okay lang siya. Please I am begging Lord. Please tulungan mo yung mahal ko. Please. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Binago niya yung estilo ng buhay ko. Hindi mo siya pwedeng kunin."- Kanina pa ako iyak ng iyak. Sobrang nagsisisi kung bakit hindi ko hinabol si Ady nung tumakbo siya palayo Sobrang sakit malaman na yung taong mahal ko eh 50-50. Pero alam ko, alam ko na lalaban siya.

Nandito na kami sa ospital. Sobrang sinisisi ko yung sarili ko. Kung alam ko lang na yun ang sasabihin ni Raine sakin edi sana nakapunta agad ako sa ospital. Naisip ko kasi na baka kukulitin niya nanaman ako na pumunta sa bahay nila dahil mag uusap kami. Pero ayoko ng makipagusap pa. Ginugulo niya lang yung isip at puso ko.

"Doc, doc! Kamusta po ang lagay niya? Gumising na ba siya? Okay na ba siya? Doc? Doc, sabihin mo sakin kung anong nangyari sa mahal ko Doc. Bakit puro dugo yang damit mo Doc? Sabihin mo sakin!!!"- hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulgol na ako sa doctor sa harap ko. Ayokong marinig ang masamang balita. Alam kong buhay pa siya. Magpapakasal pa kami.

"We all did our best...she's a fighter. Actually, lahat ng na hi-hit and run at na de-dead on arrival ay hindi na nakakayanan. Pero Ady's a fighter. Pero I am sorry to say, Ady is in comatose right now.."-iyak dito, iyak duon. Ayan lang ang naririnig ko ngayon dito sa room kung nasaan si Ady. Hindi ko alam, hindi ko alam kung dapat akong matuwa? Kasi comatose sya at di pa siya bumibigay? Pero, ganun rin yun. Buhay siya pero parang patay rin siya. Sobrang sakit. Hindi ko na alam yung gagawin ko.

"Tita, sorry po." -sabi ko sa mama niya

"You don't need to say sorry anak. Walang may kasalanan. Yung driver lang. malakas yang anak ko alam mo yan. Sa tagal ng pagsasama niyo lahat nilalabanan niya. Sobrang strong niya."-sabi sakin ni Tita habang umiiyak

"Tita, alam ko pong kaya ni Ady yan. Sabay sabay po tayong mananalig sa Ama na gabayan niya palagi si Ady. Hinding hindi po tayo susuko tita. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Iintayin ko pong magising siya."

"Alam mo joaquin, salamat, salamat kasi hindi ka katulad ng unang nanligaw sakanya. Naging inspirasyon ka ng Anak ko. Kaya ang laking pasasalamat ko sayo. Dahil pag wala kami, ikaw ang nanjan para damayan siya. Palagi ka niyang kinwekwento samin ng Daddy niya. Sobrang proud siya sa narating mo. Kaya sana, huwag mo siyang iiwanan. Wag mong ibalik ang buhay ng anak ko noong nasawi siya. Ayokong nakikita si Ady na nahihirapan. Kung pwedeng ako nalang ang nasa ganyang sitwasyon, sana ako nalang sana hindi nalang siya."-Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang luha sa mga mata ko. Sobrang tatag ni Ady. Sobrang nakakabilib siya. Hinding hindi ko siya iiwan.

"Sige anak, uuwi muna kami kukuha kami ng gamit. Iwan ka muna namin jan."-pagpapaalam ni Tito

Naiwan kaming dalawa ni Ady dito. Sinabi ko sa mga kaibigan namin na umuwi na muna sila at bukas nalang ulit dumalaw kasi alam kong pagod sila. Ang sakit sakit parin. Hindi ko na alam gagawin ko.

"Baby, kapit lang ha? Wag mo kong iiwan. Marami pa tayong plans. Diba sabay pa tayong gagraduate? Pareho tayong  magiging Cum Laude diba? Sabay tayong kukuha ng Licensure Exam pag tapos ng Masteral sa college diba? Magpapakasal pa tayo diba? Magkakaroon ng tatlong mga anak at magpapatayo ng malaking bahay. Gusto mo yun diba? Iikutin panatin ang buong mundo. Wag ka munang susuko. Mahal na mahal kita."- naiiyak nanaman ako. hinaplos ko yung buhok niya. Lumapit ako sa tenga niya

"Mahal na mahal kita Ady, wag kang mawawala sakin."-Bulong ko sakanya at kiniss ko siya sa forehead niya.

"Dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Kung pwede nga lang, na ako nalang yung nanjan sa sitwasyon mo eh. Please baby fight lang."- hindi ko na kaya. Sasabog na yung puso ko sa sakit na nararamdaman ko. Biglang may kumatok sa pinto, si Raine pala.

WANTED GIRLFRIEND (GIMME 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon