6: Endearments

17 1 0
                                    

Chapter 6: Endearments

Abi's Point of View

"Abi,konting bilis!"

"Lalabas na!"

Aga-aga sigaw na agad bungad sa 'kin ni Kuya. Bago pa ko masigawan ulit ni Kuya,lumabas na ko. Saktong pagbaba ko luto na yung breakfast.

"Morning!" with matching ngiti pa yung bati ko sa kanila pero inisnob lang nila ako.

"Problema nyo?" tinignan lang nila ako saglit saka kumain ulit. Ay masyadong pa-famous. "Psst," tawag ko kay Kuya "Nasan si Papa?" tanong ko pero binalik lang niya yung tingin niya sa pagkain niya. Mukhang wala akong mapapala kay Kuya kaya humarap na lang ako kay Mama "Ma,
nasan si Papa?" at ganon lang din yung ginawa sa 'kin ni Mama kaya hindi ko naiwasan na sumigaw "Ano ba?! Pwede ba sagutin nyo rin yung tanong ko minsan?! Tao rin naman ako na kailangan ng sagot?!" sigaw ko.

"Ay,tao ka pala. Akala ko aso." sabay tawa ni Kuya ng malakas.

"Ano ba Kuya?! Nasan nga kasi si Papa?!" sigaw ko ulit.

"Sorry na baby sister,wag ka na magalit. Umalis na si Papa." paliwanag ni Kuya.

"Eh ba't hindi nyo ako pinapansin?" inis kong tanong.

"Niloloko ka lang namin. Ang sarap mo kasi pag-masdan pag-naiinis."

"Eh ikaw Mama,ba't ka naman sumama sa kalokohan ni Kuya?"

"Dinamay lang ako nang Kuya mo." sabi ni Mama habang natatawa pa.

"Okay,akala ko naman pa-famous na kayo." sabi ko "Nga pala,Kuya mag-kotse na lang tayo araw-araw ha?"

"At bakit mo naman naisipan na mag-dala na ng kotse?" tanong niya pabalik sa 'kin.

"Tinatamad na kasi akong mag-lakad papunta sa jeep-an." paliwanag ko "At para na rin hindi kita matawag na tanga." dagdag ko pa.

"Sige na,basta kasama pa rin natin yung tatlo,okay?" tumango na lang ako kasi hindi pa ako nakakakain.

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ng bahay at nadatnan namin dun yung tatlo na nagtatawanan. Nilapitan namin sila ni Kuya.

"Good morning," bati ko "Aga niyo naman."

"Syempre,etong si Maxine excited nang makita si Marvin." sambit ni Princess kaya binatukan siya ni Maxine, "Aray! Bakit mo ba ko binatukan? Eh totoo naman na gusto mo nang makita si Marvin eh." inis na sabi ni Princess.

"Uy,si Maxine luma-love life." asar ni Ate Cheska habang tinutusok-tusok si Maxine sa tagiliran.

"Tigil niyo na nga 'yan. Sumakay na lang kayo sa kotse." awat ko at pumasok na kami sa kotse. Buti na lang hindi na sila nagtanong kung bakit kami mag-ko-kotse.

Pagdating namin sa school ay dumiretso na agad kami sa mga rooms namin.

"Likod ulit tayo,okay?" sambit ko.

"Harap na lang tayo. Lagi na lang tayo sa likod eh." sabay kamot ni Maxine, "At isa pa,wala pa naman yung tatlo eh,kaya okay lang." sambit ni Maxine.

"Sige na nga," wala na rin naman akong magagawa. "Tska pagdumating na si Luraine at Liam,tabi natin sila,okay?"

"Okie dokie." ani Princess at sakto na dumating na rin sina Luraine kaya ang laki-laki ng ngiti ko. Umupo rin sila sa harap since na sinabi ko na sa kanila.

Maya-maya nagtilian na naman ang mga babae kaya napangiwi na lang ako. Pag-tingin ko sa may pintuan ay nandito na pala yung tatlo. MAP na lang ang itatawag ko sa kanila,short for Marvin,Alex and Prince.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel From The SkyWhere stories live. Discover now