CHAPTER 11: Angelic Voice💗

Start from the beginning
                                    

Bahala nga sya.Ibinalik ko ulet ang phone ko sa side table.

Nakaramdam ako ng gutom kaya napagpasyahan kong bumaba muna upang kumain.

Pagdating ko sa baba ay naabutan ko na nanunuod ng TV si Kuya.Hindi na ako nag abala pa na tanungin kung kumain na ba sya.

Medyo nagtatampo rin kasi ako kay Kuya.Ako man ay nawewerdohan sa mga kinikilos nya nitong mga nakaraan.

Naghain ako at nagsimulang kumain.

"Baby?are you made at me?"malumay nyang tanong.Hindi ako sumagot at tahimik na ipinag patuloy ang aking pagkain.

"Please baby,talk to me..Im sorry" This time lumapit na sya sakin at hinawakan ako sa braso.

"It's okay"matabang ko na sabi.

"No.It's not"seryoso nyang sabi.

Alin ba ang hinihingi nya ng sorry?Maging ako ay naguguluhan.

"Para saan ba yang sorry na yan?" cold na sabi ko.

"For everything..Listen Elle,ginagawa ko lang naman 'to para sayo.Gusto lang kita protektahan"Protektahan?Saan?Bakit kasi hindi nya sakin sabihin para alam ko diba?

"Kung tungkol na naman to sa lalaking na yon.Iniiwasan ko na sya.Kahit alam kong hindi naman dapat kasi wala naman ginagawa yong tao sakin.Pero ginawa ko,kasi yon ang gusto mo Kuya." Litanya ko.Tumayo ako at iniwan ang kinakain ko.Nawalan na ako ng gana.

Bakit ba kasi bigla na lang sya nagkaganyan?

"Manang,pakiligpit na lang po ang pinagkainan ko" I shout.

Hindi ko na hinintay pa ang ibang sasabihin ni Kuya.Pumanhik na ako sa kwarto ko at nagpahinga.

Sigh.

Nakakapagod ang araw na ito....



***

Rust Ravince's POV

Accck~ Damn.Ang sakit ng ulo ko.Fvck.Naparami yata ang nainom ko kagabe.

Naalala ko na kasama ko nga pala si Ripp kagabe.Tsk.Tiyak naiines yon sakin at iniwan ko.Napangisi  na lang ako sa isipin na yon.

Anong oras na ba?Sinipat ko ang orasan na nasa side table ko.Halos mapamura ako ng makita kong late na pala ako.Damn.

Nagmadali akong bumangon at tinungo ang cr.Kung gugustuhin ko ay pwedi na man akong hindi pumasok.Pero kasi kailangan ko syang makausap.

At hindi ako titigil hangga't hindi nya ako kinakausap.

After ko mag ayos ay mabilis ko ng pinaharurot ang sasakyan ko.

Pagdating ko ng room,as usual lahat sila nakatingin sakin.Tss.Oo na late na ako.Aish.

"Why are you late Mr.Fue----" Hindi na nya natapos pa ang kanyang sasabihin ng daanan ko lang sya at tumungo sa upuan ko.

Habol ko pa ang hininga ko ng makaupo ako.Sinulyapan ko si Yans.Nagulat pa ako ng makitang nakatingin din ito sa gawi ko,pero nag iwas din agad sya ng tingin.Psh.Lagi na lang.

"Okay class,gusto ko lang ipaalala sa inyo na sa Friday na ang submission ng project nyo.So be ready okay? I hope magawa nyo iyon" Si Ms.Perez.Tsk.Oo nga pala.Paano nga ba namin gagawin ang project na iyon?

Maya maya pa ay tumunog na din ang buzzer,breaktime na pala.Hindi ko man lang namalayan dahil sa kakaisip ko kung pano ko kakausapin ang babaeng iyon,para sa project namin.

Teka,gamitin ko kaya iyong sinabi deal namin dati?Yong kailangan nya ako sundin.

Ansama ko ba at kailangan ko pa syang i'blackmail?

Loving Mr.ArrogantWhere stories live. Discover now