Chapter 2

2.4K 34 5
                                    

GIGISING ANG GWAPO.

GIGISING ANG GWAPO.

GIGISING ANG GWAPO.

HAHAHAHA.

GIGISING ANG GWAPO.

GIGISING ANG GWAPO.

GIGISING ANG GWAPO.

HAHAHAHAHA.

alarm ko yan, pati sa paggising pinapatunayan ko na GWAPO akong nilalang. HAHAHA. walang basagan ng trip, gwapo ako e, may papalag? Lul. Ginawa ko na yung morning rituals ko, 

-Ligo-Harapsasalamen-Paswabe-Gwapo-Syet.Gwapo-Layas-

Papunta ko sa elevator, nasa pinakatuktok kasi 'tong condo ko. Ayoko kasi ng maraming tao, oo gwapo ako. Pero malayo din ako sa tao, ayoko masyadong lalapit. Kaya nga konti lang kaibigan ko. Pero sigurado ako, mga tunay kahit lalaki. Sa babae kasi wala ng tunay na kaibigan. Kakabagot lang. Buti na lang lalaki at gwapo ako, Hot pa. 

Papunta na ko sa elevator, may nakasalubong akong babae. Parang pamilyar e. Nakapangmanang na suot. Yaman naman neto kung dito 'to nakatira. Mayayaman lang kasi halos ang nakakatapak dito. Parang CONDOMINIUM ng mga Rich. At isa na ko don, mayaman, gwapo, hot, at maappeal. Hahaha. Pinindot ko na lang yung button para makababa na, nababanas na ko e. Bagong ligo lang ako, pero bat ang init? Tangna lang. Nagtitipid pa 'tong building na 'to, lagpas na nga sa bulsa ang mga pera e. Kakainis. Bat ba ang tagal nito. Pusang gala. -.-

Tsss. sabi nung babae sa tabi ko. 

Bat ba kasi ang tagal neto? Nasan na ba ko nasa Mars? Muntanga lang, kanina pa kami nakatayo dito di na nakababa. May nangyari kaya? Matingnan nga 'tong phone ko. Walang signal. Pota. Naiinis na ko. Nasan na ba kase? Tss. Muntanga lang, pagkaganda-ganda ng building na 'to, nasisiraan pa ng elevator. Kamusta naman yun? Malelate na ko, sira na ang record ko pag nagkataon. Badtrip. Tss. Tiningnan ko yung babae. Parang nakita ko na 'to. Parang nakita ko na yung mga matang walang buhay na yan. San ko nga ba nakita yan. Siya yung bagong babae. Yung may saltik sa ulo. Ulyanin na talaga ko, siya pa nga pala yung pinagpupustahan namin. Ang tanga lang. Hahaha.

Miss? tatanong ko kasi kung may cellphone. Baka pwedeng makitawag. Baka kasi may signal yung kanya. Tiningnan lang ako. Bakit ba kasi ganyan yan? Kung hindi nakatingin sa bintana, nakatingin sa'yo pero parang hindi naman ikaw ang focus ng mata niya, tapos kung hindi ka naman titingnan snob lang, tapos pag nagsalita naman wala lang. Ang effortless. Walang emosyon. Pwede pa ba yun sa tao? Hindi nakakaramdam? Kakaiba.

Miss? May cellphone ka ba? Wala kasing signal yung akin, baka pwede namang makihiram kung meron kang cellphone at signal. tinutuloy ko na, mapapanis lang laway ko. Binigay niya naman yung iPhone 4s niya. Hanep. Hindi mo halata sa suot niya. Anak mayaman siguro 'to. O sige na may signal yung kanya, makikitawag na ko.

Hello? Can you check your elevator? We're trapped here. Yes, this is ZD Padilla. Okay. Thanks. Just fix it as soon as possible, we're gonna be late for our class. Thanks, Bye.

haha, nakakadugo lang ng ilong. Amerikano kasi yung receptionist. (A/N: Tama ba?) Mayaman kasi may-ari, kaya kumuha ng Amerikano. Daming alam. pssh -.- Mga isang oras na rin kami nag-aantay dito, binalik ko na kanina yung cellphone nung babae, baka di ako makapagpigil kunin ko pa yon. Makakabili naman ako, sadyang nakakatamad lang tumawag sa para magshipping o kaya pumunta sa store. Naayos na din. Pumunta na ko sa carpark.

Aalis na sana ako ng makita ko yung babae. Pinagmasdan ko lang sya, kakaiba kasi yung aura niya, ibang-iba sa normal na tao. Para bang ang dilim. Di ko maintindihan. Nagba-bike lang pala siya. Inunahan ko na, di ako gentleman. Lol. After 20 minutes. Nandito na ko sa parking, pinark ko na yung kotse ko, at dali-daling pumunta sa office.

Miss! Sorry po nalate ako. Galing kasi nung building ng tinitirhan ko e. Pahamak. Miss consider naman yon di ba? Di ba Miss?- ako, pagmamakaawa ko. Sayang kasi. Ang laki pa naman ng bawas kapag nalate ka. Kahit naman ganito ako gusto ko rin makatapos para sa tatay ko. Para mapatunayan kong KAYA ko. Tss.

Ha? Ah. Oo, pinagpaalam ka na ni Ms. Bernardo. Sabi niya nastranded nga daw kayo. Osige makakaalis ka na. Exemption. - sabi ni Mrs. Liwag. Buti na lang. Binigyan na ko ng hallpass at pumunta na sa next subject ko. Boredom KILL me now! Maya-maya lang, lunch na pala. Yes, kasama ko na yung tatlo. Tawanan lang ng tawanan habang may kalandian. Ako? Meron din, pangalan? Trisha o Mae? Di ko na inaalam. Mawawala din yan. Makakati e. 

Nakita ko yung babaeng manang. Di ko siya kaklase nung last period before lunch. Wala napansin ko lang. Kakaiba kasi talaga yunga aura niya e, oo nakikita ko siyang tumatawa kasama nung mga kaibigan niya, pero kita ko kahit malayo pa lang ako, alam kong peke lahat ng yun. 

Galing ko 'no? Meron kasi akong ability. Magaling akong magmatyag. Ewan, given talent? Nakikita ko kasi yung mga bagay na bihira lang makita ng isang normal na tao. Hindi multo, kundi yung mga bagay na hindi tinutuunan ng pansin ng iba. Gaya ng baso. Hahawakan lang yan ng walang tinginan at iinoman di ba? Kalimitan na yan, pero ako? Titingnan ko muna, mamaya may sabon pa 'to e. MInsan naman yung mga aksidente ko lang nakikita. Haha, ewan ko. Gwapo pa rin ako. :> Tama na ang kwento. Nandito na kami sa cafeteria. Sosyal e. Bibili na sana kami ng magsalita yung babae.

Kami na lang, babe. Kawawa naman kayo, magasgasan pa kayo ng mga mahaharot diyan. yan yung babae ni Matthew.

Sila kaya yung mahaharot. Kaya nag-iba ang pananaw ko sa mga babae. Pano wala pa kong na-e-encounter na babaeng walang halong kalandian, bukod kay Manang Bernardo. Lol. Pero di naman counted yun, wala naman atang lovelife yun. Umalis na sila. Kami nagkwentuhan about dun sa game mamaya.

Mga pare, ano tuloy pa ba mamaya? -tanong ni Matthew na nakangiti ng loko.

Oo naman. -Joseph

Basta ang matalo ha. Haha, pag hindi niyo nagawa. May parusa kayo. Dapat mapalapit sa isa sa ating matatalo ang loob ni Manang. Pag hinde. Wala, talo na. Ang matalo sa pustahang 'to. Magsasayaw ng Teach Me How To Dougie sa harap ng mga tao. Gets? -Matthew. Tumango-tango na lang kami ng may marinig kaming sumigaw.

LETSE. - yung mga babae namin.

Anong problema mong babae ka? Nanunulak na lang bigla? Huh? - yung babae ni Matthew.

Shut the fvck up, you darn little bitches. Tabi! -sabi nung manang.

Spell nganga? KAME. Pati pala yung mga babae. Sinabunutan nila si Manang. Tapos ang reacion ni Manang? Wala. Nagsalita lang siya. Ang sabi niya,

Let go of my hair or else. -yung manang, kailangan ko ng malaman ang pangalan neto, napakahirap sabihen ng manang. hahaha natatamad ako. 

Or else what, Pobre? -sabi nung babae ni Jc. makapobre wagas. Mukha naman kasi talaga.

YOU'LL DIE. - yung manang, umalis na siya dun at inunahan yung mga babae namin. Spell Nganga? KAMING LAHAT. Lahat ng tao sa cafeteria. HAHA. Nagbell na pagkatapos ng nagliliyab na eksena. Di nga kami nakakain, pano ang aarte ng mga 'to, iganti daw namen sila. Ano bang ginawa ni Manang? Sila yung mahaharot. pssh, mga babaeng 'to kundi lang mga babae 'to binugbog ko na 'to e. Di ko ipinapagtanggol si manang, maharot at malalandi lang sadya 'tong mga 'to.

Kaya nga pampalipas oras lang e. Nandito na ko sa room. As usual, tilian pa rin. Nababasag na eardrums namen. Di ba nila halata yon? -______- Nandito na ulit yung babaeng manang na may saltik sa ulo. Nakaupo lang sya. Nakatingin sa harapan pero alam mong hindi talaga nakikinig. May earphone sa tenga e. HAHA. Siraulo. Nagdiscuss na ng kung ano-ano si kalbo.

Harap sa board si Kalbo. Mga kaklase ko? Yung iba tulog, nagbabatuhan ng papel, nakikinig ng music, nakatingin sa kawalan, at nagdadaldalan. Parang masyadong matatalino 'no? ahaha. pero kami ang may pinakakakaibang ginagawa, nakikipaglandian. HAHAHA. Ang tanga kasi ni Kalbo, di magawang humarap. sinong makikinig sa kanya niyan. -.- Maya-maya lang, dismissal na. Walang interesting na nangyari kaya, wala din. Eto na, pupunta na kami sa court. Magbabasketball. Padamihan ng shoot di ba? Nagsimula na.

1minute.

2minutes.

3minutes.

Over.

Mahal kita, may magagawa ka? [Completed Book I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon