"Alam niyo mas maganda nalang manahimik." inis kong sabi sakanila, sobrang ingay kase nilang dalawa. Okay ako ng PMSing everyday.

Kapag nagbangayan kase sila parang napakalayo nila sa isat isa kung magsigawan kaya.

Nagirapan muna sila sa isat isa bago magsiupo sa upuan nila. Napailing nalang ako sa inasta nila.

Kung hindi lang bakla si Arlwin pagkakamalan ko silang magex, pero alam ko kwento ni Arlwin kaya naman alam ko din na hindi sila.

"Ok class, take your seats now..."

College na ako. Mass Communication Major in Broadcasting yung course ko.

Ayaw sana ni lolo yung course ko. Gusto sana daw nya mag BusinessAd ako okaya naman mag Architecture daw pero tinanggihan ko sya.

Ok na sakin tong course ko, kahit na puro chismis minsan pinaguusapan.

"So class, hindi na bago sakin itong sasabihin ko kase madalas naman mangyare to. As usual may bagsak nanaman sainyo sa subject ko, and because of that I'm hoping that this sem ay magaayos na kayo. Because I'm telling you baka hindi na kayo tanggapin next sem dito. So I'll be announcing the names of the students that failed my subject..." Though I don't agree with her actions. Announcing the names of students who have failed her class is an act of humiliating the students. Which is by dictionary, bullying. However, in her perspective it is called discipline. Which is actually good sht for the undisciplined brats.

Nakasalok baba lang ako habang nakatingin sa prof namin. Kita ko ang tensyon ng mga classmates ko sa subject na to.

Yung iba kase sakanila ilang beses ng umulit sa subject na to. Mahirap kase magbigay ng test yung prof namin na to. Professional kase masyado kaya naman yung iba talagang pursigidong ipasa na suject nya.

"...and last Jason Tolentino, Mark Castro and Baste David! Hope you'll be more sincere this time Misters.."

Napangisi akong napatingin sa pwesto nila Baste. Kilalang kilala kase si Baste dito sa school. Masyado kaseng bilib sa sarili. Mabaho rin hininga pagnatyempuhan. Joke lang.

Ang daming nagtatanong kung paano nakapasa sa college to, pasang awa lang kase nung highschool kaya naman ang daming nagtatanong paano nakapasok sa college si Baste.

"T*ang*na bagsak nanaman. Paano ako papasa jan, mahirap kaya yung binigay mong test." Hindi niya direktang sinabi sa Prof kundi parang kausap niya sarili niya.

Kita ko ang panlalaki ng mata ng prof namin. Napailing nalang ang mga classmates namin sa ginawa nya.

Hindi na kase bago samin ang pagmumura ni Baste sa mga prof namin. Hindi nadin bago samin na palagi nyang sinisisi sa mga prof namin kung bakit sya palaging bagsak.

Napailing nalang ako sa inis. Matagal nakong nagtitimpi sakanya.

"You better watch your words Mr. David, I'm still your professor here." sagot ng prof namin sakanya.

"Wala akong pakealam. G*go." dabog ni Baste saka tumayo. Kinurot niya ang kanyang ilong sa inis.

Hindi nako nakapagtimpi sakanya. Oo ayaw namin madalas sa prof naming ito, obviously disrespect should not be tolerated in a room for education. Tsaka why not umeksena kasi yun naman gawain ng mga teenagers sa klase. Yung mga hindi makapagpigil. Exciting to.

Origins of VarisWhere stories live. Discover now