3: Transferee

22 0 0
                                    

Chapter 3: Transferee

Abi's Point of View

Nagising ako ng isang maingay na alarm clock at pinatay ko na agad sabay tingin sa orasan at 5:00 a.m na kaya tumayo na agad ako at naghilamos at ang bagay na hindi ko makakalimutan...ang pag-tingin sa salamin sabay sabi ng katagang 'ganda mo talaga' sabay wink

Pag-baba ko ay nakita ko na rin si kuya na mukhang bagong gising rin at si papa na nakabihis na at tatayo na sana at aalis na ng makita ako

"Good morning anak,kain ka na ha,alis na ako ha" pag-bati ni papa

"Ok Pa,ingat" sagot ko sabay yakap sa kanya at umalis na nga si Papa at kami na nga lang ang natira ng gwapo kong kuya

"Good morning," bati ko sa kanya at tumingin sya sa akin at sabay sabi ng...

"Good morning rin" sabi nya,aba himala good mood yata si kuya,hehehe

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili,pag-baba ko ay nadatnan ko si kuya na nakabihis na rin at mukhang may iniintay

"Sino hinihintay mo?"tanong ko sa kanya

"Ikaw," matipid nyang sagot

"Bakit sasabay ka samin nila Maxine?"tanong ko

"Oo,bakit masama at tsaka kasabay ko rin si Cheska," sabi nya

"Okay,tara na" at lumabas na nga kami at hindi pa lang kami nakakalabas ng gate ay may tatlong babae na agad sa labas at alam namin kung sino 'yon

"Hi," bati ko

"Hi Bes," bati rin nila at nagsimula na nga kami sa pag-lalakad kahit may kotse kami ay nag-co-comute pa rin kami para may ADVENTURE

Nandito na kami ngayon sa may hallway at pumasok na sina kuya sa room nila kaya kaming tatlo na lang ang nag-lalakad.Pagpasok namin ay nakita na namin sina Alex na nakaupo sa unahan at ang mga babae sa likod  nila ay nag-kakagulo,,,HINDI NAMAN SILA GWAPO

"Tara dun tayo sa likod," yaya ko

"Dito na lang tayo sa una," pagtanggi nila

"Princess,dun na lang tayo please," pag-pilit ko

"Sige na nga," at umupo na kami

Maya-maya ay dumating na yung teacher namin at mukhang good mood sya,,,SIGURADONG MAY MAGANDA NA MANGYAYARI

"Good morning class," bati ni maam

"Good morning," bati namin

"Ok,bago tayo mag-simula may ipapakilala ako sa inyo ng dalawang transferee,Ms. Madrigal and Mr.Santos please come in" sabi ni maam at may pumasok nga na isang babae na mahaba ang buhok at may bangs,mga mas maliit sa 'kin at maganda saka lalaki na matangkad,katulad ng buhok ni Alex at cute

"Please introduce yourself," dag-dag ni maam

"Hi I'm Luraine Madrigal and I'm 17 years old," sabi nung babae

"Hi I'm Liam Santos and I'm 18 years old," sabi naman nung lalaki

"Ok,Ms.Madrigal please sit beside Mr.Dela Cruz while you Mr.Santos sit beside Ms.Dela Rosa," naku lagot hindi 'to pwede ayokong magkaroon ng katabi na lalaki,HUHUHU😭

"Hi," sabi ni Liam,Abi magsalita ka ng kahit ano basta wag na wag mo lang sabihin yung pangalan mo hayaan mo na sya na mag-tanong kung ano ang pangalan mo

"Hi I'm Abbigail but you can call me Abi," ang tanga-tanga mo Abbigail ba't mo sinabi

"Hi I'm Maxine Buenavista tapos itong katabi ko ay si Princess De Leon," sabay kaway ni Princess

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lunch na namin kaya ito nag-aayos na kami ng mga gamit namin ng biglang,,,,,,

"Uy Liam,sabay ka na sa'min" yaya ni Maxine

"Hmmmmm,okay☺" sagot nya

Naglalakad na kami papunta sa canteen,medyo nakakailang nga kasi kasabay namin yung mga transferee,tama 'mga transferee' kasi niyaya na rin nila Maxine si Luraine,kaya eto mag-kasama ang mga newbies.Pag-pasok pa lang namin ng canteen ay bumungad na agad sa'min si Mr.Yabang,I mean Alex kasama sina Prince,Marvin,ate Cheska at kuya Carl

"Hi kuya," bati ko sabay tingin kay Alex na abala sa cellphone nya

"Oo nga pala,kuya Carl sina Liam at Luraine,bago naming kaklase at Liam at Luraine si kuya Carl at ate Cheska," at umupo na nga kami,at si Mr.Silent ay nag-paramdam sa lamesa namin, kahit senyasan lang please,gawin nyo kasi na a-awkward na ako

"So,sino single dito?" sa andami-daming itatanong ni Luraine,ba't ayun pa pero at least pinalayas nya na si Mr. Silent at lahat sila nagtaas ng kamay maliban sa amin nila kuya,tama hindi rin ako nag-taas ng kamay kasi mamaya may mang-ligaw pa sa akin,,,HEHEHE ANG ASSUMERA KO

"May boyfriend ka Abi?" tanong ni Liam

"Wala," sagot ko

"Okay,pero nagka-boyfriend ka na?" tanong ni Luraine

"Hmmm,oo" sagot ko

"Ilan?" matipid na tanong nya

"Isa," pagsisinungaling ko

"Wehh"biro ni Maxine

"Hmmm dalawa,"

"Mamatay man,"

"Okay fine,tatlo.First boyfriend,two months lang.Second boyfriend,eight months and Third boyfriend,one year" pag-amin ko,ang hirap talaga mag-palusot kapag kasama mo ang mga kaibigan mo sa loob ng ten years

"Hula ko puppy love lang yung first mo?" sabi ni Liam

"Tumpak!" sigaw ni Princess pero hindi rinig sa kabilang table

"And hula ko rin na nagka-puppy love ka na?" sabi naman ni Maxine

"Oo naman,itong gwapong 'to," pag-mamayabang nya,assumero rin pala 'to kagaya ni Alex,pero first meet ko kay Alex ay masama,samantala kay Liam ay ayos lang

"Ay oo nga pala,iniimbitahan daw kayo ni mama mamaya sa bahay,mag-luluto raw sila ni Abi,sabay na lang kayo sa'min mamaya pag-awas" singit ni kuya

"Okay,tnx" sagot ni Luraine,mabait pala si Luraine,kasi akala ko maldita,aura nya palang halata na na maldita sya pero isang malaking maling akala lang pala 'yon

Angel From The SkyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ