Chapter One

8 2 0
                                        

Strong Arm, Little Girl

CHAPTER ONE
1:34 PM

Suot suot ang kanyang pantulog na kasuotan nilakad ni Chinnie ang tindahan mula sa kanilang tahanan. Maraming napapalingon na tao sa kanyang itsura dahil talaga namang agaw pansin ito. Isang nakakabulag na neon green pajamas sa tanghaling tapat. Ng marating ang malapit na 7/11 kumuha ito ng dalawang hotdog sandwich at isang kahon na gatas. Ng nasa cashier na siya ay kumuha pa siya ng chupa chups at gummy bears, sinulit niya na ang limang daang pisong ibinigay sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Kuya Liel. Muling nangasim ang mga muka ng mga tao ng makita ang itsura ng dalaga, masakit talaga sa mata ang kulay ng suot nito at hindi ayon ang porma nito sa oras. Tanghali na ngunit muka lamang itong kagigising pa lang.

Inaantok at pabagsak na humiga ito sa couch. Ang maliit nitong pigura ay isa sa mga nakakalamang nitong katangian dahil kasya ito sa kahit anong upuan sa kanilang sofa. Papikit na ang kanyang mga mata ng maalala nito ang kanyang pinamili. Kinuha niya ang mga ito sa lamesa at sinimulang kainin saka binuksan ang telebisyon para manuod ang kanyang palabas sa Cartoon Network.

Maya maya pa ay lumabas ang kanyang bunsong kapatid na si Carlie, na mukang kagigising lang. Kunot noong tinanong ni Chinnie ang kapatid. “Hindi ka na naman pumasok?” Ang pag hikab nito ay naputol.

Nanlalaking matang napalingon ang binata sa kanyang ate. Kinakabahang humakbang ito paatras. “Uh, ano.”

Bumangon mula sa pag kakahiga ang dalaga at dahan dahang lumapit sa naingas ng pigura ni Carlie. “Hindi ka na naman pumasok?! Lintik ka!”

Nagsimulang tumakbo si Carlie dahilan upang habulin ni Chinnie. Talagang papanutin niya ang kanyang batugang kapatid kapag naabutan niya ito!

Ang kanilang magulang ay nasa probinsya, doon naninirahan. Simula ng maka graduate ng kolehiyo itong si Liel ay lumipat agad ito sa siyudad upang makahanap ng magandang trabaho, at ng makaipon ito ay kinuha niya ang kanyang mga kapatid sa probinsya upang pag aralin sa lugar ng maraming oportunidad. Sa kasamaang palad, palaging nakikick out sa paaralan si Chinnie dahil palagi itong nasasangkot sa kung ano anong kaguluhan. Madungis na ang kanyang pangalan sa kahit anong school kung kaya’t napag desisyunan na lang ng magkakapatid na huwag na itong mag aral at mag bantay na lang ng nirerentahan nilang bahay at ang bunsong kapatid na si Carlie, na nag aaral sa isang sikat na paaralan.  Matalino naman ito ngunit tamad nga lang pumasok.

Sa totoo lang ay gustong pumasok ni Chinnie sa paaralan ngunit hindi talaga nito ma iwasang mapalapit sa mga gulo na sa palagay niya’y kakambal na nito mula pa noong ipinanganak siya. Sa edad na tatlo, nakakapag buhat na ito ng mga sinibat na kahoy ng kanyang ama, sa edad naman ng trese ay nakakapag tulak na ito ng bus. Isang sikreto sa kanilang pamilya ang hindi pangkaraniwang lakas ng dalaga.

Kahit kaunting pitik niya lamang noon sa mga barumbado sa kanto ng barangay sa probinsya ay napapaiyak na ang mga ito sa sakit ng bukol. Ano pa kaya ang mga naka suntukan nitong mga bully noong High School? Syempre, lahat nabaliaan, ang iba’y nabungi pa pero lahat ay siguradong napunta sa ospital.

Walang naniniwala sa mga sumbong ng mga ito sa kani kanilang magulang na ito ang may gawa sa kanila. Sa itsura na palang ni Chinnie ay talagang magtataka ka. Maliit, at mukang bata para sa edad na nineteen at mukang di maka basag pinggan sa amo ng muka. Mukang imposible pero lingid sa kaalaman nila ay talagang totoong malakas ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strong Arm Little GirlStories to obsess over. Discover now