Kabanata 1

454 2 0
                                    

Naka-upo ako sa feild habang nagbabasa ng notes ko ng bigla akong tamaan ng bola ng soccer. Sa sobrang lakas ay nahulog ako sa aking kinauupoan at tumilapon ang aking mga gamit.

"Ouch! Sino may gawa nun?" Asik ko.

"Hello, is it me you're looking for?" Sabi ng walang kwentang lalaking dahilan ng pagtama ng bola sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong ibato sa kanya ang libro ko. At boom! Sapol. Hahahaha buti nga sa kanya. Ngunit napangiwi ako ng biglaan niya akong buhatin at dinala sa kung saan man.

"Ibaba mo nga ako, hindi ako dumidikit sa mga taong hambog!" Sigaw ko.

Ngunit wala parin siyang imik. At napansin kong dinala niya ako sa likurang bahagi ng school. Kinabahan ako kasi baka naman i-rape ako nito.

"Kung ano man yang iniisip mo nagkakamali ka dun. Hindi din ako pumapatol sa mga maarte at amazona." Nakangising sabi niya.

"Oh patingin nga ng braso mo, buti na yung magpaalam ako bago ko tignan baka bigla mo akong sapakin." Masayang sabi niya.

Pinakita ko sa kanya ang kanang braso ko at nakita kong meron pala akomg sugat malapit sa siko. Siguro dahil sa galit ko ay hindi ko na iyan napansin. 

"Kita mo na? Sa ka hambogan mo may nasaktan kang ibang tao. Kung hindi ka ba din naman pasikat edi sana di ako nasugatan!" Irap ko.

Nakakainis na wala man lang siyang pinapakitang kahit anong emosyon. May kinuha siyang kung ano mula sa bag niya at nilagay iyon sa sugat ko.

"Awww! Dahan-dahan lang masakit e!" Inis na sabi ko. Pero mas lalo niya itomg diniinan. Kaya nasipa ko siya.

"Ano ba! Ikaw na nga 'tong ginamot ikaw pa nanipa." Supladong sabi niya.

"Waaaw! Thank you ha! Talaga lang dapat mong gamutin yan dahil ikaw may kasalanan kung ba't ako nasugatan." Inis na sabi ko at umalis.

Iniwan ko na siya dahil baka mapatay ko pa siya. Nakakainis pa yung pag uugali niyang di makain ng aso. Like sinong tao bang may gustong makakilala ng hambog?

Nakalimutan ko na tuloy magpasalamat dahil sa inis. Pag nagkita nalang siguro kami ulit.

He Who Broke My Heart (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon