Prolouge

18 2 0
                                    

"Lumipat ka muna sa dati mong kwarto at uuwi ang kuya mo." Sabi saakin ni mama.

"Siya na lang sa kwarto ko. Nakakatamad lumipat. Hehe." Sagot ko, dahil ayoko talaga dun sa kwartong yun. Hindi naman sa may multo, pero... basta!

"Lagi ka namang tinatamad e." Sagot niya, "bakit ayaw mo ba sa kwarto mo?"

"Wala lang, trip trip lang, bakit ba, walang basagan ng trip." Pabiro ko na lang sinabi, kahit ayaw ko lang talaga.

"Pagkatapos mo kumain, umakyat ka, at ilipat mo na yung mga gamit mo, ayusin mo." Tinignan ko siya with puppy eyes.

"Huwag kang magpacute, hindi ka cute."

"Sinong nanay ko?"

"Hay basta! Pagkatapos mo kumain, umakyat ka na at mag-ayos. Kapag hindi mo ginawa, wala kang baon ng isang buwan!" Parang nagjo-joke lang si mama, pero ginagawa niya talaga e.

No choice. Nanay ko e.

Natapos  kumain umupo saglit. Umakyat. Pumunta sa aking kwarto at kumuha ng kahon upang paglalagyan ng gamit. Ipinasok ko sa kahon lahat ng kailangan ko. Lumabas ng kwarto. Naglakad papunta sa pintuan ng lilipatang kwarto.

Nagbuntong-hininga. Hinakbang ang kanang paa, at ipinatong ang kamay sa hawakan ng pinto. "Andito na naman tayo." At bahayaga kong inikot ito. "Back to Zero tayo ulit nito." At tuluyan kong binuksan ang pinto. Sumalubong ang dilim. At nagsimulang bumigat ang aking pakiramdam. "Matutulog na lang ako kaagad pagkatapos kong mag-ayos." At sinindi ko ang ilaw. At nagpakita ang aking kwarto na malinis at maayos. At mga aparador na napupunasan araw-araw. Walang alikabok na masisinghot. Lahat maayos. Ako lang hindi.

At nagbaba ako ng mga gamit mula sa kahon. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking mga damit mula sa dating kwarto at inilagay sa aparador sa kwartong lilipatan.

Natapos ko na ang lahat, sinara ko ang pintuan, huminga saglit bago pinatay ang ilaw.

Walang gana akong nag lakad tungo sa higaan. 

"Andito na naman ako sa higaang ito." At inihulog ang sarili sa higaan, niyakap ko ang isang unan at hinanap ang pinaka-komportableng pwesto.

Pero hindi ako komportable.

Hindi sa mag-isa ako ngayon o hindi ako nagshower. Pero dito sa higaang 'to. Andami kong ala-ala. Ala-ala na dapat matagal ng nalimutan. Mga ala-ala na dapat naiwan na sa nakaraan. Mga ala-alang magpapagising sa akin buong magdamag.

*ring*

"Anong oras na, may tatawag pa?" Gusto ko na sanang matulog para hindi na ako magemote e.

Tinignan ko ang cell phone upang alamin kung sino.

Unknown number. Walang alinlangang sinagot ko ito.

"Hello?" Panininumula ko sa galing sa kabilang linya.

Katahimikan lang ang aking naririnig mula sa kabilang linya.

Wala kang maririnig, kahit isang tunog.

At isang sandali, narinig ko na merong umiiyak sa kabilang linya.

Ayokong isipin, pero parang alam ko na kung sino 'to. "Sino 'to? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Sa pag-iyak pa lang niya, alam ko na kung sino siya.

"Ethan?" Pautal-utal na nagsalita ang nasa kabilang linya na sa boses niya'y mawawari mong umiiyak.

Nanlaki ang aking mga mata. Sa pagtawag sa pangalan kong iyon, nagudyot ito sa akin na umiyak na ng tuluyan.

Parang huminto ang pagtibok ng dibdib ko ng narinig ko mula sa kabilang linya ang aking pangalan. Hindi ko na mapigilan ang pag-luha.

Hindi na ako makasagot dahil sa luhang dumadaloy, parang ilog na walang tigil sa pagagos, parang kalungkutan na hindi tumitigil sa pagtakbo sa aking puso't isipan.

"Sorry Ethan. Patawarin mo ako sa kung ano mang nagawa ko. Pero hindi ko talaga kaya na wala ka." Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pakinggan ang kung sino man ang nasa kabilang linya.

Hindi lang puso ko ang sumasakit e, pati ulo ko. Hindi lang ulo, buong katawan. Mabigat, lalo na sa dibdib.

Nilayo ko na sa akin ang phone, nang hindi pinapatay.

Tuloy-tuloy na luha ang umaagos sa aking mga pisngi. Mga luhang laman ang labis-labis na kalungkutan at sakit. Mga luhang hindi na maubos-ubos.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan nang ganito, kahit hindi naman dapat. Wala akong karapatan, dahil sino ba ako?

"Ethan! Ethan! Kausapin mo naman ako." Paulit-ulit na nang galing sa kabilang linya.

Ayaw ko na, ayoko na, pagod na pagod na ako. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong maging malungkot. Pagod na akong maalala siya sa lahat ng oras. Pagod na akong mapag-isa. Pagod na akong nahihirapan. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong maging pagod.

Ilang segundo lang at huminto na ang nagsasalita sa phone, habang ang luha ko'y hindi pa rin tumitigil sa pagtulo.

Nakaka-sawa na lahat ng mga nangyayari. Paulit-ulit na lang. Wala akong karapatang masaktan, pero wala rin ba akong karapatang lumigaya?

Biglang nag-ring muli ang phone, hindi ko na sinagot.

Nagring lang ng paulit-ulit. Hanggang sa nagsawa ako, pinatay ko na yung phone.

Hindi ko na kaya. Sana wala nang ganito na nangyayari.

Sana hindi ako nag-aral doon. Sana pinigilan ko ang sarili ko. Sana hindi ko siya nakilala. Sana hindi ako nagpadala. Sana hindi ko siya kinausap. Sana hindi kami naging magkaibigan. Sana hindi kami naging close. Sana hindi ako nahulog. Sana hindi ako umasa. Sana hindi ako nasaktan. Sana hinayaan ko na lang. Sana tinggap ko na lang kaagad. Sana hindi ako naniwala. Sana hindi ako umasa. Sana hindi ako naging tanga. Sana makalimutan ko na. Sana maging masaya na ako. Sana hindi ko na lang sinagot yung cellphone. Sana binilisan kong magayos. Sana natulog ako ng maaga. Sana pwedeng ibalik ang nakaraan para maiayos ang lahat at walang masasaktan, walang umiiyak.

Pero parang ala-ala lang ang pwedeng ibalik. Ala-ala na sakit ang dala.

Nagpatuloy na bumigat ang dibdib.

Bakit hindi ko ba kayang kalimutan na lang lahat? Yung iba diyan kakabreak lang, pero parang sobrang saya pa nila, may bago pa nga agad e. Pero ako, hindi pa naging kami, dinaig ko pa ang mawalan ng asawa.

Ilang buwan na din akong nasasaktan, nagbibilang ng "monthsary" kahit wala naman talaga.

Pero sa pagkakataong ito, malapit na akong maging masaya e. Onti na lang. Malapit na akong lumigaya. Pero wala e.

Gusto ko ng matigil 'to. Ginawa ko na lahat-lahat. Nagpaadict sa computer games, sa mobile games, board games, pero nagpapalaro pa rin ako sakaniya.

Nililibang ko na sarili ko't lahat-lahat. Pero wala. Sa lahat ng gagawin, andun siya sa imahinasyon kong kasa-kasama ko siya. 

Ilang beses ko na siyang nilalayuan. Pero ang alam ko, kinabukasan...

Magpapaloko na naman ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's Just A False HopeWhere stories live. Discover now