Chapter 81

2.8K 44 21
                                    

---

When I Come Across Your Heart ♥

Chapter 81

Written by CuteChubbyMe♪

---

Kiefer's POV

"Blaaaaaag"

Pabagsak kong pagsara ng pinto ng locker ko pagkaraang mailagay ang mga libro ko rito. 

Halos dalawang linggo na ang nakalipas ng makita ko ang ginawa ni Jeron at Mika. 

Dalawang linggo na akong walang tulog dahil tuwing gabi ay paulit-ulit lamang lumalabas sa aking panaginip ang eksenang ayaw ko na ulit pang makita.

Matamlay kong isinakbit ang bag ko sa aking kanang balikat at nagsimula ng maglakad. Kakatapos pa lamang ng aming klase ngyayon ngunit sa kabila ng saya dahil makakapagpahinga na ako eh tiloa ba wala akong ganang umuwi. Alam ko kasi na kapag mag-isa na naman ako ay hindi ko maiiwasang hindi na naman makaramdam ng sakit at galit sa dibdib ko kapag naaalala ko yaong eksenang yun.

Dalawang linggo na akong hindi tinatantanan ni Mika ng mga texts niya. Ngunit ni isa sa mga texts na yun ay wala akong sinagot. Hindi pa kasi ako handa na harapin siya sa ngayon. Nito nga lamang nakalipas na dalawang araw ay baka napagod na siya sa kakakulit sa akin kaya hindi na siya nagpapadala pa ng mga texts.

Mahirapan man, sobrang hirap man para sa akin na iwasan siya dahil ganoon ko siya kamahal, ngunit sadyang sarili ko na ang nagdidikta sa akin na mas makakabuti sa akin kung umiwas muna ako kay Mika.

Hay.

Bakit? 

Hindi ko inakalang magagawa yun sa akin ni Mika,

She said na tanggap niya na yung pagmamahal ko?

Umasa akong mahal niya na rin ako.

Umasa akong magiging maayos na ang lahat.

Umaasa akong ako ang pipiliin niya at hindi si Jeron.

Ngunit nagkamali ata ako.

Masyado ata akong umasa.

Pagkatapos kong gawin ang lahat para maipakita sa kanyang mahal ko siya ay ganoon lang pala yung makikita ko. Sana hindi niya na lang pala ako pinapunta kung yun lamang pala ang gusto niyang ipakita sa akin,

Pinamukha pa niya sa akin na si Jeron talaga ang pinili niya at hindi ako.

Napailing na lamang ako. Hay eto ka na naman Kiefer. 

"Pst" 

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Fille na nagmamadaling lumapit sa akin.

"Bakit parang ang tamlay mo nung mga nakalipas na araw? Okay ka lang? :)" tanong niya. 

"Wala 'to Fille. Pagod lang talaga ako" lumakad na ako at sumabay na siya sa akin. 

"Hmmp, pagod daw, bakit hindi ka ba nakakatulog ng ayos dun sa condo ni Nico?" muli niyang tanong.

"Maayos naman ang lagay ko doon, sadyang .." naputol ang sasabihin ko. Hindi ko kayang iopen kay Fille ang nangyari.

"Sadyang ano?" pangungulit niya. " Hmmm, pag-ibig yan no? Anong nangyari? Nag-away kayo ni Mika?" 

Agad akong napabaling kay Fille. Nakakapagtaka, parang noon lamang ay galit na galit siya kay Mika pero ngayon bakit parang concern na siya sa amin?

"Tss, sabi ko na eh, pwede kang magkwento sa akin :)" nangungumbinsi nitong sabi.

Napataas na lamang ang isa kong kilay na animoy nagtatanong kung anong dapat kong sabihin. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang ipulupot ang kanang braso sa kaliwang braso ko at batakin ako. "Silence means yes. Tara hanap tayo ng magandang place kung saan mo pwedeng ikwento yan ng buo."

When I Come Across Your Heart ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon