Weird pero parang biglang kaba yung naramdaman niya ng tumingin ito sa lugar niya. Biglang kumunot ang noo nito. Sumingkit pang lalo ang mga mata.

Lumingon si Candice. Sa kanya nga talaga nakatingin. Bumalik ang mga mata niya sa bestman. Sa ibang direksiyo na ito nakatingin...

Candice! This would be fun! Sabi niya.

Natapos ang kasalan. Sinubukan niyang lumapit subalit hindi siya makassingit sa dami ng bisita. Nang biglang mag announce ang emcee na may available na mga sasakyan going to reception.

Why not go there?

Yun nga, namalayan na lang ni Candice na nasa loob na siya ng reception ng newlywed. Nakikingiti sa mga hindi niya kilalang bisita.

Hinanap niya ang bestman. "Nasaan na ba ito at ng maka exit na."

Biglang naiihi siya. Kailangan niya na yatang maghanap ng comfort room, siguro bigo siya sa challenge ngayon araw. So she decided that after that eh susunod na siya sa mall kung saan nandon sina Kathryn and Loise.

"Ouch!"

"Hey Lady, watch out." That deep voice awaken her thoughts.

The BEstman!

Mas matangkad pala ito kapag nasa harap mo na.....at mas gwapo!

"Next time tumingin ka sa dinaraanan mo."

Suplado! Ni hindi nakatawa at seryoso ng sabihin yun. Hindi ba alam ng kaharap niya na masakit ang pagkakabangga sa kanya?

"Duh! Pwdeng mag sorry ka muna?"

Mas lalong kumunot ang noo nito, salubong ang mga kilay at sumingkit pang lalo ang mga mata....

"Ako pa ngayon ang dapat magsorry?"

Biglang umalsa ang dugo ni Candice. Mukhang antipatiko at napaka ungentelman pala ng kaharap niya.

Sasagot pa sana siya ng biglang lumapit sa kanila ang alam niyang newlywed couple....

"Aron, dear brother, andito ka lang pala. Who is she?"

"Alexie, sorry I...

Bigla ang kapilyahang naisip ni Candice. He cut what Aron would have to say...

"Hi Alexie, congratulations." Biglang beso sa dalaga at shake hands sa gwapong groom na hindi niya kilala.

"I'm Candice...your brother's girlfriend."

"Girlfriend?!"

The Bestman's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon