Chapter 10

2.1K 32 5
                                    

ZD'S POV

Nagulat ako. Anong nangyari dun? Bakit hindi niya ako pinansin? Di ba close na kami? Di ba ako ang pinagkatiwalaan niya? Nagka-amnesia ba siya? Bakit ganun? O___o

Sinundan ko siya, nakita ko siyang nasa parking lot kinukuha yung bike niya. Nagmasid lang ako, bumalik na naman siya sa dati. Isa na naman siyang babaeng walang pakialam sa mundo.

Naguguluhan na talaga ako. Anong nangyayari?

Naalala ko yung nasa isip ko dati nung nasa beach kami, oo nga pala. Panandalian lang ang pagsasaya niya. 

Sumakay na siya sa bike niya, ako sumakay ako sa kotse ko. Sinundan ko siya,

Psssst! Mamaw! -ako

Lumingon lang siya, at tiningnan ako. Expressionless. Nangilabot ako. Wow, anong nangyari? Ambilis naman ata ng isang gabi para bumalik sa dati niyang gawi?

Pssst! Pssst! -ako

Tumingin lang ulit siya at parang walang nakita.

Hindi ko namalayan, nakarating na pala kami sa school. Sinundan ko siya hanggang classroom.

Anong nangyari dun?

Tapos nakita ko siyang kinakausap nila Matthew, tumatawa naman siya ah. Anong meron at ako lang ata ang di niya napapansin?

Bumalik siya sa dati niyang gawi, pero parang bakit sa akin lang?

Pumunta ko sa barkada.

Mga Pre! -ako

Oy 'tol! Hahaha. Kamusta? Buhay ka pa pala. -Joseph

Gago. -ako

Ang aga niyo ata? At bakit nandito na kayo sa classroom? Himala. -ako

Kailangan na mag-aral Pre. Bantay sarado kay H e. -Matthew na napakamot sa ulo.

May problema ba don ha?! -H

Wala po. Wala po. -halatang takot si Matthew e. hahaha

Under Pre. HAHAHAHA. -ako

tawanan kaming lahat. si JD nakatingin sa labas, tila may iniisip. kaya nilapitan ko siya kahit hindi niya ako pinansin kanina.

Mamaw. -ako

tiningnan niya lang ako.

Mamaw, usap tayo. Galit ka ba saken? -ako

Hindi. -with that umalis siya, malapit na magbell pero umalis pa rin? di ko na sinundan, kailangan niya siguro ng alone time.

Mga Pre. May nakakaalam ba kung anong nangyayare kay JD? -ako

Ha? May nag-iba ba? Wala naman ah. -H

Onga Pre. Wala kaya, 'di mo ba nakita yung kanina? Kakwentuhan lang namin siya ah. Nagtatawanan pa nga kami kanina e. -Joseph

Onga 'tol. Napapraning ka na? Lumaklak ka na naman ba ng kape? -Matthew

Di Pre. Hahaha, wala lang siguro. -ako

umupo na lang ako dun sa tabi ng barkada, wala ako sa mood makipag-asaran e. 

Anong meron sayo JD? Iniiwasan mo ba ako? 

Inisip ko na ang lahat ng pwedeng dahilan pero para lang akong tangang nag-iisip kasi wala ding pumasok sa utak ko, ang naaalala ko lang ay masaya kaming pumipili ng kanta, at alam kong masaya siya nun, pero bakit biglang ganito ang salubong niya sa akin kinabukasan?

Mahal kita, may magagawa ka? [Completed Book I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon