Lahat sila naghahangad na makasama ako,

lahat sila minamahal at hinahangaan ako,

lahat sila luwa ang mata dumaan lang ako,

pero bakit sayo,

WALANG EPEKTO?

Lahat ng mga babae nagkakandarapa makalapit lang sa isang gaya ko,

lahat sila kala mo mga aso kung bumuntot sa likuran ko,

lahat sila, mahawakan lang ang isang hibla ng buhok ko masaya na,

PERO BAKIT SA'YO KULANG NA LANG IPAGTABUYAN MO AKO?

kahit mga lalaki naiinggit,

lahat sila may halong galit,

yung iba nga nababakla pa,

bakit sayo,

MUKHA AKONG TANGANG NAGHIHINTAY MATAPUNAN LANG NG TINGIN MO?

Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang panahon,

siguro nga wala pa ako sa tamang sitwasyon,

pero sana naman hayaan mong mahalin at alagaan kita,

dahil wala naman akong balak humingi ng kapalit,

dahil ginagawa ko 'to para sa'yo at para sa sarili ko,

para masabi ko sa sarili kong,

KAHIT GANITO LANG ANG PARAAN NG PAGMAMAHAL NA KAYA KONG IBIGAY SA'YO, SISIGURADUHIN KO SA SARILI KO NA LIGTAS AT MAAYOS ANG KINALALAGYAN MO, MAGMAHAL KA MAN NG IBA, ANDITO PA RIN ANG BATMAN MO. TANGA NA KUNG TANGA, MAHAL KITA, MAY MAGAGAWA KA? "

kahit pa sabihin mong kaya mo,

nandito pa ren ako sa likod mo,

nagbabantay sa mga taong handang manakit sa'yo,

alam mo bang ngayon lang ako nabaliw ng ganito?

Minsan nga nagtataka na ang mga kaibigan ko,

ano daw bang meron sa'yo,

at tinamaan ako ng ganito?

Madalas pa nga nilang sabihen,

 " Dre! Wala ka bang taste? Mukha kayang manang yon. " 

Di ko rin alam kung bakit kita minahal sa kabila ng kaanyuan mo,

pero, 

eto lang ang masasabi ko sa tanong nila,

" Ipapaglaban kita kahit kanino,

dahil yan ang sinasabi ng puso ko, 

mamahalin kita, tutulan pa ko ng mga ninuno mo. "

Alam kong wala kang pakealam kung nabubuhay man ako sa mundong ito,

dahil wala kang pakialam sa mga taong katulad ko,

pero laging nakatatak sa isipan ko ang mga katagang,

"Ako ang magsisilbing BATMAN mo,

lahat ng umaaway sa'yo lalabanan ko,

dahil ang buhay mo, higit pa sa buhay ko."

Alam mo ang palagi kong pinaniniwalaan, pagdating sa'yo?

Eto oh,

PAGBIBIGYAN DIN NI DESTINY ANG ISANG KAHILINGAN

ng ISANG GWAPONG NILALANG NA GAYA KO,

ito ay,

ANG MAHALIN MO. 

marami mang hadlang na nagbabadyang umeksena,

AKO PA RIN ANG BATMAN MONG PATAGO KUNG MAGTANGGOL,

PATAGO KUNG MAGMAHAL,

NA KAHIT KAWAAN NA NG IBA,

PATULOY PA RING MAGMAMAHAL.

Sa takdang panahon, papatunayan ko sa'yong karapat-dapat ako,

SA MATAMIS MONG OO.

PS.

Maghihintay ako, hindi mo man masabing mahal mo ako NGAYON,

sisiguraduhin kong, mamahalin mo rin ako sa takdang panahon,

pero kung wala na talaga, at may minamahal ka na,

ako na ang kusang lalayo, dahil kung san ka masaya,

labag man sa puso't isip ko, magiging masaya ako para sa'yo,

dahil ikaw ang buhay ko,

dahil sa ngiti mong napakatamis, nabibigyan inspirasyon ang isang katulad kong

HINDI BINIYAYAAN NG KASIPAGAN SA BUHAY,

kaya kahit masaya ka na, sa piling man ng iba,

tatanggapin ko, kahit sobrang sakit,

hahayaan ko na lang, tutal hindi mo naman hiniling 'to,

ang akin lang,

makita ko lang na nakangiti ka, pasado na ko.

-----------------------------------

A/N: Ginawa ko 'to kasi naisipan ko, kaya kung napapangitan kayo, sabihin niyo agad, hindi naman ako mao-offend kasi, wala din naman akong balak sumulat ng mga kagaya nito, naisipan ko lang kasi gusto kong mailabas lahat ng nasa utak ko simula pa lang nung magbasa ako ng mga kwento dito. Kaya lahat ng may gustong sabihen, panget man o hinde, ako pa rin 'to. HAHAHA.

Mahal kita, may magagawa ka? [Completed Book I]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!