"Sige po, may iba paba kayong gusto?" I asked again.

"Iyon lang salamat. " Matapos ay tumalikod na ito bago isara ang pinto.

Bumalik akong muli sa counter at yumukod kay Calix na busy sa pagmi-mix ng beverages.

Sumulyap ito sa'kin at bahagyang nagtaas ng kaniyang kilay.

"Ano 'yan?" tanong ko nangalumbaba sa harapan nito.

"Blue Hawaii. Sweet and sour mix with blue coraçao." Sinalin nito ang cocktail juice sa long glass at nilapatan iyon ng pineapple chunk at cherry kasama ng mini umbrella.

Nilapag niya ito sa harapan ko na bahagyang ngumiti. Agad na napatuwid ang likod ko dahil sa klase ng ngiti nito sa akin.

"Salamat." Ginagap ko ito na tangka na sanang sisip-sipin nang magsalita itong muli.

"Sa table six iyan, pakidala mo nal ang." He ordered.

Agad na napawi ang maluwang kong ngiti sa tinuran niya at padabog na tumayo dahil sa pigil nitong tawa sa ginawa ko. Agad ring umakyat ang pamumula sa dalawang pisngi ko dala ng pagkapahiya.

"Isa palang Ice bucket!" Bilin ko rito bago umismid. Rinig ko pa ang bahagya nitong pagtawa sa'kin.

"Tss, paasa..." bulong ko at dinala na sa table six ang order kung saan isang grupo ng mga babae ang naroon at masayang nagkukwentuhan.

Atubili akong lumapit at marahang nilapag ang juice sa table. Tumuwid na ako ng tayo at tangka na sanang aalis nang marinig ko ang pagka-basag na+g baso.

"Oh shit!" malakas na sigaw ng babae sa aking likuran.

"Oow!" Tutop ko ang bibig ng makitang basa ang damit ng isang babae at nasa lapag na ang basag na basong kabababa ko lang.

"What the hell?!" Tila gusto nang lumabas ng mata nito sa sobrang panggagalaiti sa 'kin dahil sa nagmantsa sa damit niya ang kulay asul na juice.

"I'm so sorry, ma'am. Papalitan ko na lang po." Yumukod ako at dinukot ang bimpo sa aking tagiliran para sana ito punasan.

"Stupid! Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami? Tapos bigla mong nilagay sa lamesa na wala man lang pasabi?!" singhal nito sa akin.

"I'm sorry again." I said patiently.

"Tonta! Look at my dress! Alam mo ba kung magkano ito, ha?! Kulang pang pambayad sa Isang buwan mong sweldo!" sigaw na nito sa'kin na siyang ikinalingon nang ilang sumasayaw. Kahit pa malakas ang tugtog ay na-agaw namin ang pansin ang ilan.

Napalunok ako sa pagkakaluhod dahil sa sinabi niya.

"Paano na 'yan, lalabas na sila Rex..." Narinig kong may bumulong rito.

"You will pay for this!" she shouted. Tumayo ito kaya ako bahagyang napa-atras.

"I'm so sorry," wika ko at kinagat ng mariin ang labi.

"Tama na' yan Candice." Narinig kong may pumigil rito.

"This stupid girl doesn't know how to do her job properly!" sigaw pa nito.

"Babayaran ko nalang po ang nasira ninyong damit," I said lowly.

"Huh? You must be kidding me!"

Humalukipkip ito ng tayo sa harapan ko. Doon ko naramdaman ang mainit na palad na dumantay sa balikat ko at tinulongan akong makatayo.

"Miss, baka pwedeng pag-usapan ninyo ito ng maayos. Maraming costumer ang naantala dahil dito." Buo ang boses ni Calix nang magsalita sa likod ko.

"Sino kaba? I want to talk to your manager!" Pinaningkitan nito ng mata ang nasa likod ko.

My Sexy Boss (Destroyer Casanova Series 4) CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin