Chapter 2 *Best Actress*

791 20 6
                                    

*Tracy*

“Oh Dianne, ikaw na ang bahala dito, may appointment pa kasi ako by 8am.”

“Yes Ms. Montañez.”

Nginitian na lamang niya ito bago umalis doon.

Katatapos lamang niyang bisitahin ang pinakabagong tayo niyang branch ng cellphone store. Papasok na sana siya sa kanyang sasakyan nang makita ang isang pamilyar na muka na ngayo’y palabas mula sa katapat na building ng kanyang branch.

Look who’s here? Tadhana nga naman… SINUSUPORTAHAN AKO… She was about to go to elite palace para isagawa ang kanyang so called ‘appointment’—ang kausapin at papayagin si Trev sa pinlano niya kagabi. Pero ngayo’y parang tadhana na ang nagpadali ng first move niya. Napangiti siya  sa naisip.

Kaya naman…

Hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na siyang lumapit dito.

May kausap ito sa cellphone nito habang bumababa sa hagdan sa entrada ng building na iyon.

Busy??? Ah hindi… kailangan makausap ko na siya tungkol kay Kian. Ito na ang pinakabest timing… Desidido na talaga siyang sabihin dito ang ninanais at handa siyang suungin ang lahat makausap lamang ito ngayon.

Binilisan niya at agad niya itong binate nang makalapit na dito. “Hi Trev!” halata sa muka nito ang gulat at pagtataka nang makita siya.

Ay, nagulat? Sa kagandahan ko siguro… haha

UI TRACY!!! FOCUS!!! >.<

“Yeah… I’ll call you later, ok?... Yes… Bye.” Sambit nito sa kausap sa phone bago ito ibinaba habang nakatingin pa din sa kanya.

Nginitian niya lang ito.

“Ah… sorry… Miss??”

Inilahad niya ang kamay dito. “Trisha Samantha Montañez.”

Tiningnan muna nito ang kamay niya bago tinanggap iyon.

Anong akala mo sa kamay ko? Madumi??? HOY! Nagdisinfenctant ako “Ah… I’m sorry again but have we met before Ms. Montañez?”

“Yes… Actuall—

“Ahh.. excuse me for a moment.” Sambit nito sabay kuha phone at pindot ng answer button nito. “Yes, yes Mr. Kuroshi… yes… I will… I’m on my way…” sabi nito sa kausap habang nagpatuloy na sa paglalakad palapit sa sasakyan nito na nakapark sa gilid ng daan.

Aba’t?!? Pahihirapan talaga ako ng isang ito???? Agad din siyang sumunod dito. “Ah kasi Trev—

Hindi niya naipagpatuloy ang sinasabi nang isenyas nito ang kamay sa kanya.

At syempre, imbes na makinig dito ay mas pinagsumikapan pa niya ang pangungulit. “Trev, I really want to talk—

“Yes… yes, I’ll be there by 8:15am… sure.”

Eh kung sirain ko kaya yang pipitsugin mong phone ha?!?! Kinalma niya ang sarili. Be nice muna Tracy… remember, ikaw ang hihingi ng favor sa isang walang respeto, may cheap na cellphone at may kausap na alien sa phone na lalaking nasa harap mo ngayon.

Pero kasi…

Marami naman akong alam na pwedeng gawin para mapapayag ito eh… WAG NIYA LANG TALAGA AKONG SUBUKAN NA GAWIN IYON!!

Pag nagkataon…

IIYAK TALAGA SIYA!!! HMP!

Patuloy pa rin ang pakikipagusap nito dun sa ‘oishi’ ata sa phone nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sweetest BlackmailWhere stories live. Discover now