Chapter 1 *Cold Broke Night*

961 20 2
                                    

*Tracy*

“Ma—mahal na maha—haaal kita Ki—kian eh… Sooobr—braang mahaaal…” sarcastic laugh came out from her. “Kaso, aaaa—alaam mo ba??Masakit yu—yung gi—giiina—ginawaaa mooo sa akin eh…” then tears began to fell again. “Bakk—kit ba kit—kita in—i—iniiyaak—an? You’re not worth it, reaaaaally, not worth it!!” she screamed out loud at ininom ng diretso ang natitirang alak sa baso niya.

Napansin niyang lumapit ang isang bartender doon. Nginitian niya ito at kinausap. “Isa p—pa ngaaaa… No, no…” she even smirked. “Make—make it two.”

“Ma’am, sobra na pong marami iyung nainom niyo, lasing na lasing na po kayo… baka po hindi na kayo makauwi niyan.”

Tinitigan niya ito. “Ano bang pinagsasabi mo? Hindi pa naman ako lasing eh, wala pa ngang epekto sakin itong alak nyo dito eh… kanina ko pa pinipilit malasing ha? Ang hirap kaya! Bigyan mo nga ako ngmatindi-tinde jan.” Kanina ko pa talaga pinipilit malasing… Tumutulo na ang luha ko’t lahat eh malinaw pa rin sa isip ko si Kian at isa pa, gising na gising pa ang diwa ko…

Kailan pa ba eepekto ang alak na ito sa katawan ko???

MASYADO NA NAMAN ATANG DELAYED!! >.< ayoko pa naman sa lahat eh delay ang mga bagay-bagay.

“Pero Ma’am, matindi na ho ang magiging epekto sayo niyang anim na baso na iyan mamaya.”

“Magbabayad naman ako ah!?!!!” pagtataray pa niya dito. Anong gusto mo??Cash?? Check? Cellphone?!!?>.<

“Ma’am, isa po kasi sa sinusunod naming patakaran dito ay ang pangalagaan ang mga taong maaaring malasing ng sobra kaya po, inaawat na namin sila pag sobra na at mukhang walang maghahatid pauwi, kaya pasensiya na ho.”

“Ayokong magpaalaga sa inyo! So give me another drink now!” naiinis na niyang sabi dito.

“Ma’am sorry… but No.” iyon lamang at iniwan na siya niyon para asikasuhin ang iba pang tao.

“Uuurgh!!! Ok!! Fine!!!!” halos pasigaw na niyang sabi dito sabay kuha ng cash sa wallet at isang box ng brand new cellphone sa bag, at padabog na nailapag na lang niya iyon doon sa bar counter bago umalis.

“Ma’am!!! You forgot your phone!!” pahabol ng  isang waiter sa kanya habang papalabas na siya.

“Take it! Pabigat lang yan sa bag ko.” Sambit niya bago tuluyang lumabas doon.

Habang naglalakad patungo sa pinag-parking-an niya ng kotse ay di niya maiwasang maiyak. “Bakit ba kasi hindi na lang ako? Bakit kailangang mo pang humanap ng iba?? Pwede namang ako lang diba? Pwede namang tayo na lang… tayo na lang Kian…” sambit niya kahit patuloy ang pagtulo ng luha niya.

She’s now carrying her heels while crying in the street, talking to herself, under the stars. How miserable right?? “Sana maguilty ka naman Kian kahit papaano!!Dahil lang sayo nagkakaganito ako… I don’t deserve this!!” himutok pa niya.

Ilang sandali pa ng paglalakad ay nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo. Naipilig niya ang kanyang ulo para kahit paano’y ibsan iyon, pero kaysa ata mawala ay lalo lang lumala ang pagkahilo niya, pakiramdam pa niya’y umiikot ang bituka niya…

Kaysa indahin pa ang pagkahilo ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pinigil niyang masuka sa daan. Kahit papaano naman eh may kaunti pa ring natitirang kahihiyan ang pagkatao niya.

Habang naglalakad siya ay bigla na lamang siyang napatigil sa tapat ng ELITE PALACE, isang five star hotel doon dahil sa isang pamilyar na boses na bumanggit ng  isang pamilyar na pangalan. Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at nakita niya sa may labas ng entrance ng hotel ang isang pamilyar na lalaki na may kausap sa phone nito.

“Kian, I don’t want to be involved in an arrange marriage!!?... And isa pa, I don’t love Belle… kaya ko lang naman nasabi iyon sa kanya before eh I thought it was just for a short time, that her parents just want me to help with their business! That’s all! I didn’t expect na aabot sa ganito…”

Walang katao-tao sa daan kaya naririnig niya ang mga sinasabi nito. Nagkubli siya sa likod ng poste doon. Muli siyang sumilip mula sa pinagtataguan. Oh My, hindi ako maaaring magkamali, he’s Cloud Trevor Villanueva, bestfriend ni Kian my love na kausap pa nito ngayon sa phone. O.o

“But I told you pare, I don’t want to be unfair to Belle, pero hindi ko naman pwedeng tanggihan agad ang plans nila Dad for me… Yes… alam mo namang I’m just doing this for my family’s business and iyon lang iyon… Swear Kian, Marriage is a big NO in my future plans.” Sambit pa nito.

Pero ano itong narirrinig ko?? Trev’s committed already? And gonna marry soon??? Muling naudlot ang magiging epekto sana sa kanyang alak na ininom kanina dahil sa paggising muli ng kanyang diwa sa mga nalaman.

“Eh iyun na nga Kian eh, how can I tell Belle to stop falling in love with me? Pare, hindi ko kayang magpaiyak ng babae, and Belle don’t deserve to be hurt by anyone… not even me, napakabuti niyang tao.”

Lalo pa niyang pinagbuti ang pakikinig sa mga sinasabi nito. So…If Trev doesn’t really love that Belle girl…

Then, bahala siya, problema niya yan eh. ^^ May sarili akong problema.

Nang makarating sa sasakyan ay pumasok na siya doon. She smirked. “Parehang pareha sila ng bestfriend niya, hmp! Mga PAA! Paasa!” sambit pa niya habang nakaupo sa driver’s seat. “Pero on second thought, mukhang mas gwapo si Kian ko dun.”

She was about to start her engine nang may bigla na namang sumagi sa isip niya. Kian, I don’t want to be involved in an arrange marriage!!?... And isa pa, I don’t love Belle…

I don’t want to be unfair to Belle,

I’m just doing this for my family’s business and iyon lang iyon…

Swear Kian, Marriage is a big NO in my future plans

Daig pa niya ang naLSS sa lyrics ng kanta nang mga oras na iyon… “Belle really don’t deserve him… kawawa naman siya.”

Eh ano namang magagawa mo Tracy?? Hindi ka pa nga nakakaahon at nakakahanap ng solusyon sa problema mo, mangingialam ka na agad ng problema ng iba??  Parang kaya mo ah??

“If Trev don’t love Belle, and ayaw niyang malaman ni Belle iyon… Hmmm…” nagisip pa siya.

“Eh kung sabihin ko kaya kay Belle na hindi siya talaga mahal ni Trev??” muling sambit niya.

Napatigil siya sa iniisip. May mas malaki pa pala siyang iisipin para doon. “Teka, hindi ko pala kilala si Belle…” Pero madali naman siguro iyun, research lang yan eh. ^_^

So sasabihin mo nga kay Belle? Eh di ginulo mo naman ang buhay ni Trev! Anu ka ba Tracy!?!? Sigaw sa kanya ng maliit na bahagi ng kanyang isip—ANG KONSYENSIYA NIYANG UBOD NG BUTI.

“Eh hindi ko naman guguluhin love life niya eh… not unless…” muli siyang nagisip and this time…

SHE FOUND HERSELF GRINNING EAR TO EAR. YES! “Not unless siya ang gagawa ng paraan para mabalik sakin ang KIAN KO!!!!” napalatak pa siya sa sinambit.

Nai-start na niya ang engine ng sasakyan at pinatakbo na ito. “You’re brilliant TRACY!!! I’m so proud of you!” tuwang tuwa pa niyang sambit sa sarili.

Bukas na bukas din ay kakausapin kita Trev… tingnan ko lang kung hindi ka magmakaawa sakin at tulungan ako kay Kian…

“At ikaw Kian, you think I’m just going to let you go that easily? Well sorry ‘cause NO, and I’ll make sure nababalik at babalik ka kung saan at kanino ka nababagay…”

SA AKIN DITO SA TABI KO… ÜÜÜ

Umuwi siyang buo na ang pasyang kausapin bukas si Trev para mapapayag ito sa plano niya.

“Yes.” She said with a satisfied smile on her face.  

The Sweetest BlackmailWhere stories live. Discover now